Chapter 37: Meditation

11K 356 9
                                    

Chapter 37: Meditation

Ella's Point of View





Kinuyom ko ang aking kamao at nagpalipad ng suntok patungo sa mukha ni kuya. Hindi man lang siya natinag sa paparating kong kamao. Tila bumagal ang oras sa mga oras na iyon.

Nakatayo lang si kuya, nakacrossed arms, at walang ekspresyong tinignan ang kamao ko. Noong ilang inches na lang at matatamaan ko na siya, bigla siyang umilag pakaliwa.

Sinunod ko naman siyang suntukin gamit ang aking kaliwang kamay pero nailagan niya parin ito.

Abante lang ako nang abante habang sunod-sunod ang mga pinapalipad na suntok. Nakacrossed arms parin siya, nakatayo nang tuwid at tila walang ganang iniiwasan ang bawat atake ko.

Atras siya nang atras. Humihingal na ako ngunit walang humpay parin akong umaatake sa kanya. Sa kakaabante niya, malapit na siyang madikit sa pinakadulo.

Sumilay ang ngiti sa akin. Wala ka nang maatrasan pa kuya. Trap!

Labis na akong pinagpapawisan pero siya ay wala akong nakitang kahit isang maliit na butil ng pawis. Sumigaw ako at at malakas na nagbitaw ng sipa sa kanya.

Seryoso niya akong tinitigan sa mata. Akala ko ay aatras pa siya, ngunit nagkamali ako. Magaan siyang tumalon nang mataas para makailag sa sipa ko. Tila lumulutang lang siya sa ere.

Masyadong mabilis ang kanyang paggalaw. Hindi ito nasabayan ng mga mata ko. May narinig akong tunog. It was like a snap of fingers. Ilang segundong nanatili ang tunog na iyon sa aking tenga. Kumurap-kurap ako, nakaramdam ako ng kaunting pag gulo ng utak ko.

Kumurap ulit ako. Wala na siya sa harapan ko. Tumingin ako sa paligid ko pero 'di ko na siya nakikita.

"Hey sis!" may tumapik sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si kuya, relax na relax parin at ngiting-ngiti na nakatingin sa akin.

Sa inis ko ay agad ko siyang sinuntok dahil alam kong hindi siya nakapaghanda.

Saglit na nandilat ang mata niya. He sidestepped. Hinawakan niya ang wrist ko at ngumiti nang malapad. Binitawan niya agad ang wrist ko.

I was caught off guard. Pakiramdam koy may humihila sa akin paabante. Sunod ko nalang natagpuan ang sarili kong lumilipad at mabilis na sumubsob sa malamig na lapag.

Napapikit ako at napangiwi dahil sa pagbagsak ko. Hindi naman gaanong malakas ito pero ramdam ko parin ang sakit.

Napatingala ako nang makita ko siya sa aking harapan. Inilahad niya ang kanang kamay. "Sorry sis," paumanhin niya habang nagpipigil ng tawa.

Sumimangot nalang ako. I pulled myself up and accepted his hand. "Nagsosorry ka nga pero gusto mo naman akong pagtawanan!"

"Pffft!" hinampas ko siya sa braso. Saka siya humagalpak ng tawa.

Sinipa ko siya sa tuhod dahil sa inis ko. Hindi siya umilag kaya natamaan siya. "Aray! Hahahahahahahahaha!!!" sigaw niya. Napaluhod siya habang patuloy parin sa pagtawa. Nakayakap na siya sa tiyan dahil sa sobrang pagtawa.

Sinipa ko ulit siya sa kabilang tuhod. Pero halos mamatay na siya sa sobrang pagtawa. "E-Ella, nadapa ka! Hahahahahahahaha!!!"

"Wow ha! Ang saya kuya! Ang saya-saya! Damang-dama ko ang saya!" inis na sabi ko, napairap nalang ako. Maliit talaga ang kaligayahan ni kuya, noong bata palang kami, makita niya lang akong madapa abot langit na ang saya niya.

Gusto kong ngumiti dahil sa alaalang iyon. Nakakatawa kasi talaga ang itsura ko sa tuwing  nadadapa ako.

Tumayo siya, pulang-pula na ang mukha maging ang kanyang tenga. "Ito na seryoso na... Pffft!" pagpipigil na naman niya sa pagtawa.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon