THIRD PERSON’S POV
Magdadalawang oras nang natutulog si Thea samantalang ang kakambal niyang si Kaizer ay nagkamalay na at maayos na ang lagay.
Lahat ng royalties‚ mga kasapi ng konseho‚ mga fairy at diwata na kasama sa naganap na laban‚ mga kaibigan at pamilya ni Thea ay nasa loob ng kaniyang silid at hinihintay na magising siya. Kinakabahan ang mga ito habang naghihintay dahil mukhang masama ang naging epekto sa kaniya ng labis na paggamit niya ng kaniyang kapangyarihan samantalang si Kaizer ay hindi gaanong napuruhan dahil prinotektahan ito ng kapangyarihan niya.
“Hmmm...” ungol ni Thea na nakaagaw ng atensyon ng lahat ng nasa silid.
Dali-daling nagsilapitan ang lahat sa kamang kinahihigaan ni Thea nang marinig nila itong bahagyang umungol. At agad silang lahat nakahinga nang maluwag nang dahan-dahang imulat ni Thea ang mga mata niya.
Nang maimulat ni Thea ang mga mata niya ay nahirapan pa siyang maaninag ang mga nakapaligid sa kaniya noong una dahil nag-a-adjust pa ang paningin niya. Ngunit kalaunan ay naging maayos na ang paningin niya kaya dali-dali niyang inilibot ang tingin niya sa paligid.
“Anong nangyari? Bakit nandito kayong lahat?” nagtatakang tanong ni Thea sa lahat ng nasa silid.
“Nawalan kayo ng malay ni Kaizer sa gitna ng labanan‚” sagot ni Kaiden na awtomatikong nagpakilos kay Thea paupo sa kama.
“Si Kai‚ ayos lang ba siya?” nag-aalalang tanong ni Thea.
Agad namang tumabi sina Flor na nasa gilid ng kama at mga nakaharang kay Kaizer upang makita ni Thea ang kakambal niya na natatakpan nila. At nang makatabi sina Flor ay agad na naglakad si Kaizer palapit sa kama upang lapitan ang kaniyang kakambal na nakatingin na sa kaniya.
“Ayos lang ako‚ Yana. Ang sarili mo dapat ang iniisip mo‚ hindi ako. Magdadalawang oras ka nang tulog‚” pagbibigay-alam ni Kaizer sa kaniyang kakambal dahil mukhang hindi nito alam kung gaano ito katagal natulog.
“Teka... Si Ate Mathilde‚ nasaan?” muling tanong ni Thea na wala ng ibang inisip kundi ang iba gayong siya itong dapat na inaalala dahil kagigising lamang niya matapos niyang mawalan ng malay.
“Nagpapahinga siya sa isa sa mga silid dito sa palasyo kasama sina tita at tito. At wala ka nang dapat pang ipag-alala dahil ligtas na siya at malaya na siya mula sa kasamaan‚” nakangiting sagot ni Jane na nasa kanan ni Thea at katapat ni Kaizer.
“Ano bang nangyari bago ako mawalan ng malay? May nakita ba kayong puting liwanag na lumabas sa katawan ni Mathilde?” sunod-sunod na tanong ni Thea nang bigla niyang maalala ang bagay na nasaksihan niya bago siya mawalan ng malay.
Bigla namang nagkatinginan sina Kaiden‚ Jane at Kaleb at bigla na lamang kumunot ang kanilang mga noo at nagsalubong ang kanilang mga kilay nang pare-pareho silang walang maisagot kay Thea. At dahil wala silang maisagot ay ibinaling nila ang kanilang tingin kay Kaizer na kasama rin nila noong mga oras na iyon. Ngunit katulad nila ay wala rin itong maisagot at nagkibit-balikat lamang ito.
“Anong puting liwanag? Wala naman kaming nakita‚” naguguluhang sagot ni Kaleb kay Thea nang matiyak niyang wala ni isa man sa kanilang apat ang nakakita ng puting liwanag na sinasabi ni Thea.
“Saka bakit naman puting liwanag ang lalabas sa katawan ng babaeng ‘yon? Hindi ba dapat itim na kaluluwa?” natatawang tanong ni Luca kay Thea.
“Baka naman nagdedeliryo ka lang dahil sa sobrang panghihina mo kanina‚” nag-aalala namang wika ni Vera.
“Hindi. Hindi ako nagdedeliryo o ano pa man. Sigurado ako sa nakita ko at kung hindi ako nagkakamali ay nakita ko rin itong nag-anyong tao bago ako mawalan ng malay‚” mariing pahayag ni Thea sa mga nakita niya bago siya mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Prophecy
FantasyIsang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan. Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang k...
