Chapter 7: Codes #2

28.9K 1.1K 101
                                    

Ella's POV

"...we might get killed."

Gulat man ay nagawa ko pa ring magtanong.
"Anong klase ba kasing missions ang binibigay nila na may posibilidad na mamatay tayo?"

"Hindi ko rin alam eh. Ang sabi kasi marami nang namatay sa mga missions nila."

"Nakakatakot naman ang school na 'to, wala ba silang pakialam sa mga students nila?"
Tanong ni Kiara.

"Kaya nga may training tayo 'di ba? Huwagag niyo nalang isipin 'yan. " Halina kayo.
Pumasok na agad si Vanessa sa next room nang marating namin iyon.

Wala namang pinagkaiba ang room na 'to sa unang room na pinasok namin. Lumapit na si Vanessa sa may counter at nagpa-scan ng mata niya sa computer. Red 'yong color ng laser na nag-scan sa mata niya.

"Vanessa Steele. Affective: Stone-B," sabi ng boses lalaki na computer.
May necklace naman ang biglang lumitaw sa leeg ni Nessa. Stone 'yong bato ng kwintas. As in 'yong maliit na pebble lang. Ginawa naman ni Kiara ang ginawa ni Nessa. May red laser din ang nagscan sa kanya.

"Kiara Lewis. Affective: Stone-B"

May lumabas din na necklace kay Kiara. At pareho sila ng itsura ng bato. Nagpa-scan na rin ako. May blue laser ang nag-scan sa mata ko.

"Ellizabeth Ion Stern. Affective: Metal-A"

Imbes na bato ay metal ang lumitaw. Itim ang kulay nito tapos kumikinang. Octagon 'yong shape niya.

Pagkatapos ko ay lumabas na kami, habang paakyat kami ay nageexplain naman itong si Nessa.

"Sa utak ng tao ay meron tayong tinatawag na affective. Ang affective ay ang kakayahang pagsabayin ang talino sa nararamdaman. Bale rito nanggagaling ang attitude o values ng tao. Kung sa ranking naman ay may Gold, Metal, at Stone. Ang gold ay kapantay ng Alpha. Kapantay naman ng Metal ang Beta. At kapantay ng Stone ang Omega. Kaya kung iisipin ay lamang ka sa ating tatlo Ella. Stone lang kasi kami ni Kiara at Metal ka, at letter A ka pa. "

"'Di ko pa nasasabi sa inyo pero may level din ang type natin. Kung sa Omega A ako kayo naman ay letter C. Ibig sabihin masyado pang mahina ang fighting skills niyo kumpara sa 'kin. Kaya dapat ay galingan natin pagdating sa training para maging Beta tayo. "

"Oo nga," pagsasang-ayon ni Kiara. "Ibig sabihin kung ilalagay natin sa top ay parang top 1 ang letter A, top 2 ang B, at top 3 ang C which is ang pinakamahina. "

Tumango ako. Ibig sabihin pinakamahina kami sa lahat nang mahina. Pinakamahina kasi ang Omega at Omega kami. At kami ni Kiara ang pinakamahina sa lahat ng Omega.

"Ikaw ang pinakamalakas Ella pagdating sa Affective: Stone:B lang kasi kami at Metal ka. Metal:A pa. Kasama ka sa pinaka malakas na Metal dahil A ka. At kung mas maiimprove mo pa ito ay magiging gold ka," sabi ni vanessa. Masaya pa siya no'ng sinabi niya iyon.

"May na experience ka na ba na ayaw talaga lumabas ng talino mo pero no'ng sobra ka nang nataranta ay doon pa lumalabas ang talino mo Ella? " tanong ni Nessa.

Naisip ko nalang bigla 'yong time ng tests o challenges chuchu. Noong 'di ko maputok ang bola at bigla nalang may lumabas na mga science principles sa utak ko ng 'di ko sinasadya. Nasagutan ko rin 'yong math nang walang kahirap-hirap. Samantalang division nahihirapan pa akong gawin. Pati 'yong logic. So nasagutan ko lahat ng iyon dahil sa nararamdaman ko. Gano'n pala nag-wowork ang affective. Ang cool naman ang dami ko ng natutunan.

"Hindi ko rin alam eh," sagot ko, ayoko pa kasing sabihin sa kanila. Baka kasi mali ako.

Pumasok na naman kami sa isang room. Kagaya pa rin siya ng dalawang room. Lumapit si Nessa sa counter at sinabi ang pangalan. Maya-maya ay may lumitaw na I.D. sling sa leeg ni Nessa. Kasama na roon yung I.D. niya. Uso talaga ang teleportation dito sa school. Kaya 'di na ako magtataka.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon