Chapter 10: Infirmary

27.1K 1K 65
                                    

Someone's POV

Hi. I'm Cathy, short for Catherine. Pero ipagpaliban muna natin ang chikahan dahil tumatakbo pa ako. Sinigawan kasi kami ni Ms. Clare na lumabas ng room. 'Yong device niya kasi, nalagyan ng kung anong virus. Ano ba kasing nakain ng sino ba 'yon? Ellizabeth? Oo 'yong Ellizabeth na 'yon. Bakit niya ba kasi ini-hack ang device ni maam at nilagyan ng kung anong virus?

Pero in all fairness ang galing niya ha. Nagawa niya ang bagay na 'yon. Hindi nababagay sa White Cognitive Brain Type ang utak niya. Nakita ko kasi na kulay puti ang ID niya kaya nalaman ko na White ang Cognitive type niya.

Pinalabas na rin namin ang lahat ng estudyante dito sa building. Nagpumilit pa nga ang ibang teachers na tumulong kay Ma'am Clare na idisable ang hacking system. Pero sinabihan kaagad namin sila na pababa na rin ang mga iyon. Pero speaking of...? Asan na ba sila? Sa pagkakaalala ko lima silang naiwan sa taas.

At sa pagkakatanda ko rin, sabi ni Maam in 20 seconds sasabog ang device. But one minute passed and wala paring sumasabog. Baka naman joke lang nila 'yon?

"Bakit 'di pa sila lumalabas? At bakit 'di pa sumasabog ang bomba? My eyes kept following the tictac of my wrist watch and I'm ONE O' ONE percent sure that a minute have already passed," sabi ng lalake. Hindi ko siya kilala kasi 'di kami magkaklase.

"Oo nga."

"Baka naman kasi biro lang 'yon."

"Kayo naman kasi, nagpapaniwala agad kayo. Naistorbo pa tuloy ang pakikinig ko. Ang ganda na sana ng Calculus."

"Tara na nga sa taas!"

"Wait wait wait, students. Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni sir Clyde. Literature teacher namin. Himala, hindi siya nag-english.

"Here's what really happened sir. Ms. Clare was teaching us how to hack a system and we are to hack her device to download some files. Then it turns out that this Ellizabeth girl, wasn't really downloading but hacking the device setting it as a bomb. Well, I don't really know how she did it but she sure is pretty good," my classmate then shrugged after telling the whole story, implying how good this Ellizabeth girl really is. Not really the whole story, just some part of it but... Ha? Bakit ba ako nag-ienglish? Hehe sorry naman, nag-ienglish kasi mga kasama ko kaya napapaenglish na rin ako.

"Ano bang Cognitive Brain Color niya?" tanong ni Maam, hindi ko siya kilalala.

"White po," sagot ng isang kaklase ko.

"White? It's impossible for a white cognitive brain type to do something like that."

"Teka sir, kung bomba nga iyon. Dapat idisable na natin 'yon," nag-aalalang sabat ni teacher Lea.

"Mukhang okey na po. Ayun po sila oh," sabi ng babaeng katabi ko habang tinuturo ang lalakeng may kargang babae sa kamay niya. Kanina pa nagbabasa ang katabi kong 'to. Akala ko wala na talaga siyang pakialam sa mga nangyayari.

Imbes na salubungin namin ay inantay lang namin silang makalabas ng building. Walang malay ang kargang babae ni Flynn. Kilala ko si Flynn kasi narinig ko siyang nagpakilala kanina. Tsaka crush ko siya. Hihi sssshhhh tayo dyan.

Noong nakalabas na talaga sila ma'am ay agad naman namin silang pinalibutan.
Pero bakit walang malay si Ellizabeth?

"Ella, gumising ka na. Bakit ba kasi nagpaka HERO ka pa," sabi ng kasama niyang babae kanina. Bestfriend niya siguro.

"Oo nga Ella. Tsaka kakain pa tayo ng maraming ice cream. 'Yong chocolates lang talaga," mangiyak ngiyak na sabi ng isa pang babae. Samantalang si crush ko naman ay este si Flynn ay tahimik lang habang nag-aalalang tinititigan ang walang malay na babae.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon