Chapter 1: A Deep Sleep

67.1K 1.6K 318
                                    

Ella's POV

".....We must all know that there are other entities and external forces around us that really hold our success, and above all, it is God. Well, it doesn't really matter how far one might rise. What really matter is how we keep on pushing ourselves to the edge of our limit, knowing how deep we might fall. And when you do fall, I just want you to know that there is no such thing as failure. Failure is just another part of life trying to set our feet in a way more better direction. Thank you. "

Pagkatapos na pagkatapos ni kuya ng valedictorian speech niya at ilang shake-hands ng teachers and guests ay bumaba na siya ng stage. Kasabay iyon ng masigabong palakpakan ng mga tao. Siyempre kasama ako sa pumalakpak, proud kasi.

"Thank you for that awe-inspiring speech Mr. Charles Ion Stern.... blah blah blah," sabi ng MC.

Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ng emcee dahil sa elation na nararamdaman ko ngayon at dahil lumalakad na pabalik sa amin si kuya.

Habang naglalakad siya papalapit sa amin ay tanaw na tanaw ko ang malapad niyang ngiti. Palatandaan ng kanyang saya sa mga oras na ito. Nang masagip niya ang mga kumikislap kong mata ay nginitian niya ako. Kaya ginantihan ko naman siya ng ngiti. Masaya na rin ako para sa kanya. Bibihira lang ang lalaking tulad ni kuya, gwapo, mabait at matalino pa. Ideal boyfriend ko kung baga.

"Ella tignan mo ang kuya mo oh," ngiti-ngiting tawag ni mama sa akin. Yeah you heard it, Ellizabeth Ion Stern is the name, you can call me Ella. 17 years old na ako. Sa nalaman niyo kanina graduation namin ngayon. Narinig niyo diba? NAMIN, which means na tatlo kaming gagraduate ng mga kapatid ko.

Nagtataka kayo kung sino ang pangatlong gagraduate? Yung nakababatang kapatid ko lang naman. Yes po, magkakasabay kaming tatlong magkakapatid ang gagraduate ng High School ngayon.

Uhmm paano ko ba ieexplain sa inyo? Bale ganito. Lima kaming magkakapatid. Si kuya Gally ang panganay, si kuya Arch (as in ARC) ang pangalawa, si kuya Charles ang pangatlo, ako naman ang pang-apat at si Dorothy ang bunso.

I am 17 years old, si kuya Charles 18 and 14 naman si Dorth. Way back in elementary, we started grade one: me as 7 years old, si kuya Charles as 8, and Dorothy as 5 years old, sobrang talino kasi kaya dumiretsyo na siya ng grade one.

Valedictorian si kuya, salutatorian naman si Dorothy at ako? Well ako lang naman ang 1st honorable, Chosss! Syempre joke lang 'yon noh. Ano kasi, wala akong honor kasi 'di ko kinayang grumaduate.

Wala eh, sobrang mahina ang utak ko para pumasa sa High School.

Hindi naman sa tamad akong mag-aral. Ang sipag ko kayang mag-aral. At masasabi ko pa nga na siguro noong magsabog ng kasipagan ang Diyos, sa 'kin lahat bumagsak.

Nag-aaral nga ako nang mabuti, ginawa ko na ngang tambayan ang library kulang na lang maging bahay ko na. Pero ewan ko ba, sa tuwing pinag-aaralan ko ang mga lessons ko feeling ko parang tinutusok ng karayum 'yung utak ko at parang sasabog isa-isa ang mga brain cells ko.

Iniisip ko pa na mag-iisa na lang ako sa susunod na pasukan dahil magka-college na 'tong dalawa kong kapatid. To think na hindi ako pumasa sa High School kahit tinutulungan na ako ng dalawa kong kapatid sa mga lessons and homeworks ko. Paano na kaya kapag wala na sila? Edi mas magiging miserable ang buhay ko nito. Habangbuhay ako rito sa High School? Saklap naman.

Pero 'di bale na, kahit may konting halo ng inggit, masaya na ako para sa kanila. And speaking of sila, asan na ba ang mga 'yon? Nakita niyo ba sila? Ay sorry, hehe.

"Hoy babae! Tapos na ang graduation, ano pang hinihintay mo diyan?" Sigaw ni kuya sa 'di kalayuan, malapit sa front door.

Ayun lang pala sila. Akalain niyo iniwan ako? Pamilya ko ba talaga sila? At 'di ko pa namalayan tapos na nga pala talaga ang seremonya. Grabe, hindi ko man lang napansin kakakuwento ko sa inyo. Mabuti na lang at sumigaw itong si kuya Charles.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon