Epilogue

12.7K 436 71
                                    

Epilogue


Ella's Point of View


My sight was blurry as soon as I opened my eyes. White. Everything is white. Everything I see is white. I squinted so that my eyes could adjust.

Napagtanto ko na nasa infirmary na naman ako. Nakita ko si Flynn sa bandang kanan na nakaupo sa pulang sofa. Nakayuko at nakacrossed-arms siya at tila natultulog ito. May bandage na nakabalot sa kanyang kanang braso pati sa kaliwang kamay.

Bigla kong naalala noong una akong napunta rito sa infirmary. Siya rin ang una kong nakita pagkagising ko. Napangiti na lamang ako at tinignan si Flynn.

Ngunit paano ba ako napunta rito? Ano ba'ng nangyari?

Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Iniluwa nito si kuya Arch.

"Gising ka na pala," ngumiti siya at nilapitan ako. "You okay?"

Tumango ako at tinitigan ang gwapong mukha ng kuya ko. Ang kinis ng kuya kong ito, nahiya ang surface ng muka ko.

Umupo si kuya Arch sa upuan katabi ng hinihigaan ko.

"Ano palang nangyari?" tanong ko at sinubukang bumangon. Agad na tumayo si kuya Arch at inalalayan akong sumadal sa headboard.

"You passed out, sabi mo nahihilo ka." He answered and got back to his seat. I nodded. "You were asleep for about 13 hours." Lagpas 12 hours na pala akong tulog.

Lumingon siya sa likuran at tininignan si Flynn.

"He's been here for hours," he said.

"Ha?"

"Kagabi pa nandito ang batang 'yan," tinignan niya si Flynn. "Your boyfriend."

"Ha?"

"Sinabi namin sa kanya na magpahinga, but he insisted na siya na magbabantay sa'yo. Look Ella," mas naging seryoso ang kanyang mukha. "Hindi kita pinagbabawalang mag-boyfriend, pero kailangan niya paring dumaan sa'kin."

"Ha?"

"Ha ka nang ha. Naiintindihan mo ba sinasabi ko?" medyo naiinis na tanong ni Kuya Arch.

"Sorry kuya," tinignan niya lang ako. "Pero pa'no ni'yo po nasabing boyfriend ko siya?"

"He told me," tipid niyang sagot. Nag-init na lamang ang mukha ko. Tinignan ko si Flynn. Nag-isip ako para ibahin ang topic.

"Si Clark!" medyo napasigaw ako. "Kamusta na siya?"

"He's okay, wala naman siyang nakuhang serious injury. May konting gasgas lang siya sa noo."

"Sigurado ka kuya?" naalala ko kung paano tumulo ang dugo sa kanyang mata. Hindi naman pwedeng imagination ko lang 'yon. Tumango siya.

"Don't worry, he's okay. Everything is okay now," tinitigan niya ako. "Ella, alam kong alam mo na. Pero gusto ko paring humingi ng tawad sa'yo." Humugot nang malalim na hininga si kuya.

"Kami nila Gally at Dorth ang may kagagawan kung bakit nawala ang talino mo, kami ang nag-iinject ng serum sa'yo para pigilang lumabas ang talino mo. Tauhan din namin si Gab, kami ang nag-utos sa kanya na painumin ka ng tablet para makalimot," naalala kong bigla noong hinalikan ako ni Gab at pilit na pinainom ng gamot. "Sa ganoong paraan makakalimutan mo ang alaala mo na maaaring makapagbalik ng talino mo. Alam kong galit ka, at hindi kita masisi. Habangbuhay akong hihingi ng tawad sa'yo. Patawad," yumuko si kuya Arch.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon