Chapter 48: Memories
Ella's Point of View
“Kamusta ka na? Your parents? How are they?” umupo si Uncle sa upuan kaharap ko, ang maliit na table na may glass sa itaas ang pumapagitna sa aming dalawa. “Ngayon ko lang nalaman, dito ka rin pala nag-aaral.”
Ngumiti ako at sandaling napatitig sa lense na suot ni Uncle. Napansin siguro ni Uncle na hindi pa ako sumasagot sa tanong niya kaya siya muling nagsalita. “So, Ellizabeth, kamusta naman ang pananatili mo rito sa school? 'Yong pag-aaral mo? Ngayon ko lang napag-alaman na rito ka rin pala nag-aaral gaya ng mga kapatid mo.”
“Ah... Opo, Uncle. I mean okay lang naman po ako rito. Medyo nahihirapan nga lang ako sa mga lessons. Tsaka na-eenjoy ko rin naman ang mga missions namin. Hehe,” ano ba 'yan! Ba't ang awkward kong magsalita? Dala ba 'to ng hiya ko?
Tinignan niya ako sa mata na tila pinag-aaralan ang sagot ko saka siya tumango-tango. “Normal lang 'yan, masasanay karin,” sumandal siya sa sandalan ng kanyang inuupuan. “And your parents?”
Ayan na naman ang tanong na 'yan. “Okay lang naman po sila,” tipid kong sagot, hindi pwedeng malaman ni Uncle na hindi alam nina mama na aksidente lang ang pagpasok ko rito.
“Pero maiba nga tayo, Uncle. Kayo! Musta na kayo? Gwapo parin kayo sa edad ninyong 'yan, ha. Tsaka 'yong tawag nila sa'yo? President White! ” Tumayo ako at umaktong sinusulat ang kanyang pangalan.
“Para kayong presidente ng isang Corporation. Petmalu talaga kayo! Werpa!” napansin kong kumunot ang noo ni Uncle.
“Petmalu?”
“Kaya nga lodi ko kayo Uncle eh!” ngiti-ngiti kong saad pero hindi parin matanggal ang nakakunot niyang noo.
“Lodi? Petmalu? Saka 'yong isa, wer, wer--”
“Werpa?” tanong ko at tumango siya.
“Are those new English words that I myself do not know?” seryosong tanong ni uncle with matching crossed-arms pa.
“Pfft!..” gusto kong tumawa pero seryoso talaga si Uncle kaya pinigilan ko nalang ang sarili ko. Kung nakita lang sana ni uncle ang itsura niya.
Napakamot pa ako bago nakapagsalita ulit. “Ano,...” pa'no ko ba ieexplain 'to? ‘‘mga expressions lang po 'yan, Uncle. Hehe.”
Umiling na lamang si Uncle, halos mabasa ko na ang nasa isip niya. “Mga kabataan talaga ngayon,” he almost whispered.
Marami pa kaming napag-usapan ni Uncle, sa simula ay ang awkward ko sa conversation namin, pero 'di nagtagal at nawala naman 'yong awkwardness. Napagtanto ko pa kung gaano kakapal itong mukha ko.
Tumayo si Uncle at nagpunta sa desk niya. “Iyong mga kapatid mo, kamusta naman sila? Nakakasama mo ba sila? Considering that they're all busy as Kings and Queens.”
I pressed my lips into thin lines before talking, as if choosing words. “Mukhang okay naman po sila,” I answered while nodding, “pero 'di ko po sila gaanong nakakasama, mga busy po kasi mga 'yon.”
I can't hide the disappointment in my face after I stated those words. Ngayon ko lang talaga narealize na hindi ko pala gaanong nakakasalamuha ang tatlong kapatid kong 'yon.
Bigla nalang sumagi sa isipan ko si kuya Gally. Tama, kuya ko siya at kapatid niya ako, malabong siya ang lalaking umatake sa akin noong gabing 'yon. At maling-mali na isipin kong siya 'yon.
“Si kuya Charles nalang po lagi kong nakakasama, saka sa kwarto niya rin po kasi ako nag-iistay... for the meantime.” Seryoso lang si Uncle sa pakikinig na parang hindi na bago sa kanya ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...