ALTHEA’S POV
Nang sandaling makalabas kami ng lagusan ay agad akong nag-teleport kasama sina Ali at Luna patungo sa bahay. At gamit ang kapangyarihan ko ay madali kaming nakarating sa mismong tapat ng aming bahay na tulala ko na lamang na tinitigan dahil sa mga alaalang biglang nanariwa sa aking isipan.
Kung titingnan ang bahay na nasa aming harapan ay sobrang ayos ng itsura nito at maraming naggagandahang halaman ang nakatanim sa hardin. Sa unang tingin ay parang wala itong pinagbago at mukhang alagang-alaga pa rin ito na tila ba hindi ito sinalakay ng mga lalaking nakaitim‚ bagay na nagpalakas lalo ng paniniwala kong buhay ang mga magulang ko. Sila lang naman kasi ang kilala at alam kong pupuwedeng magpanatili ng kalinisan at kagandahan ng bahay lalong-lalo na ng hardin.
“Thea‚ hindi ka pa ba papasok?” tanong ni Ali na nakapukaw ng atensyon ko.
Dahil sa tanong ni Ali ay bigla akong natauhan at doon ko lamang napagtantong kanina ko pa pala pinagmamasdan ang bahay na nasa aming harapan na malaking parte ng buhay ko.
“Tayo na sa loob‚” yaya ko kina Ali at nauna na akong naglakad papasok ng bahay habang tahimik namang sumunod sa akin sina Ali at Luna.
“Mom? Dad?” agad kong tawag kina mommy at daddy kahit na hindi pa kami tuluyang nakakapasok ng bahay.
“Mom? Dad? Are you there?” paulit-ulit kong tawag kina mommy’t daddy habang papasok kami ng bahay.
Hindi ako tumigil sa katatawag kina mommy hanggang sa makapasok kami ng bahay na kinailangan pa naming gamitan ng kapangyarihan para lamang mabuksan. At nang sa wakas ay makapasok na nga kami ng kabahayan ay una kong pinuntahan ang kusina. Ngunit hindi ko sila nakita sa kusina. Kaya naman ay agad akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at isa-isa kong sinuyod ang lahat ng kwarto maging ang mga banyo sa bawat kwarto. Pero hindi ko pa rin nakita ni anino nila. Kaya naman ay nanlulumo akong bumaba at bagsak ang balikat na naupo ako sa pang-isahang sopa sa sala kung saan naabutan ko sina Luna at Ali na magkatabing nakaupo sa three-seater na sofa.
“Ano? Nakita mo ba sila?” pambungad na tanong sa akin ni Luna matapos kong pabagsak na maupo sa sopa.
Naluluha na lamang akong napailing bilang tugon sa tanong ni Luna.
Dali-dali namang lumapit si Ali sa akin at nang makalapit siya sa ‘kin ay maingat siyang naupo sa armrest ng sofa na kinauupuan ko at patagilid niya akong niyakap upang aluin.
“Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Makikita mo rin sila‚” wika ni Ali sa nang-aalong boses habang yakap-yakap pa rin niya ako.
Dahil sa nang-aalong boses ni Ali at dahil sa init ng yakap niya ay bigla na lamang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo. At kasabay ng pagtulo ng luha ko ay napapihit na lamang ako paharap kay Ali at walang sabi-sabi ko siyang niyakap para ilabas sa kaniya lahat ng frustrations ko.
“Bakit gano’n? Sigurado naman ako sa narinig ko... Sigurado akong boses nila ang narinig ko... Pero bakit wala sila rito? Bakit hindi ko sila makita?” humihikbing tanong ko kay Ali.
Sa gitna ng pag-iyak ko habang nakayakap pa rin ako kay Ali ay bigla kong naramdaman ang marahang paghagod ni Luna sa aking likod.
“Thea‚ huwag kang mawawalan ng pag-asa. Makikita mo rin sila at muli kayong magkakasama. Tatagan mo lang ang loob mo. Muli ring mabubuo ang pamilya ninyo‚” pagpapalakas ni Luna ng loob ko na kahit papaano ay nakabawas sa frustrations na nararamdaman ko at muling nagpaapoy ng pag-asa sa puso ko.
“Sana nga. Sana nga makita’t makasama ko na sila ulit... I miss them so much...” lumuluha pa ring sambit ko.
“Thea‚ anak?” sambit ng kung sino mula sa aking likuran na biglang nagpaurong ng mga luha ko at nagpabilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
The Prophecy
ФентезіIsang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan. Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang k...
