KAIDEN’S POV
Nang sandaling sabihin ni Vera na nasa Healing Room si Thea ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na akong nag-teleport sa mismong tapat ng pinto nito. Ngunit nang bubuksan ko na sana ang pintong nasa harap ko ay may bigla akong narinig na boses mula sa loob na awtomatikong nagpatigil sa ‘kin.
“Thea‚ handa na ako. Handa na akong sumugal. Handa na akong ipaglaban ang nilalaman ng puso ko anuman ang kahinatnan nito. Wala akong pakialam kung hindi mo man magawang suklian ang pagmamahal ko. Ang mahalaga sa akin ay ang maipadama ko sa ‘yo ang pagmamahal ko dahil simula pagkabata hanggang ngayon ay ikaw lang ang laman ng puso ko at hindi na ako papayag na tingnan ka lang mula sa malayo. Hindi ko na hahayaan pang muli kang mawala sa paningin ko. Mahal na mahal kita‚ Kiana‚ at handa akong gawin ang lahat para maprotektahan ka mula sa mga nagtatangka sa buhay mo. Mahal na mahal kita‚ mula noon hanggang ngayon‚” wika ng isang boses na pamilyar na pamilyar sa ‘kin.
Kahit hindi ko pa nabubuksan ang pinto ay agad ko nang natukoy na si Ali ang narinig kong nagsalita. Kaya naman ay marahas kong ibinukas ang pintong nasa harapan ko at agad na nagtagis ang bagang ko nang makita ko kung paanong lumapat ang labi ni Ali sa labi ng natutulog na si Thea. Mariin ko ring naikuyom ang kamao ko at bago pa man mabaling sa akin ang tingin ni Ali ay bigla ko na lamang siyang sinugod para marahas siyang ilayo kay Thea sa pamamagitan ng paghigit ko sa kaniya sa kuwelyo ng damit niya saka basta ko na lamang siyang itinulak sa pader habang hawak ko pa rin siya sa kuwelyo.
“You‚ ass*ole! How dare you kiss her! She’s mine and no one has the right to kiss her other than me!” nagngangalit kong singhal kay Ali at mas idiniin ko pa ang hawak ko sa kuwelyo ng damit niya para masakal siya at mahirapan siyang huminga.
Mas lalo namang nag-apoy ang galit ko nang tawanan lamang ni Ali ang sinabi ko.
“Sa pagkakaalala ko ay kahit kailan hindi mo siya naging pag-aari‚” mapang-asar na tugon ni Ali na nagpakulo ng lahat ng dugo ko sa katawan.
Muli ko sanang sisinghalan si Ali ngunit naunahan na niya akong magsalita.
“Alam mo‚ dati pa akong nagtitimpi sa ‘yo. Mula pa noon ay sagabal ka na talaga sa landas ko. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako nagkaroon ng pagkakataong magpakilala sa kaniya at kung bakit hanggang tingin lang ako noon sa kaniya. Dahil kung bakuran mo siya‚ daig mo pa ang aso niya‚” nang-iinsultong dagdag ni Ali na tuluyan nang umubos ng pasensya ko at nagpapula ng mga mata ko.
“Bawiin mo ang sinabi mo kung ayaw mong basagin ko ‘yang pagmumukha mo!” galit kong sigaw kay Ali kasabay ng paghigpit ng pagkakahawak ko sa kuwelyo ng damit niya.
Kahit pa halos sakalin ko na si Ali sa higpit ng hawak ko sa kuwelyo ng damit niya ay nagawa pa rin niya akong ngisihan na para bang hindi niya sineseryoso ang banta ko.
“Wala akong dapat na bawiin dahil totoo lahat ng sinabi ko. Kaya ka nga nawala sa mahabang panahon para sundan si Kiana sa mundo ng mga tao‚ hindi ba? At kaya mo rin siya pinatuloy sa palasyo ninyo ay dahil gusto mo siyang bakuran katulad ng ginawa mo noon‚” nakangising tugon ni Ali at nanghahamon niya akong tiningnan.
Hindi naman agad ako nakasagot dahil sa tanong ni Ali na hindi ko inaasahan. Nang makabawi ako sa pagkabigla ko ay pinaningkitan ko siya ng mata upang basahin ang ekspresyon ng mukha niya nang sa gayon ay malaman ko kung hanggang saan na ang alam niya.
Mapanganib para kay Thea kung maraming makakaalam ng tungkol sa katotohanang buhay pa si Kiana at sa posibilidad na siya si Kiana. Maaari kasi itong maging dahilan upang dukutin siya ng mga kaaway o para lapitan siya ng mga nagpapanggap na kakampi. Kaya hangga’t maaari ay dapat na manatiling patay si Kiana sa isipan ng lahat.
BINABASA MO ANG
The Prophecy
FantasyIsang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan. Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang k...
