Chapter 1: Stage One

22.1K 689 90
                                    

Ella's POV

"Tulooooooooonggggg!"

"Ibaba niyo ako!"

"Lala! Lala! Kinukuha nila ako! Lala! Lala!"

"Aaaaarrrrrrggghhhhh!"

Kiara and I exchanged a long look. If I'm not mistaken, it came from a little boy. At first, the boy's scream filled through the air, echoing in every corner of the room or whatever they call this place. Then its sound grew louder and louder with the distance. It took not too long for me to see the man's silhouette image.

A man's shadow. That's the first thing I could make out. It's still dark, the only source of light is the big bulb, if that's what it's called, from afar.

Lumapit ang anino sa harap ko. Inihanda ko ang sarili ko sa kung ano man ang gagawin niya. Ibinaba ng malaking tao mula sa balikat nito ang batang lalaki.

"Aray! Ikaw ah! Gusto mo suntukan tayo? Uupakan talaga kita! Ang sakit ng pwet ko!"

Mabilis kong hinawakan ang bata sa magkabilang braso at tinulungang makatayo ito. "Hoy! Mama! At saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos! Akala mo papalagpasin ko 'yong ginawa mong pagtapon sa akin dito?"

Tuluyan ng umalis ang malaking lalaki, hahabulin pa sana siya ng bata kaya pinigilan ko na. "Teka! Bitawan mo 'ko! Hindi ko pa nasasapak ang mamang 'yon. Bi--- A-ate Ella?!"

Gulat ang rumehistro sa mukha ng bata nang makita niya ako. Maging ako man ay nagulat din. Bakit kilala 'ko ng bata?

Kahit madilim ay naaaninagan ko pa rin ang mukha ng bata. At malamang ay nakikita niya rin ang mukha ko. Nangunot lang ang noo ko bilang tugon sa bata.

"Hindi mo ba ako natatandaan ate? Ako si---"

"Clark?! Bakit ka nandito? At paano ka napadpad dito? Vanessa, Flynn, si Clark!" Naguguluhan ako kung bakit magkakilala sila, pati sina Vanessa at Flynn ay kilala ang bata.

"Ate Kiara? Ate Vanessa?! Kuya Flynn? Nandito rin kayo!" Magiliw na tumalon ang bata saka nagyakapan sila nina Vanessa at Kiara. Kailangan pang lumuhod nina Vanessa at Kiara para mayakap lang si Clark daw.

"Clark? Bakit ka nandito? Bakit pati ikaw?" Pabulong na tanong ni Flynn, ramdam ko sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala.

"Same question goes to all of you kuya. Bakit kayo nandito?" Magsasalita na sana sila pero may lalaki na naman ang dumating sa harap namin, estudyante rin siguro ito.

Kahit madilim, nalaman ko pa rin na kulay puti ang buhok ng lalaki. Tinanggal nito ang kanyang piring at nagpalinga-linga.

"Bakit ako nandito? At sino kayo?" Nalilitong tanong ng bagong dating na lalaki habang nakakunot ang noo nito. Sasagot na sana sina Flynn pero biglang nagsalita ang babae sa microphone.

"You are all here to undergo a certain test. Inorder to be an official member of the Crest Compound as well as the Top Class Family, you must first pass these challenges. In this test, you will encounter stages. Pass a stage then proceed to the next one and such. The only rule in this test is to PASS! And you might get killed in this test so better do things as best as you can and as possible as you can. You can back out if you want and we are all willing to get you out of the school. Now. I am giving you all five seconds to decide weather to back out or not."

5

4

Kinuha ko ang kamay ng batang lalaki para itaas ito, masyado pa siyang bata para rito. At maaari kaming mamatay sa test na ito kaya nararapat lang na mag-quit ang bata. Ngunit nagulat ako.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon