CHAPTER 70: BETRAYAL

1.5K 54 1
                                        

ALTHEA’S POV

Malalim na ang gabi nang magpasya kami ni Ali na bumaba na. Pero bago kami dumiretso sa kani-kaniya naming silid ay nagtungo muna kami ng kusina upang uminom ng tubig o kahit anong inumin. Medyo nanunuyo na kasi ang lalamunan namin dahil sa walang katapusang daldalan namin sa rooftop.

Sa nangyaring pag-amin ni Ali sa akin kanina ay napagtanto kong mahirap pala kapag nahulog ang isa sa inyong magkaibigan dahil may masasaktan at masasaktan gustuhin mo man o hindi at ang malala pa ay maaaring masira ang pagkakaibigan ninyo. Mabuti na nga lang at hindi si Ali katulad ng iba na ipinagpipilitan ang sarili nila sa gusto nila kahit hindi sila nito gusto. Nakatutuwang alam ni Ali ang salitang acceptance kahit pa nga matagal na pala siyang nakamasid sa akin mula sa malayo. Pero syempre ay hindi ko rin maiwasang malungkot dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya.

Tahimik naming tinahak ni Ali ang daan patungong kusina at wala nang ni isa man sa amin ang nagtangkang magbukas ulit ng usapan na alam naming hahaba na naman kapag nasimulan. Ngunit nang malapit na kami sa mismong kusina ay bigla kaming natigilan at kami ay nagkatinginan nang makarinig kami ng ingay mula sa kusina. At habang magkatitigan kami ay agad kong napagtantong pareho kaming walang ideya kung sino o ano ang pinagmumulan ng ingay na aming narinig. Malalim na kasi ang gabi at ang alam ko ay kanina pa natulog sina mommy at maging si Luna.

Ilang segundo pa kaming nagkatitigan ni Ali bago nanlaki ang aming mga mata nang maisip naming maaaring kaaway ang pinagmumulan ng ingay na aming naririnig. Kaya naman ay agad kong sinenyasan si Ali na huwag mag-ingay saka kami maingat na lumapit sa kusina nang hindi gumagawa ng anumang ingay. Ngunit agad din naman kaming nakahinga nang maluwag nang si Luna ang mabungaran namin sa kusina. Nakatayo siya sa gilid ng mahabang mesa at abala sa paghalo ng tinimpla niyang juice na nasa pitsel na nakapatong sa mesa.

“Luna‚ ikaw lang pala ‘yan. Akala ko naman kung sinong bampira‚” pabiro kong sabi kay Luna habang tinatawid ko ang distansyang aming pagitan.

Tipid lamang na ngumiti sa amin ni Ali si Luna bago niya muling itinuon ang atensyon niya sa paghahalo ng juice na ikinasalubong ng kilay ko. May problema ba siya? Bakit parang kahit pagngiti ay hirap siyang gawin?

Maging noong party ay kapansin-pansin din ang pagiging tahimik ni Luna. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na may mabigat siyang problema na hindi niya sinasabi sa amin. And I want to help her. Pero ayoko naman siyang piliting magsalita kaya hindi ko rin magawang tanungin siya kung anong problema niya.

“Bakit nga pala gising ka pa? Malalim na ang gabi ah‚” tanong ko kay Luna nang makalapit ako sa kinaroroonan niya at basta na lamang akong sumampa sa gilid ng mesa malapit sa kaniya para doon maupo.

“Hindi kasi ako makatulog‚” matamlay na sagot ni Luna na mas lalong nagpatibay ng hinala kong may problema nga siya.

“Pahingi ako ng inumin ah! Nauuhaw ako e‚” may kalakasang wika ni Ali na nagpalingon sa akin sa direksyon niya.

Muntik naman na akong matawa nang makita kong nagmamadali nang kumuha ng baso sa kabinet si Ali. At nang makakuha na siya ng dalawang baso ay mabilis siyang lumapit kay Luna at inagaw niya mula kay Luna ang pitsel na naglalaman ng juice saka maingat niyang nilagyan ng juice ang dalawang basong inilapag niya sa mesa na kanina lamang ay hawak niya.

Matapos salinan ni Ali ng juice ang dalawang basong nakapatong sa mesa ay agad niyang dinampot ang mga ito gamit ang magkabila niyang kamay at iniabot niya sa akin ang basong hawak niya sa kanang kamay niya.

“Oh. Alam kong kanina ka pa nauuhaw‚” wika ni Ali matapos niyang iabot sa akin ang basong hawak niya sa kanang kamay niya na agad ko namang tinanggap. Ngunit sa halip na pasalamatan si Ali ay tumagos kay Luna ang tingin ko.

The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon