Third person's POV
"Congratulations ulit anak. Ang rami mong nakuhang medals oh." masayang bati ng ina sa anak na busy sa pagbabasa nang makapal na libro.
Nag-angat ng mukha ang batang babae. "Thank you po Mommy, thank you po Daddy." usal ng bata sa kanyang mga magulang sabay ngiti saka ito bumalik sa pagbabasa.
Nginitian lang ng ama ang anak nito saka tumingin sa asawa at malambing na hinawakan ang kamay nito.
Hindi karamihan ang mga tao sa sikat na restaurant na pinasukan nila at nagpatuloy lang sa pag-uusap habang hinihintay ang kanilang order.
"You think she's normal?" seryosong tanong ng lalaki sa asawa.
Para namang nayamot ang babae sa tanong ng kanyang kasintahan kaya napatingin siya rito. "Of course I do. I believe that our daughter's normal." sagot ng babae habang tinititigan ang anak nilang abala parin sa pagbabasa.
"Don't really think so." bulong ng lalaki. Sa tono ng pananalita nito, alam ng babae na hindi kumbinsido ang kanyang kasintahan.
"Hon, trust me. She's normal like all of us." sagot nalang ng babae sabay ngiti at muling pinagmasdan ang anak na seryoso lang sa pagbabasa.
"Can we check her code? Just to be sure." hiling ng lalake ngunit umirap lang ang asawa nito.
"Hon, don't make me start. And in fact she's only six to check her code---"
"CODE?" napatigil ang babae sa pagsasalita sa biglang pagsabat ng bata.
Nag-angat ng mukha ang bata habang hawak parin nito ang librong binabasa. "May nabasa po kasi ako kahapon sa school library. Ma? Totoo po ba 'yung codes?" sa paraan ng pananalita nito, para itong hindi bata.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...