Ella's POV
Panginoon ko. Maraming salamat.
Pagod man ay pinipigilan ko parin ang sarili ko na mawalan ng malay.
Wala akong gaanong makita dahil naging malabo na ang aking paningin dala ng mga luhang umagos.
Ang tanging naririnig ko lamang ay labanan. Hindi kaya natalo na ang taong dumating.
Nag-iisa lang siya. Baka 'di niya kayanin ang dalawang kaaway.
Gusto kong makita ang pagmumukha ng lalake upang makilala ko siya. Sa sobrang pagod ko, 'di ko na makikilala ang taong dumating gamit ang aking pandinig.
Sinubukan kong tumayo gamit ang natitira kong lakas. Ngunit paulit-ulit lang akong nabigo.
Pumikit ako upang makapagconcentrate. Hinugot ko ang lahat ng natitira ko pang lakas para lamang makatayo. Tiniis ko ang hapdi ng mga galos sa aking katawan na nakuha ko.
Pero kahit anong gawin ko, hindi ko magawa ito.
Hindi ko alam na ganito pala kalala ang inabot ko. Ang alam ko, puno ng galos at hapdi ang buo kong katawan.
Maya-maya pa ay 'di ko na kinaya at paunti-unti ng nanlalabo ang aking paningin. At... At...
*BLACK OUT*
Flynn's POV
"Nasa southeast sina sir Loid. Tayo naman ay nasa northeast." saad ni Vanessa habang nagcoconcentrate lang sa g-tech device niya.
Saglit kong tiningnan si Vanessa, at nag focus ulit sa daan.
"Medyo malayo na tayo kina sir Loid. And to state the obvious, malapit nang kumagat ang dilim. Kailangan na nating mahanap si Ella sa lalong madaling panahon. Oh kung gusto niyo, sa lalong madaling oras. Hindi panahon. Oras." napatingin lang kaming dalawa ni Kiara kay Vanessa. At 'di umimik.
"Okay okay! Guess it isn't a time for a joke. Just trying to cheer us all up. That's all." nagkibit balikat nalang si Vanessa dahil tahimik parin kami ni Kiara.
Naiintindihan ko si Vanessa. I know that she's trying to lighten up our moods. Maybe to cheer us up.
Bilib rin ako kay Vanessa. Kanina, siya 'yung unang nag freak out pero nang naka move on na siya. Siya na mismo ang nag rerekindle ng light para sa pag-asa naming lahat na mahanap si Ella.
Si Ella. Ang tipo ng babae na hindi mo maprepredict. She sure is impulsive, unpredictable, pero mahal ng lahat.
I pretended to stay as calm as I could. I haven't spoke words to hide my worries. But my inner voice says it all.
As we wound our way through the forest, with the blades of the tall grass giving us unnoticed wounds, my heart kept on pounding against my chest.
I don't really know why, maybe these are the worries I kept hidden.
Kanina pa ako nangangamba para kay Ella ngunit ayaw ko itong ipakita sa mga kasama ko.
Gumagabi na kaya flashlight nalang ng g-tech device namin ang aming ginagamit.
Tumahimik nalang si Vanessa, at tahimik lang kaming tatlo sa paglalakad. Gabi na at hindi parin namin nahahanap si Ella. Ano na kayang nangyari sa kanya?
Labag man sa aking kalooban ay 'di ko parin maiwasang mapaisip ng mga masasamang bagay na maaaring mangyari o nangyari kay Ella.
"Guys tingnan niyo 'yun!" mahinang sabi ni Kiara sa amin ngunit may kakaibang tono ang pagkakasabi niya. Tono ng natatakot.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...