Chapter 41: Third Mission
Ella's Point of View
I pressed my lips together to keep myself from punching this guy. My sight traveled from the gun pointed at me, his arms stretched, to his eyes.
My hands are both raised in surrender. Nakita ko sa gilid ng aking mata si sir Loid. Nasa kabilang column lang siya, malapit sa'kin.
“IKAW! Ano sa tingin mo'ng ginagawa mo? UPO!”
Tinignan ko ulit ang lalake sa tabi ko. Mahigpit ang hawak niya sa baril, handa itong kalabitin at iputok. Tumulo ang pawis sa kanyang sentido, lumunok ako ng laway. I carefully shifted my position.
Nakita ko kung paano dahan-dahang tumayo si sir Loid, his hands raised. Napansin kong nag-wink si sir sa'kin.
“Pare, baka naman pwede nating pag-usapan 'to?”
“HINDI!” tinuro nito ang upuan ni sir gamit ang mahabang baril. “Bumalik ka sa upuan mo!”
Lumapit si sir Loid na nakataas parin ang kamay niya, walang bakas ng takot sa kanyang mukha. Pinagpawisan ang lalake na nakatayo katabi ng driver. Mas tinutok niya pa ang baril kay sir Loid.
“Kung ako sa'yo," humakbang si sir. “Ibababa ko na ang baril ko ngayon.” Mas lumapit pa si sir.
Pinaputok ng lalake ang kanyang baril sa itaas. Nagsisigaw na ang mga tao dahil sa takot at sa nakakabinging putok ng baril.
“Hanggang dyan ka lang! Kundi babarilin kita!”
“Tinatakot mo pa ko,” hindi ko alam kung imagination ko lang ba ang pag-smirk ni sir. “Iputok mo.”
Tila ang lalake pa ang natakot kay sir.
“Sino ka ba?”
“Hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa'yo.”
Napansin ko ang pagtingin ng bus driver sa rear view mirror.
“Pag bilang ko ng sampu, dapat nakatago ka na..."
“Isa.”
“Dalawa.”
“Sampu!”
Hindi ko alam kung nakalimutan na ba ni sir ang tamang pagbilang o sadyang hindi ko lang talaga alam na may bagong sequence na pala ng bagong pagbibilang.
Ngunit nawala iyon sa isip ko dahil sa bilang ng sampu ay biglaang nagkaloko-loko ang takbo ng bus. Tuluyan nang kinain ng ingay ang paligid. Muntik na akong mauntog sa likod ng seat na nasa harap ko.
Doon ako nakaisip ng paraan. Kinuyom ko ang kanang kamay ko at sinuntok sa mukha ang lalakeng katabi ko. Umungol siya sa ginawa kong iyon. Hindi na ako nagsayang ng oras at nakipag-agawan sa hawak niyang baril.
Nakarinig ako ng pagputok ng baril. Mga tili at takot na sigaw ng mga tao. Para ng tambol ang puso ko sa sobrang lakas ng pagdadrum nito.
I gritted my teeth and use every ounce of strength I have. But him being a man, overpowered my puny strength. Nakatutok na sa itaas ang baril na pinag-aagawan namin. Pumutok ito ng dalawang beses dahil sa pagkalabit niya.
Sinuntok ko ulit siya sa ilong kaya siya sumigaw. Hindi pa ako nakuntento kaya siniko ko siya, malakas na tumama ang siko ko sa leeg niya. Napahiyaw ulit siya sa sakit. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa baril. I tightened my grip at binali ang kamay niya.
Naagaw ko ang baril at dali-dali itong itinutok sa kanya. Hindi pa siya nakakamove-on sa sinapit niya pero agad na niyang itinaas ang kanyang kamay bilang pagsuko. Tila hindi siya makapaniwala sa bilis ng pangyayari, dilat ang kanyang mata na nakatitig sa baril na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Misterio / SuspensoHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...