Ella's POV
Under the heavy rain, I run, run as fast as I could.
Sobra nang dumidilim ang paligid. Natatakot man ay nagpatuloy parin ako sa pagtakbo. Dumagdag pa sa takot ko ang nakakasilaw na kidlat.
Kailangan kong makahanap ng masisilungan. Basang-basa na ako sa ulan. Gusto kong umiyak dahil sa umaahong emosyon sa dibdib ko.
Natatakot ako sa kidlat. Takot akong mapag-isa. Natatakot ako sa bagyo. Natatakot ako sa madilim na paligid ko.
Sinasabayan ng kabog ng dibdib ko ang tunog ng bawat yapak ko. Lalong lumalala ang kaba ko sa tuwing naririnig ko ang nakakabingi at nakakakilabot na kulog ng langit.
Halos mabaliw na ako sa kakatakbo. Hindi ko mapigilang ang mga luha ko.
Umiiyak ako dahil sa takot. Takot na baka isang iglap lang ay may sumalubong sa aking demonyo. Nanginginig na ako dahil sa pinaghalong takot at ginaw. Unti-unti na akong naghihina.
Hindi ko alam kung saan ako patungo. Hinahayaan ko lang ang sarili kong paa na hatakin at dalhin ako sa kung saan man. Pakiramdam ko lahat ng uri ng demonyo ay nakapaligid sa akin. Nakatingin lang. Nagmamatyag. Nagmamasid.
Huminto ako sa pagtakbo at napalingon sa isang sulok nang maramdaman kong may nakatitig sa akin.
Madilim ngunit nakikita ko ang anino niya. Nakatayo siya sa tabi ng malaking puno. Alam kong nakatitig siya sa akin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, halos lumabas na ito.
Dahil sa kaba ay kumaripas ako ng takbo. Hindi pwede 'to. Hindi ko gusto ang nararamdaman kong takot. Kakaiba ito sa lahat.
Umiiyak parin ako habang mabilis na tumatakbo. Masyado ng sumasakit ang puso ko dahil sa kaba at pinaghalong emosyon. Kaba. Takot. Pagod. Ginaw. Pangamba.
Napahinto ako sa pagtakbo nang malaman kong nasa harapan ko na ang anino ng tao. Humakbang ito palapit sa akin. Sa bawat hakbang nito ay siya namang pag-atras ko.
Inilahad nito ang kamay na animoy kukunin ako.
Napatikom ako sa bibig ko. Ayokong maglabas ng kahit anong tunog. Patuloy lang ang pag-agos ng aking mga luha.
Hindi ko na kinaya kaya napatakbo na naman ako. Lumingon ako at nalaman kong wala na sa likod ko ang anino.
Kahit pa wala na ito, hindi parin mawala ang takot at kaba sa dibdib ko. Gayunpaman, nagpatuloy parin ako sa pagtakbo.
Sa di kalayuan ay may nakita akong malaking puno. At sa taas nito ay may nakatayong bahay. "Tree house?" usal ko sa sarili.
Biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa saya. Kumaripas ako ng takbo at diretsong umakyat sa taas.
Good thing na may hagdan kaya naging madali ang pag-akyat ko.
"T-tao po? H-hello? G-gusto ko lang ho s-sanang makisilong kahit sa-saglit lang." putol-putol kong sabi dahil nanginginig na ako sa ginaw. Kumatok ako ngunit walang sumagot.
"Tao po? P-please na-naman po oh. Maawa po k-kayo." kumatok na naman ako ngunit wala parin.
Ilang tawag at katok na ang ginawa ko ngunit wala paring sumagot. Baka walang tao?
Dahan-dahan kong tinulak ang pinto at bumukas ito. "Tanga ko naman, bukas naman pala." saad ko sa sarili.
Bahala na ngang mapagkamalan akong magnanakaw, kesa naman mamatay ako sa ginaw. Tutal hindi naman talaga ako magnanakaw.
Hindi ako nahirapang hanapin ang switch kaya nabuksan ko agad ang ilaw.
"Wooooowwwww. Ang ganda naman dito." sabi ko kahit wala naman talaga akong kausap. Halos magningning ang mga mata ko dahil sa nakita.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...