ALTHEA’S POV
Malamig at sariwang hangin ang sumalubong sa amin ni Jane pagkarating namin sa hardin. Maggagabi na kasi nagsidatingan ang mga pinatawag ko kaya gabi na nang matapos ang pagpupulong.
Dahil sa magandang naging takbo ng aming pagpupulong ay may ngiti sa labi ko nang lumabas kami ng palasyo. Sino ba naman kasing hindi matutuwa kung natupad ko na ang pangako ko kay Kaizer. Idagdag mo pang mukhang nauunawaan ng lahat kung bakit namin itinago si Kaizer sa loob ng mahabang panahon. Ngunit kahit na ganoon ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala at mabahala dahil aminin man ng mga kasama ko sa pagpupulong o hindi ay alam kong may pag-aagam-agam pa rin sila dahil sa mata ng lahat ay sumpa ang pagkakaroon ng kambal. Kaya sana talaga ay maalis na sa isipan nila na sumpa ang pagkakaroon ng kambal para maging maayos na ang lahat.
I only want a normal life for my twin brother. Gusto ko ring tanggapin na ng lahat si Kaizer at ang katotohanang kakambal ko siya para masawi man ako sa labanan ay aalis ako nang masaya at walang inaalala.
Oo‚ handa na ako sa anumang kahihinatnan ng magaganap na digmaan at handa akong magbuwis ng buhay matiyak ko lamang ang aming tagumpay. At kahit mawala nga ako kahit pa sandali ko pa lang na nakakasama ang tunay kong pamilya ay ayos lang sa akin dahil sapat na sa akin na masiguro kong mamumuhay na nang malaya ang kakambal ko. Sapat na sa akin na alam ko sa sarili ko na magagawa nang mapuntahan ni Kaizer ang lahat ng gusto niyang puntahan na hindi niya napuntahan noon at magagawa na niya ang mga bagay na hindi niya nagawa noon. Tapos hindi lang ‘yon. Kasama na ulit nina mommy ang anak nilang si Agua na matagal na nawalay sa kanila kaya panatag na ang kalooban ko kahit pa mawala ako. Kasi kahit naman mawala ako ay nariyan si Kaizer para punuan ang puwang na maiiwan ko sa pamilya namin at upang akuin ang responsibilidad ko sa aming kaharian. Nariyan din si Agua para hindi maramdaman nina mommy ang absence ko. Sa madaling salita‚ ayos lang na mawala ako dahil maayos naman na ang lahat at masaya na ang mga iiwan ko.
Muli na lamang akong napangiti sa mga naiisip ko. Ngunit agad na nabura ang ngiti ko at dali-dali akong napalingon sa katabi kong si Jane nang maalala ko ang dahilan ng pagpunta namin ng hardin.
Sa paglingon ko sa direksyon ni Jane ay nahuli ko siyang titig na titig sa akin habang may tipid na ngiting nakapinta sa mga labi niya. At dahil nga nakatitig siya sa akin ay agad na nagtagpo ang aming tingin.
“Jane‚ may sasabihin ka‚ hindi ba?” tanong ko kay Jane dahil mukhang maging siya ay nakalimot na rin kung bakit kami nasa hardin kahit madilim na.
Agad namang napaiwas ng tingin si Jane nang tila maalala niya ang dahilan ng pagpunta namin sa hardin saka napahugot siya ng malalim na hininga bago siya natatarantang lumingon ulit sa ‘kin.
“Gwyn‚ I-I just want to apologize about what I’ve been doing these past few days. Alam kong nasaktan kita sa pambabalewala ko sa ‘yo at naiparamdam ko rin sa ‘yong hindi ka mahalaga sa ‘kin. Pero lahat ng ‘yon ay nagawa ko lang para mailayo ka namin kay Agua. Inisip kasi naming ikaw ang talagang pakay niya kaya inilayo ka namin sa kaniya sa ganoong paraan. At ang paglapit namin kay Agua ay paraan lang namin para mabantayan namin ang lahat ng kilos niya. Kaya patawarin mo sana ako kung nagawa kitang balewalain. Kinailangan ko lang talagang gawin ‘yon para mapaniwala namin ang impostor mo na nasa panig niya kami... Again‚ I’m sorry... I’m really... really... really sorry‚ Gwyn... Sana mapatawad mo ‘ko...” paulit-ulit na paghingi ng tawad ni Jane na hindi na alam ang gagawin—kung hahawak ba siya sa kamay ko o sarili niyang kamay ang hahawakan niya.
Habang panay ang paghingi ni Jane ng tawad ay mariin ko nang kinakagat ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong matawa sa haba ng sinabi niya at sa pagkataranta niyang magpaliwanag. Hindi kasi ako pupuwedeng tumawa agad dahil kapag ginawa ko ‘yon ay masasayang lang ang pang-best actress niyang drama. E ayaw pa naman niyang tinatawanan siya kapag ganitong seryoso siya at hindi mapakali.
BINABASA MO ANG
The Prophecy
FantasyIsang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan. Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang k...
