Author's note:
Babala! Kailangan niyo itong basahin.
Sorry dahil matagal ang update. Puro basketball kasi inatupag ko nitong mga nakaraang araw.
Kaya gusto kong bumawi. 4 chapters ang update.
Enjoy reading!
----
Ella's POV
"Pero, pa'no niyo po nalaman ate?" Umalingawngaw ang boses ni Clark sa loob ng maze. Malamig ito, kasing lamig ng paligid. Mahina kaming naglalakad ngayon ni Clark, mahina dahil baka mapagod agad ang bata.
Ang tahimik din ng paligid, tanging yapak lang ng aming mga paa ang maririnig. Nakikita ko rin ang medyo 'creepy' na anino namin na gawa ng ilaw ng apoy.
Nakapokus lang ang mata ko sa madilim na daan, dahil sa ilaw ng mga torch, klaro pa rin sa aming dalawa ang paligid. Kanina pa abnormal na kumakabog ang puso ko dahil sa excitement. Tumingin ako kay Clark na kanina pa nakatingin sa'kin, naghihintay ng sagot.
"It was all a trick Clark!" Kumunot lang ang noo niya habang nakatitig sa'kin. "Hindi ba sinabi mo sa'kin na noon ang sagot sa first question?" Tumango siya kaya agad akong nagpatuloy. Medyo humigpit na ang pagkakahawak ko sa kaliwang kamay niya dahil excitement.
"It all makes sense! These two questions will lead us to that door they were talking 'bout. The escape!" Tingin ko dumilat na ang mga mata ko habang nagsasalita, kinuha ko ang note sa bulsa ko at binasa ang unang tanong.
" It is a specific time which is also called as midday. The term midday is also used colloquially to refer to an arbitrary period of time in the middle of the day. What is this specific time? Tama ang sagot mo Clark, noon nga ang sagot. Dahil 'di ba nga, midday ang other term ng noon? And noon is exactly an arbitrary period of time in the middle of the day. At alam kong makakatulong ito para makalabas tayo sa maze na 'to."
"Granted na tama nga ang sagot ko ate, pero pa'no naman po tayo matutulungan ng sagot na noon?" Napangiti na lang ako kay Clark, ang cute niya kasing tignan. Nakanguso at halata mong nag-iisip.
Alam ko namang matalino itong si Clark kaya naniniwala akong maiintindihan niya agad ako.
"Hindi ba period of time ang noon? Suppose that it is actually noon, where does the clock's hands point?" Sandali siyang nag-isip, nakasideview siya sa'kin kaya klaro ko ang matangos niyang ilong. Maya-maya pa'y bigla siyang huminto sa paglalakad at tumingin sa akin.
Napahinto na rin ako at humarap sa kanya.
"Tama ate! Every noon, the clock's hand point at 12. At kung sa direction naman, noon is north. Ang galing mo ate! Makakalabas na tayo dito! Yehey!" Talon siya nang talon habang sumisigaw sa saya ngunit bigla siyang napatigil.
"Pero ate, pa'no naman ang second question? Parang hindi naman kasi direction ang sagot na yes." We then continued our walk, the loose soil crunching underfoot.
"Hmm, about that. Kagaya ng first answer, trick lang din ang second para lituhin tayo. The second question is, are these three statements right? Yes or no? At sinabi mong yes ang sagot." Tumigil na muna ako para maabsorb niya ang sinabi ko.
"O tapos?"
"The second answer is still a direction, just like the first one. Pero pa'no mo nalaman ang sagot Clark? I mean, ang bata mo pa kasi." Parang ang hirap na kasi ng tanong na 'yon, to think na ang bata niya pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/64593456-288-k820975.jpg)
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...