Chapter 34: Teammates

11.4K 393 75
                                    

Chapter 34: Teammates

Ella's Point of View


Sasagutin namin 'to? Nang walang papel, calculator o ballpen?

Nakatayo lang kaming lahat sa labas ng classroom. Dumaan sa kanan ko si Kyle habang nakatingin sa card.

"As a green cognitive type, your maximum span of time to answer that is one(1) and a half minute. Time starts now."

Mga ten(10) seconds ang dumaan, nilapitan ni Kyle si ma'am na ngayon ay nakatayo parin sa pinto. "Ma'am, pwede na po bang pumasok?"

"Tapos ka na ba?"

"Opo."

Pumasok na si Kyle. Seryoso? Ten seconds niya sinagutan 'yon? Napatingin ako kay Flynn na ngayon ay lumapit kay ma'am.

"Tapos na po ako." Tsaka siya pumasok.  Bumalik ulit ako sa card. Maya-maya lang ay marami na silang nakapasok sa room. Pati si Kiara at Vanessa ay nakapasok na rin.

"Thirty seconds left." Tinitigan ko ang card ng maigi. Kaya ko 'to. Nasolve nila nang walang ginagamit na kahit papel o ballpen. Kaya ko rin.

"Matalino ka, Ella. Higit pa sa aming mga kapatid mo,” umalingawngaw ang boses ni kuya sa ulo ko.

"Okay class our lesson is about Calculus."

Napatingin ako kay ma'am. She checked her wristwatch. "Five seconds." Lumapit ako kay ma'am kasabay ang tatlo pang estudyante.

"Tapos na kayo?" tumango kaming apat. Pumasok ako at binigay namin isa-isa ang aming card. Hinanap ko ang upuan na nakalabel na 12. Iyon ang sagot sa mathematical question ko.

Pagkaupo ko ay nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko buong buhay ko binuhos ko para masagutan lang ang tanong na 'yon.

Hinanap ko sina Vanessa. Nakaupo si Kiara pinakadulo. Samantalang katabi naman ni Vanessa si Kezia sa front row. Nagsimulang magsalita si ma'am nakinig nalang ako, baka may ipagawa na naman ang titser na 'to.

"Hi, Ella," ngiti-ngiting bati sa akin ng katabi ko.

"Hi rin, Kyle," mahinang sagot ko sa kanya. Baka kasi mahuli pa ako ni ma'am.

"Congratulations, as expected nasagutan niyo ang binigay kong tanong in just a manner of minute. Mr. Hudson was the first one to get inside."

Manghang napatingin ang lahat sa akin. Ang feeling ko, sa katabi ko pala. Nagbigay nang awkward na ngiti si Kyle.

"Ang yabang, nagpapabilib kay Ella," rinig kong bulong ni Flynn. Lumingon ako ng kaunti dahil nasa likod ko lang siya. Nakasimangot siya, pero nung mapansin ako ay biglang ngumiti.

"Because this is your Psychomotor subject, kailangan ko nang ibigay ang group niyo para sa mission na ibibigay ko." Mission? May mission kami? Agad-agad?

"You are twenty-one (21) in my class and I already divided you into four(4) groups, " kinuha ni ma'am ang mga nakalatag na white folders sa mesa niya.

"Ms. Aria Smith," tumayo ang magandang babae. Naalala ko, siya 'yong may crush kay kuya Charles. Inabot ni ma'am ang white folder. " Ikaw ang magiging leader ng group mo. Nasa loob na ang list of names ng kasama mo." Tumango si Aria at umupo. Baka kateam niya ako at leader ko siya. Okay lang sakin, kilala ko naman siya eh. Kahit pangalan lang.

"Mr. Jade Miller," tumayo ang lalaki na nasa likuran lang ni Kez. Gaya  ni Aria binigyan din siya ni ma'am ng white folder. O baka naman itong Jade na 'to?

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon