CHAPTER 52: THE DARKINIANS

1.7K 47 1
                                        

ALTHEA'S POV

Sa paglabas ko ng battle arena ay bumungad sa akin ang napakagulong paligid. Kahit saan ako tumingin ay maraming mga estudyante ang nagkakagulo at hindi alam kung saan tatakbo para iligtas ang kanilang mga sarili. Marami ring mga nakahandusay na estudyante sa paligid. May ibang walang malay at may iba namang namimilipit sa sakit dahil sa mga sugat at galos na kanilang natamo. At habang patuloy ako sa paglalakad para alamin kung anong nangyayari ay marami pa akong nadaanang mga katawan. Ngunit karamihan sa mga ito ay hindi na mga estudyante ng akademya. Karamihan sa mga katawang nakahandusay sa paligid ay mga nakasuot ng itim na kasuotan.

Sa kabila ng mga nakahandusay na aking nadadaanan ay buong tapang ko pa ring ipinagpatuloy ang aking paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa lugar kung saan may nangyayaring labanan sa pagitan ng mga estudyante ng akademya at sa mga naka-cloak na itim. Sa nakikita ko ay mano-mano ang labanang nagaganap sa pagitan ng dalawang panig. Tanging espada lamang ang kanilang panlaban at walang sinuman ang gumagamit ng kapangyarihan.

Sa gitna ng mga naglalaban ay humanap ako ng mga pamilyar na mukha. Hindi naman ako nabigo dahil agad kong nakilala sina Jane‚ Kaleb‚ Kaiden‚ Ali at ang Trio na siyang nakikipaglaban sa mga nakaitim na cloak. Bukod sa kanila ay may iba pang mga estudyante ang katulong nila sa pakikipaglaban. At kung hindi ako nagkakamali ay mga kaklase lang din nila ang mga ito.

Sa paggala ko ng aking tingin sa paligid ay may isang bagay akong napagtanto. Hindi patas ang laban. Luging-lugi sina Jane kung titingnan dahil ang bawat isa sa kanila ay dalawa hanggang lima ang kalaban at mukhang napakahusay rin ng mga kalaban nila sa paggamit ng espada lalo na ang dalawang kalaban ni Kaiden na parang ninja sa bilis nitong kumilos.

Lahat ng kalaban nina Jane ay natatabunan ng hood ang kalahati ng mga mukha at tanging ilong at bibig lamang nila ang nakalabas. Kaya naman ay hindi ko malaman kung sino-sino ang mga ito. Ngunit isa lang ang natitiyak ko sa mga oras na ito. Ang mga lalaking sumugod sa amin noon sa mansion at ang kasalukuyang kinakalaban nina Jane ay iisa. Ngunit anong ginagawa nila rito? Bakit sila nanggugulo?

Marami pang mga tanong ang biglang lumitaw sa aking isipan habang isa-isa kong tinatapunan ng tingin ang mga kalaban nina Jane. Ngunit hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin dahil may mas mahalagang bagay akong dapat na gawin at iyon ay ang tumulong sa pakikipaglaban. Kung noon ay wala akong nagawa nang patayin ng mga nakaitim na cloak ang mga magulang ko sa mismong harapan ko‚ ngayon ay hindi na ako papayag na may kunin at saktan pa silang muli kahit ni isa sa mga mahal ko. Magkamatayan na kami ngunit hindi ko sila hahayaang ulitin nila ang ginawa nilang pagpatay sa dalawang mahahalagang tao sa buhay ko.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang akong nakaramdam ng kung anong malakas na enerhiya o kapangyarihang nabuo at nabuhay sa loob-loob ko. Ngunit bago ko pa man matukoy kung ano ito ay nawala na ang atensyon ko rito nang makita kong may isang nakaitim na cloak ang nasa likuran ni Jane na tila balak siyang saksakin.

"Jane!" malakas kong sigaw kasabay ng pagbato ko ng fireball sa nagtangkang sumaksak kay Jane.

Matapos kong mapatumba ang sana'y sasaksak kay Jane ay mabilis akong nag-teleport patungo sa likuran ni Jane para tulungan siya sa pakikipaglaban at para matiyak kong wala nang aatake sa kaniya mula sa kaniyang likuran.

Nang sandaling magdikit ang likuran namin ni Jane ay mabilis kong pinalabas sa kanang kamay ko ang golden sword na ngayon ko na lamang ulit magagamit. Mabuti na lamang at naituro sa akin ni Kaiden ang pag-summon ng sandata kong ito.

"Gwyn‚ what are you doing here?" pasigaw na tanong ni Jane habang abala pa rin siya sa pakikipaglaban sa mga nakaitim na sunod-sunod na nagsusulputan para sugurin siya.

"I'm here to help!" sigaw ko rin pabalik saka mabilis kong inihanda ang sarili ko nang makita kong may maraming bilang ng mga nakaitim na cloak ang patungo sa direksyon ko.

The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon