CHAPTER 41: HER ULTIMATE GOAL

1.9K 61 0
                                    

ALTHEA’S POV

Dalawang araw na ang nakalilipas magmula nang magkagulo kami sa opisina ni Sir Ahmir at sa loob ng dalawang araw na nakalipas ay nasa palasyo lang ako. Pinagbawalan kasi ako ni Kaiden at maging ng hari at reyna na pumasok sa akademya. Kailangan ko raw kasi ng sapat na pahinga para tuluyang bumalik ang lakas ko. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa loob ng nakalipas na dalawang araw ay kung ano-ano nang pag-eensayo ang ginawa namin ni Kaiden tuwing pag-uwi niya galing akademya. Nakakapagtaka kasi na ayaw nila akong papasukin sa klase ko dahil kailangan ko raw ng pahinga pero pinag-eensayo nila ako. Nasaan ang pahinga ro’n?

Hindi naman sa ayaw kong mag-ensayo. Nagtataka lang talaga ako kung para saan ang pag-eensayong ginagawa namin. Wala naman akong alam na laban na kahaharapin ko at wala rin naman akong balak na makisangkot sa kahit anong gulo. Well‚ maliban na lang kung may makita akong inaapi.

“Lady Althea?” tawag sa akin ng isang boses mula sa labas ng silid na inookupa ko na nakaagaw ng atensyon ko at nagpalingon sa akin sa direksyon ng pinto.

“Tuloy ka‚” pagkausap ko sa kung sinumang nasa labas saka dali-dali akong umayos ng pagkakasandal ko sa headboard.

Agad namang iniluwa ng pinto ang isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo na dali-dali pang yumuko upang magbigay-galang.

“Dumating na po ang mahal na prinsipe at pinatatawag niya po kayo sa labas ng palasyo para mag-ensayo‚” imporma sa akin ng tagapagsilbi habang nakayuko pa rin ito.

“Susunod ako. Magbibihis lang ako saglit‚” tugon ko at tipid kong nginitian ang tagapagsilbi ng palasyo kahit pa hindi naman ito nakatingin sa ‘kin.

Agad naman nang nagpaalam ang tagapagsilbi ng palasyong inutusan ni Kaiden kaya kumilos na rin ako para magbihis.

Isang four pockets army green jogger‚ itim na fitted sando na pinili kong i-tuck in at itim na combat shoes ang pinili kong suutin para madali akong makakilos. Itinali ko rin into a ponytail ang buhok ko para hindi ito makaabala mamaya sa ensayo namin ni Kaiden.

Pagkatali ko sa buhok ko ay hindi ko na inabala pa ang sarili kong humarap sa salamin para tingnan ang ayos ko. Agad na akong dumiretso sa malawak na bahagi ng palasyo na tanging mga puno at damuhan lang ang makikita. Napapalibutan ng mga puno ang buong paligid ngunit malalaki ang pagitan ng bawat isa na tila ba inilagay lamang ito roon para may masilungan ang sinumang pupunta sa bahaging iyon ng palasyo.

Alam ko na ang itsura ng lugar na pupuntahan ko dahil doon din naman kami nag-ensayo ni Kaiden nitong mga nakaraang araw. At dahil nga hindi naman ito ang unang beses ko roon ay madali ko lamang narating ang lugar na sadya ko.

Agad na hinanap ng paningin ko si Kaiden nang marating ko ang destinasyon ko. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil nakasandal lamang siya sa isang puno habang nakapamulsa at nakatingalang naghihintay sa pagdating ko.

All black ang suot ni Kaiden mula sa damit hanggang sa sapatos: isang itim na muscle shirt‚ itim na jogger at itim na combat shoes.

Ilang minuto ko pang pinagmasdan si Kaiden mula sa malayo bago ako tuluyang lumapit sa kaniya. Agad naman niyang napansin ang presensya ko kung kaya agad siyang nag-angat ng tingin at sinalubong niya ang tingin ko. Ngunit hindi pumirmi sa mukha ko ang tingin niya. Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na ikinasalubong ng kilay ko.

“Nice outfit‚” komento ni Kaiden nang matapos na siyang suriin ang ayos ko.

I rolled my eyes at him. “Thanks‚” sarkastikong tugon ko.

Ayoko mang maging sarkastiko ay hindi ko talaga mapigilan ang sagutin siya nang puno ng sarkasmo. Paano ba naman kasi ay pinuri nga niya ang suot ko pero hindi ko naman ramdam na sincere siya rito dahil ni hindi man lang siya ngumiti kahit tipid. Para lang siyang robot na naka-program nang puriin ang damit ng sinumang makakaharap at makakausap niya.

The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon