Chapter 33: Ace of Spades
Ella's Point of View
Sa sobrang tahimik ay tanging hininga at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Ilang segundo ang nagdaan at may narinig akong tunog. The sound of the machine turning to life again.
The lights went on. The computers functioning again. I can see the change of expression, from being worried to being relieved, pass through ma'am Sabrina's face.
May nakita na naman akong laser of light na namumuo sa paanan ko. Pero sa oras na ito, color green na ang ilaw.
"Scanning," narinig kong sabi ng robotic voice, babae ito.
Naguguluhan man ay bumalik parin si ma'am sa kanyang ginagawa. Mabilis na naman ang mga galaw ng daliri ni ma'am sa pagtitipa. Pinagmasdan ko kung paano ako ini-scan ng kulay berde na ilaw at kung paano ito umakyat mula sa paa ko patungo sa ulo ko.
Napatingin ako kay kuya Charles at nagwink siya sa akin. Napakunot nalang ang noo ko.
"Deck of Cards Qualifier."
"Card: Spades"
"Position: Ace"
May huling pinindot si ma'am at biglang bumukas ang pinto ng glass tube. Lumabas na agad ako at sinalubong ni ma'am.
"I'm really sorry for what happened. I didn't expect that. Hindi ko alam na may sira na pala ang program nito," paumanhin ni ma'am sa akin.
"Naku, okay lang po ma'am. Hindi rin naman po ako nasaktan kaya parang wala ring nangyari," napatitig siya sa akin at ngumiti ng makahulugan.
"Congratulations, Ms. Ellizabeth, you are now a member of the Spades House and with the Ace position."
"Ahh. Salamat po ma'am," napakamot nalang ako sa ulo dahil wala naman akong naintindihan sa sinabi niya.
"Thank you Ms. Sab, aalis na po kami," paalam ni kuya Charles at lumabas na kami.
"I'm not surprised," sabi ni kuya noong nakalabas na kami. Napatingala ako sa kanya. "Alam kong magiging member ka ng Spades House. With the Ace position."
"Ayon nga kuya eh, hindi ko naintindihan ang sinabi ni ma'am Sabrina," nangunot ang noo niya.
"Hays, ang hina talaga ng utak mo. Ang ibig sabihin nun! Kabilang ka na sa grupo ko as the king. Sa grupo ng Deck of Spades, ikaw ang Ace! Gets?"
"Galit ka na niyan? Pwede namang hindi magalit! Kasalanan ko bang pinanganak akong bobo?" saad ko at padabog na naglakad. Binilisan ko ang paglalakad ko para iwan siya.
Ang kuya kong 'yon! Laitin ba naman ako?! Kung kayo ako, gusto niyo bang magkaroon ng kuya na kamukha at kaugali ni kuya Charles? I know na 'no' ang sagot niyo. Eh sino ba namang gusto?
"Perish? Ancient stone ng affective type. At 'yong Demon Fox. The strongest psychomotor type," napalingon ako nang marinig ko siyang kinakausap ang sarili.
"Anong binubulong mo dyan?" kunot-noo kong tanong, tila 'di niya ako narinig.
"Ito na siguro 'yong sinasabi ng papa," nakikita ko sa mata niya na malalim ang iniisip niya. Na ignore pa ako, sakit ma-ignore!
"Anong sabi ni papa? Anong Perish? Parang narinig ko na 'yan somewhere someday," napatingin siya sa'kin. As if ngayon niya lang napansin ang existence ko.
"W-wala, may naalala lang. Tara na..."
"Okay!" sagot ko nalang.
Nasa harap na kami ng pinto ng kwarto ni kuya Charles. Pinindot niya ang password. Napairap nalang ako. "FYI, hindi ikaw ang pinakagwapo, no! Si kuya Arch."
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...