Chapter 25: Mga Matang Nagmamasid

22.2K 839 16
                                    

Ella's POV

Tahimik lang kaming naglalakad ni Gab. Habang naglalakad ay sinusubukan kong ifamiliarize ang daan dito sa masukal na gubat. Medyo maputik din ang daan dahil sa ulan kagabi.

At medyo mainit na rin dahil alas-diyes na ng umaga. Ang sarap ng hangin, ngayon ko lang din na appreciate ang kagandahan ng gubat.

Hindi ko naman kasi maaapreciate ang kagandahan ng gubat kahapon dahil sa naliligaw ako. Ngunit ngayon, talagang pansin ko ang koneksyong taglay ng mga nakikita ko. Mapa hayop man ito, mapapuno o halaman.

Nakakarelax ang paligid. Ramdam ko ang intensity ng kulay ng bawat puno at halaman. Masarap rin sa pandinig ang mga mumunting huni ng mga ibon.

Binigyan ko ng sulyap si Gab at nakikita ko sa mukha niya ang tranquility.

"Gab may tanong ako, pero huwag ka sanang maoofend ah." pagbubukas ko ng usapan.

"Ano 'yun?" nakatanaw lang siya sa daan habang patuloy lang sa paglalakad.

"Bakit ba puti 'yang buhok mo? Nagpakulay ka ba?" medyo na weirduhan ata siya sa tanong ko. Curious lang naman kasi ako eh.

"Ah ito? Normal na kulay na 'to ng buhok ko." sagot niya habang hinahawakan ang buhok niya.

Tumango nalang ako bilang sagot. "Saang school ka naman nag-aaral?" tanong ko ulit. Ayaw ko naman kasing maglakad na walang imikan.

"Hindi na ako nag-aaral." nangunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya. Seriously? Hindi na siya nag-aaral? Mabuti pa siya wala ng haharaping sakit sa ulo. Ako, hindi lang sakit sa ulo ang haharapin ko sa Blue Moon High. Sakit sa tiyan at sa buong katawan.

"Ikaw? Saan ka nag-aaral?" tanong ni Gab habang seryoso akong tinititigan.

"Sa BM High."

"BM what?"

"Sa Blue Moon High. Kakatransfer ko lang this school year." paglilinaw ko. Napashare na naman ako sa kanya.

"You mean start na ng class? Hindi ba vacation niyo pa?"

"Most of the schools ay vacation pa ngayon. Pero kakaiba kasi 'yung napasukan kong school, accidentally. Wala silang sinasayang na oras." biglang rumehistro ang pagtataka sa mukha ni Gab.

"Accidentally?" tanong niya. Bibig ko naman oh, bakit ko ba nasabi pati 'yun?

"W-wala. Amm. So, mag-isa ka lang bang nakatira 'dun sa tree house mo? Ang ganda 'nun ah." pag-iiba ko agad ng usapan. Sana naman tumalab.

"Ha? Salamat. Oo. Mag-isa lang ako 'dun. Nagbabakasyon lang 'din kasi ako." salamat at sinabayan niya ang tanong ko. Muntik na ako 'dun ah.

Marami pa kaming napag-usapan habang naglalakad. Mga kaunting bagay lang naman. Hanggang sa 'di ko namalayan na nakarating na pala kami sa baryong Narra.

Mula dito ay tanaw ko na ang mga mga bahay. Naririnig ko rin ang mga tawanan, sigawan, at mga naglalarong bata.

"Maraming salamat talaga Gab. Utang ko sayo ang buhay ko. Kung 'di dahil sayo baka nalunod na ako sa baha kagabi. Nilabhan mo pa 'tong damit ko. Sana... Sana magkita tayo ulit." ngumiti si Gab sa naging saad ko.

"Okey lang 'yun. At least naman may nakilala akong tulad mo. Tsaka, ako rin. Nararamdaman kong magkikita pa tayo." ginantihan ko ang ngiting binigay ni Gab sa akin. Sana nga.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Alam ko na hindi pa umalis si Gab. 'Di pa ako nakakalayo ay biglang nagsalita ito.

"Ingatan mo ang kutsilyong 'yan. Importante 'yan sa akin." napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig. Hinarap ko siya kaya lang nakatalikod na ito at humahakbang na palayo.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon