Chapter 60: Finale
Ella's Point of View
"Hello old friends," pabulong kong saad sa aking sarili. Sinuntok ko agad ang cranks na nasa harapan ko. Ramdam ko ang paglapat ng kamao ko sa sunog at namumulang balat ng kanyang mukha. Saka ko sinunod ang pagtadjak sa kanyang sikmura. Palipad siyang napaatras at nadamay pa ang nasa likuran niya.
Ginamit ko ang kaliwang bisig ko para ideflect ang kamay ng cranks na nasa kaliwa ko. Saka ko hinawakan ang wrist nito at tinwist, sumigaw ito sa sakit. Sinipa ko ito sa sikmura kaya ito napaatras.
Ginamit ko ang peripheral vision ko. Tumalon ako at sabay na sinipa sa dibdib ang cranks na nasa kanan at kaliwa ko. Tila nagsplit ako sa ere.
Noong nakaapak na ako sa lupa, sinalubong ako ng kamao ng isang cranks. Maingat ko itong nailagan. Hindi ako tinigilan nito at sunod-sunod itong nagpalipad ng suntok.
Tinama ko ang likod ng palad ko sa gilid ng kanyang wrist. Saka ko inikot ang aking kamay dahilan para mahuli ko ang kanyang wrist. Sinuntok ko siya sa mukha gamit ang kaliwang kamay at sunod kong tinama ang tuhod ko sa kanyang tiyan.
Nakaramdam ako ng cranks sa aking likuran, umikot ako at kasabay no'n ay ang pag-ilag ko sa kanyang kamay. Patalon ko siyang sinipa, tumama ang aking paa sa kanyang leeg dahilan para bumagsak siya sa lupa.
"Ang panget mo!" napalingon ako kay Vanessa dahil sa pagsigaw nito. Sinipa niya ang cranks na kaharap. "Isa ka pa!"
Sinampal ni Vanessa sa mukha ang isa na namang cranks. "Eeeww!" maarteng sigaw ni Vanessa. Ngumiti ako at umiwas sa sipa ng cranks sa akin gamit ang aking palad. Sinuntok ko ito saka ko tinama ang dalawa kong palad sa sikmura nito.
Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagsipa ni Flynn sa cranks, bumalibag ito sa pader na siyang ikinangiwi ko.
Lumingon ako at nakita kong lumalaban din si Kezia habang pinoprotektahan si Clark. Umilag siya at sinipa sa baba ang cranks.
Alam kong dapat ngayon ay nakakaramdam na ako ng pagod. Ngunit lalo lang akong ginanahan lalo pa at kasama ko silang apat.
Puro abante lang ang ginawa ko habang walang humpay sa pag-atake sa mga nakakasalubong ko. Nagmistulang war zone ang paligid ng maze, mga sigaw namin at daing at hiyaw ng mga cranks ang maririnig sa paligid. Minsan ay maririnig din ang pagsigaw ni Clark.
Hanggang sa naubos namin ang cranks na nakapaligid sa amin. Ngayon ay nagkalat na sa paligid ang mga nakahandusay at walang malay na mga cranks.
"Let's go," saad ni Flynn.
"PANGET MO!!!" sigaw ni Vanessa habang pinagsisipa ang cranks na ngayon ay tulog na.
"Vanessa," tawag ni Flynn. Nagkatinginan kami ni Clark.
"Ha?" napansin siguro ni Vanessa na lahat kami ay nakatingin sa kanya kaya siya napatigil. Tumingin siya sa paligid kung saan nakahandusay na ang mga cranks. "Tapos na pala?"
"Opo!" malambing na sagot ni Clark. Umalingaw-ngaw pa ang kanyang boses sa paligid.
"Ay hindi ako nainform. Edi let's go na!" nauna nang naglakad sa amin si Vanessa at sumunod naman si Flynn.
"Teka lang, Vanessa. Hindi dyan ang daan," tawag ni Kezia. Napalingon si Vanessa. "Dito," napakamot pa si Vanessa at sumunod nalang.
Lumapit si Clark sa akin at ngiti-ngiting hinawakan ang kamay ko, sumunod naman kami ni Clark sa kanila.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...