Chapter 10: Paralysis

17.9K 598 97
                                    

Arch's POV




Dahil sa galit ko, hindi ko namalayan ang bilis ng mga galaw ko. Hindi na magawang magreact ang limang cranks sa harap ko dahil sa bilis ng mga atake ko. Magkakasabay silang umatake sa'kin ngunit wala itong epekto sa akin. Bawat atake nila ay eksperto kong naiilagan. At sa bawat atake nilang iyon, ay siya namang atake ko sa kanila.

Paikot kong sinipa ang lalaki sa dibdib at dahil sa lakas ng pagsipa kong ito, paatras siyang lumipad. Tumama ang kanyang likod sa pader na lumikha ng malutong na tunog, tunog ng bagay na bumalibag. Dilat ang mata ng lalaki nang malakas siyang bumagsak sa semento.

Napaatras ang dalawang cranks nang makita ang nangyari sa kasama nila. Hindi ko na sila binigyan ng pag-asa na makatakas kaya't isa-isa ko silang sinuntok sa sikmura. Napahiyaw sila dahil sa lakas ng pagkakatama ng kamao ko sa kanila.

Umigwas uli ako ng suntok at malakas itong tumama sa baba ng lalaki. Ramdam ko ang sakit sa kamao ko dahil sa lakas ng suntok ko ngunit 'di ko ito pinapansin dahil kinakain na ako ng galit ko.

Sumipa ang babae kaya mabilis akong umilag. Mabilis ang kanyang galaw kaya mabilis din ang aking pag-ilag at depensa sa lahat ng atake niya. Sumipa siya sa bandang tuhod ko, sa tiyan, sa ulo at sa bawat sulok ng aking katawan ngunit lahat ng atake niya'y naiilagan ko.

Pinapagod na ako ng babaeng 'to kaya mabilis kong hinila ang kanyang leeg at malakas siyang sinakal. Ginamit ko ang dalawang kamay ko para sakalin ang babae. At maya-maya pa'y hindi na siya nakaapak sa lapag habang sinasakal ko pa rin siya ng buong lakas.

Nakabuka na ang kanyang bibig at halos mawalan na siya ng ulirat dahil sa pagsakal ko sa kanya. Mahigpit din ang hawak niya sa aking kamao habang kinakapos na ng hininga.

Halos mawala na ako sa sarili dahil sa galit ko. Nakita ko ang babaeng 'to habang walang awa niyang pinagsisipa ang kapatid ko. Ngunit tila bumalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang isang nanghihinang sigaw.

"T-tama na!"

Napatingin ako sa sumigaw at unti-unti nang lumuluwag ang pagkakasakal ko sa babae.

"Ella," saad ko at naramdaman ko nalang ang pag-init ng mata ko. Binalibag ko sa pader ang babae at mabilis na nilapitan si Ella na ngayo'y nakahiga pa rin sa lapag.

"E-Ella, a-ako 'to. Si kuya Arch mo. I'm so s-sorry," wala sa sarili kong saad at niyakap ko agad ang kapatid ko. Napapikit ako at naramdaman ko nalang ang bahagyang pagpatak ng nagbabantang luha.

"H-hindi kita kilala," mas lalo lang pumatak ang luha ko nang marinig ko siyang magsalita. Hindi dahil malungkot ako dahil hindi niya ako kilala. Lumuha ako sa saya ko.

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kapatid ko at nakita kong nakadilat na ang nanghihina niyang mata. Puno na rin ng dugo ang kanyang mukha. Puno rin ng pasa ito.

"Itatakas kita rito, sa susunod ko na ipapaliwanag ang lahat," kinarga ko siya na parang bagong kasal at isinandal siya sa pader. Nakaupo na siya ngayon at unti-unti ng nanunumbalik ang kanyang lakas. Hinubad ko ang jacket ko at pinampunas ko ito sa mga dugong nagkalat sa kanya.

"Wag kang mag-alala, nandito lang si kuya." Saad ko habang natatarantang nililinisan ang masaganang dugo sa kanya.

"S-salamat po sa pagligtas sa amin kuya. Ano pong pangalan niyo?" Tanong ng batang lalaki, bumalik ang galit ko sa mga cranks nang makita kong may mga galos at pasa rin ang bata. May dugo rin ang kanyang damit at namamaga rin ang kanang bahagi ng labi niya.

"Tawagin mo 'kong kuya, kuya Arch." Saad ko at nginitian ang bata. Nagpatuloy agad ako sa pagpupunas kay Ella at nakita ko nalang ang bahagyang paggalaw ng mata niya. Napangiwi pa siya dahil sa sakit.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon