ALTHEA’S POV
Sa pagkagat pa lang ng dilim ay nakahanda na ang lahat at maging kami ay handang-handa na rin. Dumating na rin lahat ng mga inaasahang bisita at anumang oras ay magsisimula na ang pagdiriwang. Hinihintay na lamang nila ang hudyat ko.
Habang ang lahat ay nagtitipon-tipon na sa banquet hall ay tahimik lamang akong nakatayo malapit sa bintana ng aking silid at mag-isang tinititigan ang bilog na buwan habang nakakrus ang mga braso ko sa tapat ng aking dibdib. Bilog na bilog ngayon ang buwan at may bahid ng pula ang kulay nito na tila ba ay ipinahihiwatig nitong may hindi magandang mangyayari. Ngunit kahit na hindi maganda ang kutob ko sa kakaibang wangis ng buwan ay ipinagkibit-balikat ko na lamang ito.
Hindi ang simpleng wangis ng buwan ang pipigil sa akin para ituloy ang napipintong digmaan sa pagitan ng kasamaan at kabutihan. Lalaban at lalaban ako‚ bilog man ang buwan o hindi at may nagbabadya mang panganib o wala. Walang kahit ano o sino ang makakapigil sa akin na wakasan ang kasamaan alang-alang sa lahat ng nilalang na mga umaasa sa ‘kin.
Mag-isa lang ako ngayon sa aking silid dahil tapos naman na akong ayusan ng Trio at nakapagpalit na rin ako ng damit. Hindi ako sumabay sa Trio sa pagpunta ng hall dahil parte ng plano ang pagpapahuli ko sa pagpunta ng banquet hall.
Katulad nina Luna‚ Flor at ng Trio ay nakasuot din ako ng isang ballgown. Ngunit naiiba ang disenyo ng suot kong ballgown kumpara sa kanila. Iyong sa kanila kasi ay may straps na halos takpan na ang buong balikat nila at may sleeves din ang mga suot nilang ballgown para itago ang mga suot nilang fitted racer back sando. At para mas lalong hindi mahalata ang mga suot nilang sando sa ilalim ng mga suot nilang gown ay inilugay lang din nila ang mga buhok nila. Iyong suot ko naman ay strapless. Tube lang siya with a sweetheart neckline at hapit na hapit ito sa katawan ko dahil may taling paekis-ekis ang likuran nito. Ngunit sa loob ng suot kong magarang gown ay nakatago ang isang itim na combat shoes at itim na stretchable high waist fitted shorts na hanggang sa gitna lamang ng hita ko ang haba.
Ang pang-ibabang parte ng gown na suot ko ay maaaring punitin o hubarin ngunit ang tube ay hindi na maaari pang galawin dahil nakatuck-in ito sa suot kong shorts. At ito na ang isusuot ko mamaya sa laban.
Ang buhok ko ay itinali ni Vera into a rope twist bun na maganda pa ring tingnan kahit simple lang siya dahil sa kinang nitong agaw-pansin. Si Ember naman ang siyang nag-ayos sa akin kanina na ayaw patalo kahit pa sinabihan ko na siyang hindi na niya ako kailangang ayusan dahil laban naman talaga ang pinaghahandaan namin at hindi ang pagdiriwang. At syempre‚ hindi rin nagpahuli si Penelope. Siya lang naman kasi ang nagdisenyo at gumawa ng gown na ngayon ay suot-suot ko. And take note‚ hindi lang ito basta ordinaryong gown. Sobrang kinang nito at nakakaakit itong pagmasdan na mukhang sinadya talaga ni Penelope para ibagay sa kulay ng mata at buhok ko. Ayon kasi sa kaniya ay hindi raw talaga ito ang dapat na isusuot ko. Minadali niya nga lang daw gawin ito kanina matapos niyang makita ang kulay ng mata at buhok ko sa pagpupulong namin kaninang umaga.
‘Thea‚ oras na‚’ rinig kong sabi ni Ali gamit lamang ang mind link naming lahat—ako‚ ang Trio‚ ang magpinsan‚ sina Ali‚ Luna‚ Yael‚ Flor‚ mommy‚ daddy at ate.
Matapos kong marinig ang boses ni Ali ay awtomatiko akong napaayos ng tayo upang humanda sa pagpunta ko sa pagdadausan ng pagdiriwang para sa kaarawan ko.
‘Pupunta na ako. Magsimula na kayo‚’ pagbibigay ko ng hudyat sa mga kasama ko saka agad na akong nag-teleport patungo sa mismong labas ng banquet hall kung saan naghihintay sa akin si Ali na gwapong-gwapo sa suot niyang itim na tuxedo suit‚ puting long-sleeved collared shirt with black bow tie‚ itim na formal trouser at itim na tie-up shoes.

BINABASA MO ANG
The Prophecy
FantasyIsang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan. Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang k...