Chapter 47: President White
Ella's Point of View
Pagkatapos kong kumatok sa pinto, tumingin ako sa paligid para makasigurong walang nakasunod o nakatingin man sa akin. Lagpas isang minuto siguro noong bumukas ang pinto. Saglit din siyang tumingin sa paligid.
“Come in,” ma-awtoridad niyang sabi kaya naman sumunod din ako. “Upo ka.” Utos nito habang sinasarado ang pinto.
Umupo ako sa upuan kaharap ng table ni sir, segundo lang at nakabalik na si sir Loid sa kanyang upuan.
“Wala bang nakasunod sa'yo?”
Umiling ako. “Katulad po ng sabi niyo, sinigurado ko pong walang nakasunod sa'kin.” Tumango si sir Loid sa sinabi ko.
“'Yong mga kaibigan mo? Si King Charles? Hindi ba sila nakahalata?” iyon ang ipinagtataka ko, kung bakit ayaw niyang may makaalam ng pag-uusap naming ito.
“Hindi naman po siguro, sir. Pagkatapos po kasi namin sa mall umalis na agad si kuya dahil urgent daw. Si Vanessa at Kiara naman, pumunta ng library.” Tumango-tango siya sa kinuwento ko.
“Mabuti naman, walang dapat makaalam sa pag-uusap natin ngayon.”
“So, sir...” I started. “Ano po 'yong tungkol sa parents ko?” he folded his hands at the top of his table.
“About that, it's best to start sa nangyari sa mission. I believe you have the right to know the details,” tumango na lamang ako dahil gusto ko ring malaman ang update ng last mission namin.
“Natatandaan mo 'yong may idinifuse akong bomba? And you too, you defused a bomb,’’ tumango ako.
“Natatandaan ko nga po, sir.”
“We both defused a bomb. Magkaibang uri ng bomba nga lang ang nadefused nating dalawa. Mine is a typical one, easy to defuse. At 'yong sa'yo, medyo mahirap.”
Bumalik sa alaala ko 'yong oras na narinig ko ang lalaking nagtanim ng bomba.
“Pero, sir nahuli na po ba 'yong lalaking nagtanim ng bomba?” dahan-dahang napangiti si sir sa tanong ko.
“How did you know na lalake ang nagtanim ng bomba? Wala pa 'kong sinasabi.”
Nakita ko ang parents ko kaya ako nagtago sa ilalim ng mesa. May lumapit sa pinagtataguan ko ng mesa kaya ko narinig lahat ng sinabi niya.
“Nakita ko po kasi sina mama,” nangunot ang noo ni sir. “Kaya po ako nagtago sa ilalim ng mesa. Habang nasa ilalim po ako, may misteryosong lalake ang umupo malapit sa table na pinagtataguan ko. Doon ko po narinig ang tungkol sa pagtanim niya ng bomba.”
“I see,” tumango-tango si sir. Mas naging seryoso ang mga mata niya. “And your parents, you saw them?” he asked, with an emphasis of those last three words.
“Opo sir, nakita ko po sila. Kaya nga po ako nagtago. Kasi...,” kasi sa Beam High talaga dapat ang school ko at hindi itong Blue Moon High. “Nakasama ko rin po si mama sa loob ng comfort room.”
“Kung saan ka nakulong? At kung saan mo rin nakita ang bomba?” medyo gulat ang kanyang ekspresyon. Tumango na lamang ako.
“Opo, bakit po?”
Sandaling tumahimik si sir Loid. Parang ang lalim ng iniisip niya. Dali-dali niyang binuksan ang drawer ng kanyang mesa at nilabas mula roon ang isang white folder. He flipped it open and skimmed through it.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...