Chapter 5: Your time starts now

37.4K 1.1K 158
                                    

Ella's POV



Nakahiga lang ako ngayon dito sa kama ko, nakatingala sa kisame. Kakatapos ko lang kasing mag-impake ng gamit ko, kaya medyo napagod ako. Pinaliwanag na sa 'kin lahat ni kuya ang tungkol sa test kahapon, siraulo talaga, siya pala 'yung humabol sa 'kin.

Bukas na bukas kasi papasok na ako sa bagong school ko. Ang unfair nga eh,  'yung vacation ko wala na. Bakit naman kasi sa lahat ng school eh doon pa sa school na walang vacation day? Sabi pa nila mama magaling daw ang school na 'yon dahil sinisiguro raw nilang tumalino ang mga nag-aaral sa kanila. Pero baka naman ma-torture lang ang utak ko doon? Huhu. Kawawa naman ang utak ko.

Nga pala, katatapos lang ng birthday ko. Hindi na sila nag-imbita ng bisita. Ayaw raw kasi nilang maulit pa 'yung nangyari noong party nila kuya. Okay na rin ako doon. Nagkaroon lang kami ng konting salusalo. Tapos nagbigay lang sina mama ng regalo. Necklace binigay ni kuya Charles na may heart sa gitna. Tapos kung bubuksan mo 'yung heart ay nandoon ang litrato ng pamilya ko. Kaming limang magkakapatid tsaka sina mama at papa. Ngayon ko nga lang nakita sa litrato yung dalawa kong kuya. Si kuya Arch at kuya Gally. 'Di ko pa pala nasasabi sa inyo, 'di ko pa nakita sa personal 'yung dalawa kong kuya. Hiwalay kasi silang dalawa. Bale kina lolo't lola sila tumitira.

Ballpen na parang crystal na ice 'yung kulay naman ang binigay ni papa. Eye glasses binigay ni mama. Relo naman binigay ni Dorothy, 'yung kulay ng relo ay kagaya ng kulay ng ballpen na binigay ni papa. Nagulat pa nga ako nung binigay niya yung relo.

"Here sis. Para 'di ka maligaw sa oras," tsaka siya ngumiti ng matamis. First time niya 'kong nginitian ng ganoon. Kaya kahit weird man ang mga regalo nilang lahat ay masaya na ako.

Dahil sa medyo curious ako ay tinanong ko sila.

"Ma, pa, kuya, Dorothy. Talaga bang naubos na ang pera niyo at ganito na lang ang regalo niyo sa akin?"

Tumawa lang sila bilang sagot.

Bukas magsisimula na ang tunay na torture sa utak ko. Kailangan kong gawin lahat ng kaya kong gawin. Kailangan kong patunayan sa lahat na hindi ako bobo, siguro slight lang. Pero syempre bago ko simulan lahat na iyon ay beauty rest muna. Tsaka ako natulog.


Time check; 6:00 AM

"Ella. It's already six in the morning so better get up!"

Niyuyugyog ako ni kuya. Lakas nga eh. Suntukin ko kaya 'to?

"Oo na kuya. Sige na alis na. Shuu! Magbibihis na 'ko," I said groggily.

"Bilisan mo ha." Tsaka siya ngumiti nang malapad at lumabas ng kwarto. Parang super excited pa siyang paalisin ako. Hays.

Pagkatapos ng lahat-lahat ay bumaba na 'ko. 'Di pa ako tuluyang nakababa ng hagdan ay tinulungan na ako ni kuya sa maleta ko. Buong buhay ko kasi dala ko. De joke. Bagpack ko lang tsaka maliit na maleta ang dadalhin ko. Limang books ko lang kasi dala ko. Kasama na doon ang isang science fiction. Hehe nagbabakasakali kasi akong may makuha akong talino tungkol sa science sa book na 'yan.

Hindi na ako kumain. Dumiretso na lang ako sa refrigerator namin tsaka kumuha ng 2 bottles of milk, 10 bars of chocolates, at isang balot na bread. Kumuha rin ako ng lalagyan at kinuha ko lahat ng nilutong hotdogs ni yaya. At nilagay ko lahat ng iyon sa bag ko. Wala kasing laman ang bag ko.

"Hoy kapatid! Skwelahan ang pupuntahan mo hindi sa kung saang picnic," awat ni kuya.

"Oo nga ate. Tsaka kakain pa sana ako."

Ngayon lang akong tinawag na ate ni Dorth.

"Bayaan niyo na lang ako, baka kasi matagal pang panahon bago ko ulit matikman ang niluto ni yaya," sagot ko tsaka ngumiti.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon