ALTHEA’S POV
Nagsasanay na ang lahat tulad ng napag-usapan habang ako ay naghahanda na sa aking silid para sa pag-alis namin nina Ali at Kaizer patungo sa iba’t ibang nilalang na maaari naming maging kapanalig.
Yes‚ kasama namin ni Kaizer si Ali. Parang kuya ko na naman siya kaya wala ng kaso kung magsama-sama kaming tatlo. Saka isa pa‚ gusto ko ring maging close sina Kaizer at Ali kaya pareho ko silang isasama. Pero actually‚ sina Luca at Nikolai dapat ang kasama ko dahil silang dalawa ang pinagkakatiwalaan nina ina sa pagbabantay sa ‘kin mula pa pagkabata. Ayaw kasi akong payagan nina ina na umalis nang mag-isa kaya dapat kasama sila. Kaya lang ay abala sila sa pagsasanay kay Luna na wala pang gaanong alam sa pakikipaglaban without her super speed‚ kay Yael na kailangan pa ng sapat na training para makapag-summon siya ng maraming hayop nang sabay-sabay at kay Flor na rin na hindi pa napag-aaralan ang iba pang mga teknik na nabasa namin noon. Pero siguro ay moral support na lang ang magiging ambag nila kina Yael at Flor dahil hindi naman nila magagawang sanayin ang mga ito sa pagpapalakas ng kapangyarihan nila dahil hindi naman sila earth charmer o animal summoner. O pwede ring sila ang susukat sa lakas nina Yael para mas makita nila kung kailangan pa nila ng improvement.
Ang Trio ay nagsasanay rin ng kani-kanila nilang kapangyarihan at kung paano nila mapapagsama-sama ang kapangyarihan nilang tatlo para mas mapalakas pa ang puwersa nila.
Sina mommy at daddy ang nag-suggest kay Ali dahil nakilala na nila ito noong pumunta kami sa mundo ng mga tao para sunduin sila. At syempre‚ ako ang nag-suggest kay Kaizer. Ayaw ngang pumayag nina ina noong una dahil baka raw makasama pa kapag may ibang nakakita na magkasama kaming dalawa. Pero ipinaintindi ko naman sa kanila na wala silang dapat ipag-alala dahil napatunayan na ni Kaizer na likas siyang mabuti at napasailalim lamang siya sa kasamaan kaya hindi totoo ang sumpang sinasabi nila. Saka subukan lang nilang saktan si Kaizer at ako ang makakalaban nila. Pero kung tutuusin ay hindi naman na namin kailangan pang alalahanin si Kaizer dahil kaya naman niyang protektahan ang sarili niya. Ang cool kaya ng kapangyarihan niya. Walang laban sa kaniya ang kahit sino maliban sa ‘kin.
Isang itim na lace-up boots‚ itim na skinny jeans at kulay gintong ribbed sando ang suot ko na ni-tuck in ko sa suot kong jeans at pinatungan ko ng itim na leather jacket. Ang buhok ko naman ay ipinusod ko para hindi ito maging abala.
Magmula nang sumapit ang ikalabing-walong kaarawan ko ay nahilig na ako sa kulay ginto. Kung bakit? Hindi ko rin alam.
Sinipat ko pa muna ang ayos ko sa harap ng malaking salamin malapit sa pinto ng aking silid bago ko napagpasyahang lumabas na ng silid para hanapin ang dalawa kong instant bodyguard. Ngunit hindi ko na nagawa pa ang plano kong hanapin sina Kaizer at Ali nang makasalubong ko si Kaiden sa hallway at harangin niya ako.
“Can we talk?” walang emosyong tanong ni Kaiden na ikinabigla ko dahil magmula nang may magpanggap na ako ay ito ang unang beses na lumapit siya sa akin at kinausap niya ako.
“Sure‚” tipid kong sagot nang makabawi ako mula sa pagkabigla.
Agad akong tinalikuran ni Kaiden at nagsimula na siyang maglakad paalis. Ako naman ay tahimik na lamang siyang sinundan kung saan man niya balak pumunta.
Sa pagsunod ko kay Kaiden ay napadpad kami sa balkonahe na nasa gilid na bahagi ng palasyo kung saan tanaw mula sa aming kinatatayuan ang malawak na kagubatan ilang kilometro ang layo mula sa palasyo.
Nang hindi magsalita si Kaiden agad at tahimik lamang niyang ipatong sa dalaydayan ng balkonahe ang magkabila niyang kamay habang malayo ang tingin niya ay nakakrus ang brasong naglakad ako palapit sa tabi niya at seryoso ko siyang tiningnan.
“What is this all about?” tanong ko sa seryosong boses para masabi na niya ang gusto niyang sabihin.
Agad namang napahugot ng malalim na hininga si Kaiden bago niya sinalubong ang tingin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/130714319-288-k387130.jpg)
BINABASA MO ANG
The Prophecy
FantasyIsang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan. Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang k...