CHAPTER 54: THE MYSTERIOUS VOICE

1.4K 49 0
                                        

ALTHEA’S POV

Matapos kong iwan sina Flor sa labas ng Healing Room ay agad akong dumiretso sa Hidden Palace para mapag-isa. At sa pagtapak pa lang ng paa ko sa Hidden Palace ay bigla na akong napahagulhol ng iyak. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na talagang naniwala sina Kaiden sa paninira sa ‘kin ng nagpakilalang si Prinsesa Kiana. Oo‚ alam kong wala akong karapatang magdamdam dahil siya naman talaga ang kaibigan nila. Siya ang ka-level nila. Pero sana man lang ay naisip nila na kaibigan din nila ako. At sana man lang ay naisip nila na walang dahilan para makipagsabwatan ako sa mga Darkinian na walang awang pumatay sa mga magulang ko.

Maiintindihan ko naman kung iisipin nilang impostor nga ako. Pero ang isipin nilang pakawala ako ng mga kaaway ay para na rin nila akong sinaksak nang paulit-ulit sa dibdib ko. Para na rin kasi nilang sinabi na hindi nila naramdaman ang sincerity ko noong mga panahong kasama nila ako at para na rin nilang sinabi na nagpapanggap lang ako at walang totoo sa mga ipinakita ko. Pero sino nga ba naman ako para piliin at paniwalaan nila? Isa lang naman akong hamak na mortal na dinala ni Kaiden sa kanilang mundo sa pag-aakalang ako ang matagal na niyang hinahanap. At ngayong bumalik na ang prinsesang matagal na niyang hinahanap ay wala na akong lugar pa sa mundong ito at maging sa buhay niya.

Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit tila walang pinagbago ang mukha ni Prinsesa Kiana. Maging ang kulay ng mata at buhok niya ay ganoon pa rin. Kung titingnan mo kasi siya ay parang siya pa rin ang batang nasa painting na nakita ko noon sa silid nila ni Jane sa palasyo nina Kaleb. No sign of aging at tanging katawan niya lang ang nagbago. Oo‚ alam kong hindi tumatanda ang mga charmer pero sa lahat ng nandito‚ siya ang pinakawalangpinagbago lalo na kung ikukumpara kay Jane. Tapos kung titingnan mo rin ang mga mata niya sa malapitan ay parang sobrang daming lihim ang nagkukubli rito.

Hindi naman sa pinag-iisipan ko ng masama ang prinsesa o hinahanapan ko siya ng butas. Nakakapagtaka lang talaga na sobrang bata pa rin niyang tingnan. Ngunit ano pa man ang dahilan sa likod nito ay siguro’y hindi ko na dapat pang alamin. Baka magsayang lang ako ng oras at baka lumabas pa akong masama. Baka kasi isipin pa ng iba na humahanap lang ako ng butas sa prinsesa o nagpupumilit akong sumiksik sa mundong ginagalawan ng royalties. Saka isa pa‚ wala naman sa isip ko ang halungkatin pa ang naging buhay ng prinsesa o hanapan ng paliwanag ang tungkol sa mukha niyang walang pagbabago. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang hanapan ng sagot ang mga tanong na bumabagabag sa ‘kin.

Isa sa mga tanong na gumugulo sa ‘kin ay kung wala na bang halaga kina Kaiden ang mga araw na nakasama nila ako. Bakit napakadali para sa kanila na itapon na lang ‘yon at kalimutan? Hindi ba nila ako itinuring na isang tunay na kaibigan kahit minsan? Nakikita lang ba nila ako bilang si Kiana at hindi si Thea?

Nakakalungkot isipin na sa kanilang tatlo ay tila tanging si Jane na lang ang naniniwala sa ‘kin. Ngunit kahit na gano’n ay ipinagpapasalamat ko pa rin na may isa sa kanila na hindi naniwala sa paninira sa akin ng prinsesa. Sana nga lang talaga ay hindi niya rin mapaniwala si Jane sa mga kasinungalingan niya dahil hindi ko na kakayanin kung pati si Jane ay mawawala pa sa ‘kin.

Pero sino nga ba talaga ang babaeng nagpakilalang si Prinsesa Kiana? Bakit bigla na lang siyang sumulpot sa mismong pagsugod ng mga kalaban? Coincidence lang ba ito o planado ang lahat ng ito? Bakit ako ang puntirya niya? Saka bakit niya pa ako iniligtas kung sasaksakin niya rin naman pala ako sa likod?

Marami pang mga tanong ang isa-isang nagsilitawan sa isip ko habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. At dahil sa aking walang tigil na pag-iyak at sa dami ng tanong na gumugulo sa ‘kin ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lamang ako mula sa aking pagkakahimbing nang makarinig ako ng ingay mula sa sala.

Matapos kong maalimpungatan dahil sa narinig kong ingay ay bigla na lamang nabuhay sa loob ko ang takot nang maisip kong maaaring isa sa mga kaaway na sumugod kahapon ang lumikha ng ingay na narinig ko. At dahil sa takot ko ay maingat akong naglakad palapit sa pinto ng silid na aking kinaroroonan nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay.

The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon