Ella's POV
Ang laman kasi ng message ay...
9:47 AM
"I WILL KILL YOU! AND THIS TIME..... NOTHING'S STOPING ME!"
"Ano pong bagong lead? Kung alam lang po natin kung sino ang nagbigay ng message na 'yan sa biktima, mapapadali lang po sana ang pagpinpoint natin sa salarin," tama naman ako 'di ba? Bakit ba sinasabi ni sir na may bago na kaming lead eh unknown number 'yong nagbigay ng message.
"Basta," 'yon lang ang naging tugon ni sir Loid sa sinabi ko.
"Kailan ho natin sisimulan ang interrogation?" tanong pa ni Flynn.
Sasagot na sana si sir nang may biglang kumatok sa pinto ng cubicle.
"Best? Best tapos ka na ba diyan? Bilisan mo na nga diyan," we all exchanged a long look, and no one dared to say a word.
Nagpatuloy parin sa pagkatok ang babae. Nalaman kong babae ang tumatawag dahil sa boses niya.
"Grabe na 'yan best ah. Sagutin mo naman ako kung tapos ka na. Kanina pa kita hinihintay do'n. Nakatulog na ako, 'di ka pa rin tapos?" wala paring gumalaw ni nagsalita sa amin.
"Best.....?" nagbuntong hininga si sir tiyaka tumayo para pagbuksan ang babae. Bubuksan na niya sana ang pinto pero bumukas na ito nang kusa at pumasok na ang babae.
Sa una ay pagtataka ang rumehistro sa kanyang mukha at napalitan ito ng takot, pangamba at pagkagulat nang makita niya ang katawan ng patay na babae.
Napasinghap siya sa nakita. Tinakpan nalang niya ang bibig para pigilan ang iyak na nagbabantang lumabas.
Kahit na nahihirapan ay nagawa niya paring tumakbo patungo sa bangkay at doon humagulhol ng iyak. Sino ba naman kasing tao ang hindi iiyak kapag nakitang pinatay ang bestfriend niya?
Kahit man ako ay nasasaktan sa naririnig kong iyak. Iyong tipong dahil sa naririnig mong iyak ay napapaiyak ka na rin?
Kilala namin ang babaeng umiiyak. Dahil siya si Erica Sanders, isa sa tatlong suspects namin. Pero mukhang hindi na siya isa sa mga suspect dahil sa code. Hindi kasi siya kasali sa message ng code.
Linapitan ni Kiara ang babaeng umiiyak at pinakalma ito.
"Walang kaluluwa ang pumatay sayo besT. Hayop siya! Hindi ko siya mapapatawad," she said, confusion, anger and hurt warring for dominance inside her.
Sinenyasan ni sir Loid sina Vanessa, Max at Flynn na sumunod sa kanya saka siya lumabas. Kaya ako, sina Kiara, Kezia at ang babae na si Ms. Erica nalang ang naiwan dito sa loob ng cubicle.
Nagpatuloy parin ang babae sa pag-iyak. Pero maya-maya pa ay huminto na ito at umupo nalang sa may gilid.
"Sino nga pala kayo? Bakit kayo nandito?" mahinang tanong ng babae. Naaawa ako sa itsura niya. Titingnan mo lang siya at mararamdaman mo ang matinding emosyon na bumabalot sa kanya.
"Detective students po kami, at isa po sa kasamahan namin ang nakakita. Pero hindi po namin agad pinaalam sa mga tao rito dahil ayaw po naming magkagulo. Kayo po? Kaanu-ano niyo po ba ang victim?" bago sumagot ang babae ay tinitigan niya muna nang mapait ang bangkay.
"Bestfriend ko siya magmula elementary. Sabay kaming grumaduate ng elementary, high school at college. Pareho kami ng pinasukang University. Pati kurso namin pareho rin..." ngumiti muna ang babae nang mapait bago nagpatuloy. "Birthday niya ngayon kaya sinamahan ko siyang mag-out of town. Kanina lang ay sabay kaming pumasok dito para mag CR. Dito siya sa cubicle na 'to at sa kabila naman ako. Nauna akong matapos kaya nauna narin akong bumalik sa upuan ko. Sandali akong nakatulog at pagkagising ko, nagtaka ako kung bakit wala parin siya sa tabi ko kaya nagpunta ako rito. Pagpasok ko rito nala---" hindi na napatuloy ni Ms. Erica ang sinasabi dahil napaiyak na naman siya. Pumikit siya at pinigilan ang sarili na humagulhol. Hindi siya humagulhol pero patuloy parin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mistério / SuspenseHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...