Chapter 42: A Short Story

10.5K 365 24
                                    

Chapter 42: A Short Story

Ella's Point of View

I held my breath and stayed still, without any idea why I'm doing it. And just that, me perspiring under the table with the company of this guy's shining black shoes.

“Sige po,” I heard him said, maybe over his phone, without intending to sound loudly.

Tumayo ang lalake, nakikita ko parin mula sa ilalim ng mesa ang kanyang suot na sapatos. Segundo ang dumaan bago siya umalis, sinigurado ko talagang nakalayo na siya ng ilang distansya bago ako lumabas sa pinagtataguan ko.

Gumapang ako palabas at pasimpleng tumayo. Tumingin ako sa paligid. Now what? Basta nalang nakawala ang lalake, dapat pala sumilip na agad ako bago siya nakalayo para makilala ko siya.

Nanganganib ang buhay ng mga tao dito. Kung tama nga ang narinig ko may bombang nakatanim malapit dito, or worst sa loob ng gusaling ito. At hindi lang ako ang nanganganib kundi pati na rin sina mama at papa.

Bakit ba kasi sila nandito? And speaking of, asan na ba sila? Hindi nila ako puwedeng makita rito, kundi lagot ako. Pa'no kung malaman nilang hindi ang Beam High ang pinapasukan ko?

I helped myself with a chair just as the party started. Nag-iisa parin ako sa table ko, mas okay na rin 'yon. Para naman mas mabantayan ko ang nasa paligid, sinusubukan kong maghanap ng lalaking medyo suspicious.

Nakaramdam ako ng gutom kaya lumapit na ako sa mahabang mesa kung saan nakahanda ang pagkain. Maraming tao sa bawat mesang nadadaanan ko at sinubukan kong hindi nila ako mapansin. Medyo kinakabahan din ako habang naglalakad dahil sa iniisip na baka makita ako nila mama. Pagdating ko, saktong nandoon din si Kyle at Vanessa.

“Excuse me Miss, pwedeng kumuha nang marami?” tanong ni Kyle sa babae na parang waitress. Para siyang tagabantay ng pagkain para 'di ito madapuan ng insekto. As if naman may insekto rito.

“Yes, sir. Para po s-sa inyo ang pagkaing inihanda dito,” she almost stuttered. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba ang pagbublush niya habang sinasagot si Kyle.

“Salamat Miss,” ngingisi-ngising sagot ni Kyle at nagsimula nang kumuha ng pagkain.

“Hoy, Gab mahiya ka naman, para kang patay gutom niyan,” Vanessa protested. I gave an eye on her. Naninibago talaga ako pag tinatawag nilang Gab si Kyle. At naninibago rin ako sa ipinapakitang asal ni Kyle ngayon, something new. Something new but familiar.

Umalis si Kyle at kumakain habang naglalakad. Ang saya-saya pa ng mukha niya habang kumakain. I smiled.

Kumuha na rin ako ng pagkain saka ako bumalik sa table ko. At kagaya kanina, nag-iisa parin ako. I started eating while observing the surroundings without appearing that I was.

Laughs and simple conversations floated through the air. Different faces from different places are here now socializing. The lipstick attached on their smile, or the other way around. Some are genuine, and some are maybe... just maybe. Fake.

Tinignan ko ang babaeng nakasuot ng red cocktail dress, ngumiti siya sa kausap na lalake at kinuha ang glass ng red wine. I almost cock my head to the side as her lips touched the mouth of the glass. Her gestures. Masyado siyang babae--

“Excuse me, do you mind if I join you?” I felt like I was pulled back to the arms of reality. Nag-angat ako ng mukha, may lalaking nakatayo sa harap ko at pangiti-ngiti pa ito.

“Ahh. Hindi. Sige. Upo ka, hindi ko naman pag-aari 'tong mesa,” I answered. But I wanted to take it back as soon as I saw two glasses of wine both in his hands.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon