Chapter 24: An Aftermath

12.8K 463 39
                                    

Chapter 24: An Aftermath

Ella's Point of View

"Alam mo, kung tayo-tayo lang ang nandito kanina pa kita binatukan, bitch ka!" Nandidilat na ang mata niya habang nagsasalita. Umirap pa siya sa akin at nag-cross arms.

Tinignan ko lang siya, I squinted because of the itch inside my head.

Patuloy pa rin siya sa pagtatalak. Parang manok.

Tumingin ako sa paligid. Ang puting kisame, ang puting lapag, pati na rin ang pader. May mga prutas na nakalagay sa itaas ng mesa na katabi lang ng hinihigaan ko.

Tinitigan ko ang prutas, tila kumikislap ito. Tinatawag ako nito. Sinasabing 'halika kainin mo ako'.

Napalunok ako sa nanunuyo kong lalamunan habang tinititigan ang prutas.

Prutas . . .

Prutas . . .

Prutas . . .

"Hoy Ella, ano bang problema mo? Kanina pa kita kinakausap dito pero tahimik ka lang. My gosh! Masisira ang make-up ko nang dahil sa'yo." Sermon niya ngunit tinitigan ko parin siya.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko ulit.

Walang sumagot sa tanong ko.

"I mean bakit na naman ako nandito? Ospital ba 'to?" Tinaasan lang ako ng kilay ni Vanessa.

"Infirmary 'to, nandito ka dahil sa nangyari sa simulation test mo." Nangunot ang noo ko, anong simulation test?

Tila napansin naman ito ni Vanessa.

"Huwag mong sabihin na hindi mo alam." Marahan lang akong umiling.

Napansin kong nagbago ang ekspresyon ni Vanessa. Naaawa ito.

Umupo siya sa gilid ng higaan ko at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Normal lang 'yan, kakagising mo lang kasi. Makikita mo mamaya, maaalala mo na ang lahat." Gusto kong ngumiti pero pilit kong tinago iyon.

May lightbulb namang lumabas sa utak ko.

Bright idea!

"Miss? Ano nga pangalan mo? Kanina ka pa kasi nagsasalita pero 'di ka man lang nagpakilala," tanong ko kay Vanessa. Nagbago ang kanyang ekpresyon.

Napatakip pa siya sa kanyang bibig at tila naiiyak na ito.

Pffft.

Gusto ko nang humagalpak ng tawa dahil sa mukha ni Vanessa.

Imagine this. May sobrang maganda kang bestfriend. Pero pumapangit pag umiiyak.

Hindi na siya nakapagpigil, mahigpit akong niyakap ni Vanessa kahit nakahiga pa ako.

Ngumiti ako ng lihim. Nakakatawa pala itong si Vanessa.

And for the first time, tiningnan ko ang iba pang tao sa loob ng tao.

Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa oras na nakilala ko sila.

"BAKIT KAYO NANDITO?! PAANO?"

Mabilis na humiwalay si Vanessa mula sa pagkakayakap sa akin dahil sa lakas ng boses ko. Kahit 'di ko man siya tignan, alam kong nagulat siya sa pagsigaw ko.

"Kuya Charles, Dorth . . . p-paano?" nahihirapan ako sa pagbuo ng tamang salita. Nang tamang tanong. Marami akong gustong itanong pero iyon lang ang lumabas sa bibig ko.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon