Chapter 58: LQP-79

8.5K 307 34
                                    

To Bibi:

Huwag ka nang malungkot, kung aalis man si kuya Rian mo, babalik din 'yon.




Chapter 58: LQP-79


Ella's Point of View


My head was throbbing as soon as sleep let go of my consciousness. I groggily opened my eyes and as if on cue, I tried to touch my aching head. Medyo malabo pa ang paningin ko noong napagtanto kong hindi ko maitaas ang kamay ko.

Sinubukan kong gumalaw ngunit nakapulupot ang kung anong mekanikal at bakal sa bisig at braso ko. Even my legs were immobilized with these coiling machines. Tinignan ko ito, umiilaw pa ito ng mga pula at asul na dots na parang mga Christmas lights.

"Glad you're awake," napatingin ako sa aking kaliwa nang marinig ko ang nanghihinang boses na iyon. Hindi ko maintindihan ang sayang naramdaman ko noong nalaman kong hindi pala ako nag-iisa.

"Kezia," I called, almost in a whisper. She smiled wearily.

Kagaya ko, may machine din na nakapulupot sa kanyang mga binti, braso at bisig. At doon ko rin narealize na hindi lang pala kami ni Kezia ang nandito. Nandito rin si Flynn at Vanessa, at silang dalawa ay nasa ganoong posisyon din kagaya namin ni Kezia.

Nasa kaliwa ko si Vanessa sa tabi ko, katabi ni Vanessa si Flynn at katabi ni Flynn si Kezia.

Napalunok ako sa nanunuyo kong lalamunan at inilibot ang mata sa paligid.

"Nasaan tayo? Anong lugar 'to?

"Just like everyone of us, I have no idea," nagkibitbalikat si Kezia pagkatapos niya akong sagutin.

Nasa kung anong kwarto kami, tingin ko ay malaki at malawak na kwarto. Madilim ang paligid at tanging ang ilaw lang sa sahig ang nagbibigay ng ilaw sa amin para makita ang isa't-isa.

Imbes na semento, tila gawa sa glass ang lapag, may kulay asul na ilaw ang umiilaw mula rito. Naging kulay asul na ang balat ng mga kasama ko dahil sa ilaw na ito.

"Ella," napatingin ako kay Flynn na ngayon ay nakatingin na sa akin. "Okay ka lang ba?"

"Oo," tumango ako. "Ikaw?" tanong ko. Tumango lang din si Flynn sa akin.

Nararamdaman ko parin ang sakit ng ulo ko. Pilit kong inalala ang nangyari at kung paano kami napunta rito.

Sinubukan naming lumaban at tumakas mula kay Gab at Kiara. Akala ko ay makakatakas na kami hanggang sa naramdaman ko ang pagtama nang matigas na bagay sa likod ng ulo ko.

Naikuyom ko na lamang ang kamao ko dahil sa naalala. Hindi ako makapaniwalang magkasabwat pala silang dalawa. Si Gab at Kiara.

"Nasaan kaya tayo? Baka kung saan na nila tayo dinala." Saad ko pa habang patingin-tingin sa madilim na paligid.

"Nasa loob parin tayo ng paaralan, sa Crest Compound. Specifically sa Crest Building." Sagot ni Flynn. "Gising ako noong hinatid nila tayo rito."

Tinignan ko ang tila tuldok na mga ilaw na lumalabas mula sa machine na nakapulupot sa akin. Sinubukan ko ulit gumalaw, ngunit wala talaga akong magawa. Sadyang hindi sapat ang lakas ko para makawala rito. I almost curse.

"Hwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!" halos humiwalay sa katawan ko ang sariling kaluluwa dahil sa labis na gulat. Napatingin kaming tatlo ni Flynn at Kezia kay Vanessa na ngayon ay nagsisigaw habang pinipilit na makawala.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon