Ella's POV
"Yes, you Ms. Stern. Pwede ka nang lumabas sa klase ko," sabi ni sir. Para naman akong nabingi sa narinig ko. Ito na nga siguro ang consequence na sinasabi niya.
Tumayo na lang ako dala-dala ang bag ko at lumabas. Nakakahiya talaga 'to. Baka ipatapon na talaga nila ako. At baka nalaman na nilang bobo ako.
Aalis na sana ako pero biglang nagsalita si sir. "Ms. Stern sabayan na kita."
"Po?" tanong ko nang nagtataka.
"Yes. Sasabayan na kita. And students, class is dismiss. Next meeting na natin pag-usapan ang results ninyo."
Lumabas na si sir at sinabayan akong lumakad habang nakangiti. Naku itong si sir, parang ang saya naman ata niyang parusahan ako. Pero saan naman kami pupunta? At ano namang consequence ang ibibigay niya? Hindi kaya? Pero imposible naman 'tong iniisip ko. Sa nakikita ko kasi kay sir, may pagka-gentleman siya. Pero sabi nga ng kuya Charles ko "physical appearance is deceitful." Bahala na nga.
Malapit na kaming makalabas ng building nang makasalubong namin si Flynn na nagmamadaling naglalakad. Ngayon ko lang napansin na late pala siya.
"O Mr. Collins. Since you're here why don't you come with us?" ngiti-ngiting sabi ni sir kay Flynn.
"Bakit po?" nangunot naman ang noo ni Flynn sa narinig.
"Natatandaan mo noong binigyan tayo ng test ni sir?" Tamango lang siya bilang sagot. "Hindi ba may consequence ang kung sino man ang hindi magawang iperfect ang test? Kaya ayan, sabi ni sir dalawa raw sa buong klase niya ang hindi naperfect. At tayong dalawa 'yon. Hindi ko nga inakalang isa ka sa dalawa. Basta ihanda na lang natin ang sarili natin sa kung anong consequence ang sinasabi niya," pagbibigay konklusyon ko.
Natawa lang si sir sa sinabi ko tsaka umiling at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi na lang din umimik si Flynn at sumabay na rin sa paglalakad.
Tahimik lang kami sa buong lakad namin. Nakakapanis nga ng laway eh. Diretsyong pumasok si sir sa isang opisina. Opisina niya siguro, nang mapansin niya kami ni Flynn na hindi pumasok ay nagsiya. "Well, come along. Malalanta lang kayo nang panghabangbuhay kung tatayo lang kayo diyan."
Nagkatinginan lang kami ni Flynn at pumasok na rin. Pagpasok namin ay nakita kong nakaupo na si sir sa harap ng desk niya.
"Please, both of you take your sits."
All white ang office ni sir - from ceiling, walls and then to floor. Pati sofa ay kulay puti. Glass ang desk at pati inuupuan namin ni Flynn ay kulay puti.
Dr. Michael faked a cough to start the talking. "Nandito tayo sa opisina ko para pag-usapan ang ilang bagay," panimulang sabi ni sir. Tumango lang kami ni Flynn dahil alam na namin kung ano ang pag-uusapan.
"At napapansin ko na mali ang iniisip ninyong dahilan kung bakit ko kayo dinala rito," ano naman ang mali sa hinala namin?
"Now, where will I start? Okay, pinapunta ko kayo rito sapagkat sa buong klase ko ay kayong dalawa lang ang nagawang i-perfect ang test na binigay ko."
"Ano po? Pero---"
"Ops! Wala munang tanong Ms. Stern. Hayaan niyo na muna akong magpaliwanag," hindi na lang ako naimik. Ano ba kasing sinasabi ni sir? Na kaming dalawa lang ang pumasa sa isang section? Maniniwala pa ako kung pumasa si Flynn, pero ako? Hindi. Paano naman ako makakapasa, wala nga akong ni isang nasagot sa test? And take note, naperfect pa raw talaga ako.
"As I was saying ay kayong dalawa lang ang pumasa kaya ko kayo dinala rito. And take note. Hindi na rin kayo pwedeng pumasok sa white section."
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...