Chapter 56: Bedtime Story
Ella's Point of View
Pakiramdam ko ay nawasak ang aking mundo sa oras na nabasa ko ang mensaheng iyon. Tila tumigil ang pagpatak ng oras. Huli na nang namalayan kong nabitawan ko na pala ang g-tech device ni kuya Charles. Lumikha ito ng tunog ng batong nahulog.
Bumangon ako at umupo sa higaan. Saka ako pumikit at dahan-dahang huminga.
"H-hindi," umiling-iling ako. "Hindi totoo 'to. Hindi totoo ang nabasa ko. B-baka ibang Black iyon." Ngumiti ako nang mapait, pilit na kinukumbinsi ang sarili.
Nakaramdam ako ng prensensya sa aking harapan.
"Ella?" nag-angat ako ng ulo. Mabilis siyang naglakad palapit sa akin. "Bakit ka umiiyak?" hinawakan ko ang aking pisngi at napagtanto kong lumuluha na pala ako. Pinigilan ko siya bago pa ito makalapit.
"K-kuya," basag na ang aking boses. "H-huwag kang lalapit," nanghihina kong pakiusap. Hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman.
Gulat ang rumehistro sa mukha ni kuya Charles. "E-Ella," naguguluhan niyang banggit sa aking pangalan.
"Please, kuya," nanghihina akong umusog paatras hanggang sa nakasandal na ako sa pader. Habang umaatras ay panay ang pagpatak ng aking luha. "Pakiusap huwag kang lalapit," parang paulit-ulit na tinutusok ng karayom ang aking puso makita ko lang siya. Ang taong mahal ko higit pa sa aking sarili.
Tumigil siya at nanatiling nakatayo, pinagmamasadan ako. Hindi ako makatingin sa kanyang mata. Lalo lang dinudurog ang puso ko.
Yumuko si kuya at nakita ang kanyang g-tech device na ngayon ay nasa sahig na. pinulot niya ito at binuksan.
Napapikit siya at naikuyom na lamang ang kanyang kamao.
"Ella, let me explain." Napapikit ako at umiling-iling.
"H-hindi mo naman kailangang mag-explain. Kuya. Wala ka namang balak na patayin ako 'di ba?" Pilit akong ngumiti. "Naniniwala ako sa'yo," pinunasan ko ang luhang patuloy parin sa pagpatak. Umalis ako sa higaan at tumayo.
Ngayon ay nakayuko nalang si kuya. Nakatayo ako katabi siya, hindi ko magawang harapin siya. "Kuya," nanatiling tahimik si kuya. "Aalis na muna ako, iisa lang ang hihilingin ko sa'yo ngayon. Huwag mo sana akong sundan."
Aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang aking braso at pinigilan ako. Ramdam ko ang higpit ng kanyang pagkakahawak. Napapikit na lamang ako pilit na kinakalma ang aking sarili. "Kuya Charles," tila dinudurog na ang puso ko banggitin ko lang ang kanyang pangalan. "Pakiusap."
Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya. Ako na mismo ang nagtanggal ng kamay niya saka ako naglakad.
Nanginginig ang kamay ko habang pinipindot ko ang password ng pinto. Wala ako sa sarili at basta-basta lang ang aking pagpindot.
"Error! Wrong password!"
"This is bullshit!" I bellowed because of the frustration, and anger, and pain and everything. Pinindot ko ulit ang password, ang password na ang ibig sabihin ay C-H-A-R-L-E-S.
Sa oras na bumukas ang pinto, agad akong lumabas. Hindi ko na nagawang sulyapan siya. Kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon, kailangan kong makalayo.
Habang naglalakad ako sa hallway, may dalawang tao akong nakita ilang distansya mula sa akin. Medyo blurry ang paningin ko dahil sa luha sa mga oras na ito kaya hindi ko agad sila nakilala hanggang sa nakalapit sila.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...