ALTHEA’S POV
Saglit lang ang naging pahinga ko dahil may agad na pumanhik sa silid na isang tagapagsilbi para ipaalam sa akin na magsisimula na ang pagsasanay namin ni Kaleb.
Hindi naman na ako nagulat pa na malamang maaga kaming magsisimula dahil dalawang charm ko ang sasanayin namin ni Kaleb at hindi biro ‘yon. Kaya paniguradong aabutin pa kami hanggang bukas at hindi magiging sapat ang dalawang araw kung hindi agad kami magsisimula sa pagsasanay.
Sinabihan ko na lang ang tagapagsilbi na susunod na lang ako pagkatapos kong magbihis para hindi na ito maghintay pa at para hindi maantala ang kung anumang gawain niya sa palasyo dahil lang sa paghihintay sa ‘kin. Hindi naman na ito nagpumilit pang manatili sa silid. Agad na rin itong nagpaalam at umalis kaya agad na rin akong kumilos upang magpalit ng damit.
Madali lang naman akong natapos sa pagpapalit at pagtali ng buhok ko kung kaya hindi na rin ako nagtagal pa sa silid. Agad na akong lumabas ng silid at dumiretso ako sa labas ng palasyo na madali ko namang natunton dahil natandaan ko naman ang dinaanan namin kanina patungo sa silid na inookupa ko.
Pagkalabas ko ng palasyo ay may sumalubong sa aking kawal na naghatid sa akin patungo sa hardin kung saan tahimik na nag-aabang si Kaleb sa pagdating ko.
“Handa ka na ba?” agad na tanong sa akin ni Kaleb nang tumigil ako sa harap niya.
Bahagya akong tumango bilang tugon sa tanong ni Kaleb. At dahil sa naging tugon kong ito ay hindi na nagsayang pa ng oras si Kaleb. Agad na niya akong niyaya patungo sa magubat na parte ng kanilang kahiran kung saan kami magsasanay.
“Magsisimula tayo sa pagpapagalaw ng mga halaman sa paligid at sunod nito ay ang pagpapalabas o pag-summon ng mga halaman gamit lamang ang kapangyarihan mo‚” wika ni Kaleb sa seryosong boses‚ malayong-malayo sa playful personality niya.
Hindi na hinintay pa ni Kaleb ang tugon o reaksyon ko sa sinabi niya. Mabilis niyang itinapat ang kanang kamay niya sa punong nasa harapan namin na may napakaraming baging na nakalaylay.
Makalipas ang ilang segundo ay bigla na lamang naglabas ng kakaibang liwanag ang kamay ni Kaleb na nakatapat sa puno at kasunod nito’y tila may sariling isip na gumalaw ang mga baging. Maging ang malaking puno na pinagkakabitan ng mga ito ay nagawa niyang pagalawin na para bang sumasayaw ito sa saliw ng musika na siyang labis kong ikinamangha at ikinatuwa.
“Ngayon‚ ikaw naman‚” pagbaling sa akin ni Kaleb matapos niyang pagalawin ang mga baging na ikinagulat ko.
Nang makabawi ako mula sa pagkabigla ko ay malalim akong napabuntong-hininga para palakasin ang loob ko. Aaminin kong sa kabila ng mga pambihirang bagay na nagawa ko ay hindi pa rin ako confident na kaya ko ngang gawin lahat. Sino ba naman kasi ako? Isa lang naman akong mortal—okay... Scratch that. Hindi pa nga pala ako sigurado sa bagay na ‘yan. I still have a long way to go before I can assure that.
Nang makaipon na ako ng sapat na lakas ng loob na subukan ang isang bagay na hindi ko pa kailanman nagagawa ay dahan-dahan kong itinaas ang kanang kamay ko at nag-aalangan ko itong itinapat sa puno kasabay ng marahan kong pagpikit para mas magawa kong makapag-concentrate.
Habang nakapikit ako ay pinilit kong huwag mag-isip ng kahit ano at pinilit kong ituon ang buo kong atensyon sa pakikiramdam sa paligid. Ilang saglit nga lang ay may naramdaman na akong kakaibang enerhiya sa loob-loob ko. At sa pag-asang senyales ito na nagtagumpay ako ay marahan kong iminulat ang mga mata ko.
Sa pagmulat ko ay agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita kong nagliliwanag na ang kamay ko tulad ng kung paanong nagliwanag ang kamay ni Kaleb kanina. At para tiyaking nagtagumpay nga ako ay sinubukan kong ikumpas ang kamay ko para mapagalaw ang mga baging at ganoon na lamang ang tuwa ko nang magawa ko nga itong pagalawin nang walang kahirap-hirap. Ngunit agad ding nawala na parang bula ang tuwa kong iyon nang bigla akong mawalan ng kontrol sa mga baging‚ dahilan para hindi ko na ito mapagalaw pa.
BINABASA MO ANG
The Prophecy
FantasíaIsang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan. Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang k...
