Ten years ago...
Bell's POV
Naglalakad ako papuntang kwarto ng anak ko. Sigurado naglalaro na naman ng chess 'yon mag isa o kaya naman ay nilalaro nang sabay ang dalawang rubics cube.
Napailing nalang ako at ngumiti sa naisip saka tinulak ang pinto. Laking gulat ko na lang nang siyang pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang kanyang kwarto na puno ng mga sulat gamit ang marker.
All white ang kulay ng kwarto ng anak ko. From ceiling to floor and all four walls ay white. Kaya naman klarong-klaro ang mga markang sinulat ng bata.
Hindi ito ordinaryong mga larong-sulat lang ng isang bata dahil puro ito complicated calculations ng trajectories, projectiles, analytical principles at kung anu-ano pa na hindi kayang intindihin nang ordinaryong tao.
Hindi ako nagkakamali, anak ko ang sumulat ng lahat ng iyon dahil kilalang kilala ko ang sulat kamay ng anak ko.
Hindi ako mahihirapang intindihin ang mga isinulat ng anak ko kahit gaano man ito ka komplikado. Ngunit ang mas ikinatakot ko ay ang nakita kong iniukit niya gamit ang kutsilyo.
Dahil sa takot at pagka taranta ay tinawagan ko agad si Mr. White at sunod kong tinawagan ang asawa ko. Pagkatapos ay diretso kong dinala ang anak ko palabas ng bahay para puntahan si Mr. White.
Naghihintay ako ngayon sa labas ng opisina ni Mr. White nang,
"Mrs. Stern? Please come inside. Mr. White will be waiting." Tawag ng babaeng naka all-white uniform. Tumayo ako at sumunod sa babae.
"Please Mrs. Stern. Have a seat." Bungad ng lalake sa harapan ko habang inilalahad ang bakanteng upuan sa harap niya.
Umupo naman ako sa upuang kaharap ni Mr. White. Nakayuko lang ako sa harap niya, hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nakita ko. Natatakot ako para sa anak ko. Bakit sa lahat ng tao ay siya pa?
"What have you seen Mrs. Stern?" Tanong ni Mr. White. Ramdam na ramdam ko ang tensyong binibigay ng titig niya sa akin. Dahil sa pangamba ay 'di ko magawang tumingin sa kanya.
Hindi ko alam ang isasagot ko dahil alam kong delikado. Kahit pigilan ko man, nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Ramdam ko rin na kumikinig ang baba ko dahil sa umaahong emosyon.
"Bella tinatanong kita! What have you seen?! Ano ang sinulat ng bata?!" Pag-uulit ni Mr. White. Sa pagsigaw niya pa lang ay alam kong nagagalit at sobra na siyang naiinip.
Pinipigilan kong umiyak kaya pinikit ko na lamang ang mga mata ko habang nakayuko. Pagkuwa'y nag-init ang aking mga mata, tuluyan na ngang umagos ang aking mga luha. Hindi ko rin alam at wala sa sarili ko siyang sinagot.
"LQP-79............... "
Kahit 'di ko man siya tignan, alam kong may gumuhit na ngiti sa kanyang labi, ang ngiti ng isang demonyo, "sinasabi ko na nga ba, siya ang tutulong sa atin..........."
* * * * *
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...