Chapter 27: Locked

17.1K 523 154
                                    

Chapter 27: Locked

Vanessa's Point of View

“Here's your coffee, ma'am. Enjoy!”

Nginitian ko ang babae sa counter sabay tanggap sa inorder kong coffee. I turned around and made my way out of the cafeteria.

Medyo mainit pa ang kape ko kaya careful lang ako sa paglalakad. Inilapit ko sa mukha ko ang cup at inamoy ito.

May pa 'close-your-eyes' effect pa ako habang inaamoy ang kape.

A quirky mannerism that I developed since 'god-knows-when'.

May halong aroma ng chocolates ang kape ko, mahilig kasi ako sa chocolates.  And it is worthy to note that those who are fond in chocolates are smart.

Kaya kung sino man ang may hilig sa chocolates dyan, I'm sure na matalino sila.

I found myself walking along the hallway. Papunta kasi akong kwarto ni Ella. I stopped, frozen in my tracks when an unusual noise caught my attention.

Nagtaas ako ng mukha at nagkasalubong ang kilay.  Sa 'di kalayuan ay ang kwarto ni Ella. At ang kakaiba lang ay kung bakit may doctor at nurse na pilit binubuksan ang pinto nito.

Napasulyap ako sa trash can na nasa tabi lang ng pinto. Sayang naman kung itatapon ko itong coffee ko.

Mabilis akong tumakbo patungo sa kwarto ni Ella habang dala-dala ko parin ang mainit kong kape. May kaunting natapon sa kamay ko pero 'di ko na ito pinansin.

“Anong nangyayari rito?” tanong ko noong nakalapit na ako sa kanila. Ininom ko lahat ang kape ko at nilagay ito sa basurahan na nasa gilid.

“Hindi rin namin alam, basta may narinig lang kaming ingay,” sagot sa akin ng doctor.

Mabilis kong idinikit ang tenga ko sa pinto. May narinig akong ingay.

“Ella! Buksan mo ang pinto!” sigaw ko habang kumakatok nang malakas.

“Anong problema?”

Napalingon ako sa nagsalita. At hindi ako nagkamali, si King Charles my Loves nga!

Halos matulala ako sa gwapong taglay niya. Nag-iwas nalang ako ng tingin at baka malalag pa ang panty ko kakatitig sa kanya.

“Si Ella,” ang tanging sagot ko.

“Then what're you waiting for? Open the door.”

“Pinakuha ko na ang susi sa baba,” sabi ng doctor. Pero tila hindi ito napansin ni King Charles.

Nakatanaw siya sa itaas na tila nag-iisip. And seconds passed, bigla siyang tumitig sa mata ko. Oh myghad!

“Miss, I need you. Come here...” sabi niya habang nakatitig sa mata ko.

LOADING...

I need you . . .

I need you . . .

I need you . . .

“H-ha?”

Hindi ako agad nakapagreact. He grabbed me by my waist kaya in an instant dumikit ang katawan ko sa kanya.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Oh my! Hahalikan niya ba ako?

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon