ALTHEA’S POV
Kasalukuyan akong nasa biyahe patungo sa paaralan kung saan ako mag-aaral. Nakasakay ako sa kotse na pagmamay-ari ko ngunit ang nagmamaneho nito ay ang aming family driver. Tahimik lamang akong nakaupo sa backseat habang nakatuon sa daang aming tinatahak ang aking buong atensyon.
It’s the second day of school. I failed to attend my classes yesterday because of an emergency‚ so obviously‚ it’s my first day today.
Nang malapit na kami sa aming destinasyon ay agad kong kinuha ang atensyon ng aming family driver na si Mang George upang hindi na niya ituloy pa ang kaniyang pagmamaneho.
“Mang George‚ kindly stop the car at the sidewalk‚” malumanay kong sabi kay Mang George na agad naman nitong sinunod.
Maingat na ipinarada ni Mang George ang kotse sa gilid ng kalsada.
“Sigurado ka ba‚ anak? Nasa isang kilometro pa ang layo ng paaralan mo‚” nagtatakang wika ni Mang George na ininguso pa ang gate ng Eminent University na tanaw mula sa aming kinaroroonan.
Agad ko namang kinuha ang mga gamit ko na nasa upuang katabi ko bago ko hinarap si Mang George.
“Don’t worry‚ Mang George. I can manage‚” nakangiti kong sagot bago ako tuluyang lumabas ng kotse dala-dala ang lahat ng gamit ko.
Nang makababa ako ng kotse ay kaagad na akong nagsimulang maglakad palayo kay Mang George at sa kotseng kaniyang kinaroroonan. Pero mayamaya lamang ay bigla niya akong tinawag nang nasa unahan na ako ng kotse.
“What is it‚ Mang George?” nagtatakang tanong ko kay Mang George ngunit diretso lamang ang tingin ko sa kalsada. Bahagya ko na lamang na nilakasan ang aking boses upang magawa pa rin niya itong marinig kahit medyo magkalayo na ang aming distansya sa isa’t isa.
Iniiwasan kong may makapansin sa akin na nakikipag-usap sa drayber ng isang mamahaling kotse. Mahirap na. Mauuwi sa wala ang gagawin kong pagpapanggap.
Sa halip na makipagtaasan ng boses si Mang George at pasigaw rin akong kausapin ay pinaandar niya ang kotse palapit sa akin. Kaya magkapantay na kami ngayon at sinasabayan ako ni Mang George maglakad dahil pinabagal niya ang takbo ng kotse.
“Anong oras at saan ba kita susunduin mamaya‚ anak?” masuyong tanong ni Mang George na tila ba tunay niyang anak ang kaniyang kausap.
Bigla naman akong napaisip sa tanong ni Mang George. Saan nga ba?
“I’ll just text you‚ Mang George‚ when and where to pick me up‚” sagot ko na lang sa kaniya dahil kailangan ko na talagang magmadali.
Ayokong pumasok kung kailan marami na ang estudyante dahil ayokong maging sentro ng atensyon ng lahat.
“Sige‚ anak. Mag-iingat ka‚” nakangiting bilin ni Mang George na ginantihan ko lang din ng isang matamis na ngiti saka niya pinaandar ang kotse palayo.
Nang tuluyan nang makalayo ang kotseng minamaneho ni Mang George ay mas binilisan ko pa ang aking paglalakad patungong Eminent University. Nang nasa gate na ako ay nabaling sa akin ang atensyon ng lahat. Kani-kaniya sila ng bulungan na hindi ko alam kung bulong pa bang matatawag gayong rinig ko naman.
“Eww. She sucks!”
“Such a nerdy girl.”
“She’s so baduy!”
“Is she living in a forest ba kaya she’s not updated with the trends?”
“Bro‚ ang pangit. Hahaha!”
BINABASA MO ANG
The Prophecy
FantasiaIsang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan. Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang k...
