Chapter 9: Virus

21.8K 976 29
                                    

Ella's POV

"SASABOG TAYO!" para akong nabingi sa sigaw ni Flynn. Kasabay iyon ng pagkagulat nang buong klase.

"Ha? Bakit naman tayo sasabog? Wala naman akong ginawa bukod sa pag-hack at download ng files," reklamo ko kahit medyo kinakabahan na ako. Masyado ng natataranta si Flynn. May kung anu-ano na siyang pinipindot sa device ko.


"Paanong? Wala akong magawa, lahat na sinubukan ko pero ayaw pa rin mag-shut down ng virus o kung ano man ito," natatarantang sabi ni Flynn.


"Ha?" taas ng paliwanag ni Flynn pero ha lang and nasagot ko. Wala kasi talaga akong ginawa.


"Humingi na kaya tayo ng tulong?" Sigaw ng kaklase ko, 'di ko siya kilala.


"Oo tama! Humingi na tayo ng tulong!" dagdag pa ng isa na 'di ko rin kilala.


"Hindi mo kasi naiintindihan Ella, may kung anong virus kang nilagay sa device ni Ma'am na makakapag-cause ng explosion. At---" hindi na natapos ni Flynn ang sasabihin sapagkat sumabat na si Ma'am.


"Sige na! Lumabas na kayo ng building! Malaki ang radius ng sabog nitong bomba! At malaki ang posibilidad na mamatay tayong lahat dito!" Kinakabahang sigaw ni ma'am, ramdam ko sa tiyan ko ang namumuong kaba at takot, takot sa maaaring mangyari.



Hindi ko alam pero kusa nalang lumakad papalapit kay ma'am ang dalawa kong paa. Pagkalapit ko ay inagaw ko kaagad sa kanya ang device niya.


"What are you doing?!! EllIzabeth!" Hindi ko siya pinakinggan at basta nalang akong pumindot ng kung ano sa device niya.


"ELLIZABETH!!!"

"Pasensya na po ma'am, pero nagbabakasakali po kasi ako na baka matigil ko 'tong virus na sinasabi niyo. Sabi niyo ako ang naglagay. So baka ako rin ang may kakayahang tanggalin 'to," usual ko, sobra nang nagkandahalu-halo ang mga nararamdaman ko ngayon. Takot, kaba, at inis sa sarili ko kung bakit sobrang bobo ko at ako pa ang naglagay ng kung anong virus sa device na 'to. Pawisan ang kamay ko at nanginginig pa ito habang pilit kong tinatanggal ang virus.


"Wala ng ibang paraan Ms. Stern! Hindi na matatang---" hindi na natapos ni Maam ang sasabihin dahil sa narinig na tunog galing sa Device.


"Explosion starts in 30 seconds."

30

29

28

27

26

25

24

23

22

"OH MY -------- UMALIS NA KAYO! KAYONG LAHAT LUMABAS NA KAYO! SASABOG NA ANG DEVICE KO IN 20 SECONDS!" Tila nabuhusan ng tubig-yelo ang lahat sa narinig,  inagaw ni ma'am ang device sa kamay ko. Biglang nagsigawan ang mga kaklase ko dahil sa takot at nagmadali silang tumakbo palabas ng classroom.


18

17

16

"Tara na Ms. Stern! Iwan mo na yan! Umalis na tayo rito!" sigaw ni ma'am habang hinihila ako.



"Hindi po! We can't make it in time! We need, I need to stop this!"

13

12

11

"Sige na Nessa, Kiara, Flynn! Lumabas na kayo!"


"Pero Ella! Hindi mo kaya yan!" Sagot ni Kiara, at dumagdag sina Nessa at Flynn para kumbinsihin akong tumigil na.

9

8

"SIGE NA!!!!!!!!!! Sigaw ko sa kanilang tatlo. Akala ko matatakot sila sa pag sigaw ko at lalabas na sila nang tuluyan pero 'di pa rin sila umaalis sa harap ko.


"Hindi! Hindi kami aalis dito ng hindi ka kasama!"


5
4

"Mga sira ba kayong lahat?!! Sasabog na tayo!" sigaw ni maam sa amin.


3

2


















"SHUTTING DOWN SYSTEM...."













*BLACKOUT*

*****


Sorry, alam kong maikli.

Please vote and comment.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon