Ella's POV
"After this lunch, ay diretso na nating pupuntahan ang Baryong Narra," sir said while eating his meal.
I just nodded and then Max started talking with a food full in his mouth. "Mga ilang oras naman po ang biyahe papunta doon sa Baryong Narra sir?"
Tiningnan ko agad si sir, habang sinusubo ang pagkain ko, para malaman ang sagot niya. Actually malalaman ko naman ang sagot niya kahit 'di ko pa siya tingnan. Nakasanayan ko na siguro na magpalipat-lipat ng tingin sa mga nag-uusap. "Hnnn. From the terminal, we'll arrive to our destination for about 3 hours. So we still have three hours to get rest."
Nandito kami sa isang 'di kalakihang restaurant. We're already taking our lunch even if it's still eleven in the morning. Well, we have to para mapaaga ang dating namin sa Baryong Narra na sinasabi nila. Dahil nga probinsya ito, sa maliit na restaurant lang kami kumain. Mabuti naman at hindi maaarte ang mga kasama ko. Hindi rin naman karamihan ang mga taong kumakain dito sa restaurant kaya hindi masyadong crowded.
"Ano po bang meron sa Baryong Narra sir? Ba't ba tayo binigyan ng mission na magbigay ng treatment sa mga tao doon? Wala ba silang mga doktor o kahit man lang nurse? Baka naman kasi may mga aswang do'n sir," sunod sunod na tanong ni Kiara habang parang natatakot. Napangiti nalang kaming lahat sa naging tanong ni Kiara, pati nga si sir napangiti rin.
"Don't worry, walang aswang do'n Kiara. Mga duwende at tikbalang lang ang naninirahan do'n," mapaglarong sagot ni sir kay Kiara.
Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Kiara sa narinig."Po?"
"Huwag niyo namang takutin si Kiara sir. Baka mamaya malaman nalang natin na bumalik na 'to ng school. Haha," panunuksong sabat naman ni Vanessa.
"Joke lang! Haha," natawa naman ang lahat pati pa si Flynn. Mga sira talaga 'tong mga kasama ko. At pinamumunuan pa ni sir Loid. Sa unang tingin mo kay sir Loid, hindi mo agad masasabi na matalino o may utak detective siya dahil sa mga pinapakita niyang actions. Pero, dahil sa nangyaring criminal case kanina sa eroplano, tumaas talaga ang respect ko kay sir as a teacher or even as a detective.
Napailing nalang ako sabay bahagyang ngumiti sa naalala kanina sa criminal case.
FLASHBACK ....
Bahagya namang natahimik ang lahat. Pati 'yong dalawang suspects na sina Ms. Farah at Ms. Ellis, ay natahimik dahil sa nakita nila Max at Vanessa sa bag nila.
"For a couple of minutes ay maglalanding na 'tong eroplano. Ibibigay nalang po namin sa mga police at investigator ang mga informations and evidences na nakuha namin dito para sila nalang ang magpatuloy sa case na 'to. Isa pa, it's not really our part to do the procedures of investigations and the process of law. And we still have lots of work to do," mahabang paliwanag ni sir habang nakatingin sa wrist watch niya. Walang nagsasalita except kay sir kaya masyadong nageecho ang boses niya sa loob ng cubicle.
"And also. I already contacted the police so for sure ay naghihintay na sila 'do'n," sabi ni sir habang nilalapitan si Ms. Erica. Bigla namang namutla ang mukha nina Farah at Ellis.
"And for you Ms. Sanders..." sabi ni sir kay Ms. Erica habang nakapamulsa.
"Oh. I'm really grateful to you and to your students to have given justice for my bestfriend," sabi ni Ms. Erica habang nginitian kami.
Nginitian na rin ni sir si Ms. Erica. Ngumiti rin kami. Tiningnan ko sina Kiara at Vanessa na magkatabing nakatayo kasama sina Kezia at Max, at nag-thumbs up naman sila sa akin. Implying that we've done a "not-so-bad-job," binigyan ko rin sila ng thumbs up.
Hindi ko alam pero bigla ko nalang ibinaling ang tingin ko sa bangkay, at sunod kong tiningnan ang nakasulat na numbers gamit ang dugo. "68, 53, 20" sa 'di malamang dahilan ay biglang nangunot ang noo ko. Sa nabasa naming information, ang victim na si Ms. Cynthia ay isang scientist, specifically a chemist. At sabi nila sir ay isang detective code ang sinulat ni Ms. Cynthia.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystère / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...