KAIDEN’S POV
Hindi ako tao at hindi ako nabibilang sa daigdig na ngayon ay kinaroroonan ko. Isa akong royal blood charmer. My charms are fire and ice that can produce water if you combine it together. I’m the prince of the Sapience Kingdom. Kilala ang aming kaharian at angkan sa mga taktika. Wala pa kaming laban o digmaan na hindi naipanalo dahil sa husay naming gumawa ng taktika.
I’m here in the mortal world because of an important mission. Isang misyon na ako at ang pamilya ko lang ang may alam at iyon ay ang hanapin ang kauri ko na magsasampung taon nang naninirahan sa mundong ito. Dinala siya rito ng isang tagapagsilbi ng Ardor Kingdom nang mangyari ang digmaan mahigit siyam na taon na ang nakararaan. I followed that servant but unfortunately‚ I got lost because that was my first time to be in this world.
Hindi ko alam kung saan siya dinala ng tagapagsilbi ng palasyo. That’s why until now‚ I’m still searching for her so that we can go back to the world where she really belong. The world that is destined to be ruled by her in the future. The world where magic exist—the Fantasia.
Makalipas ang ilang taon kong paghahanap sa kaniya‚ sa tingin ko ay nahanap ko na siya. Iyon nga lang ay hindi pa ako nakakatiyak dahil matagal na iyong huli naming pagkikita at masyado pa kaming bata noong mga panahong iyon. Hindi ko na gaanong maalala ang maamo niyang mukha at tiyak kong malaki na ang ipinagbago niya kaya hindi ko matukoy kung ang babae bang nasa aking harapan at ang babaeng hinahanap ko ay iisa.
Sa kagustuhan kong mabigyan ng kasagutan ang katanungang gumugulo sa aking isipan ay hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang gurong kasalukuyang nagsasalita sa harapan. Mas minabuti kong ituon ang atensyon ko sa babaeng aking katabi na abala sa pakikinig sa talakayan. At base sa ikinikilos niya ay mukhang hindi niya napapansin ang pagtitig na ginagawa ko at wala siyang kamalay-malay na may mga matang nakamasid sa kaniya.
Hindi ko matukoy kung anong mayroon sa kaniya pero may naramdaman akong kakaiba sa kaniya nang sandaling matuon sa kaniya ang paningin ko. At sa kailaliman ng puso ko ay may naramdaman din akong kakaiba na tila ba kilalang-kilala ko siya at nakasama ko na siya sa loob ng mahabang panahon. Mayroon din akong napapansin at nararamdamang kakaiba sa kaniya. I can’t even read her mind. May kung ano sa utak niya na humaharang at pumipigil sa akin na basahin ang laman ng isip niya.
Sa tagal ko nang naninirahan sa mundong ito ay wala pa akong nakilalang tao na may kakayahang pigilan akong basahin ang kanilang isip. That’s because we have easy access on it. Ang tanging may kakahayahan lang na pigilan at hadlangan kaming mapasok ang isipan nila ay iyong mga malalakas na charmer na kayang labanan ang kapangyarihan at kakayahan namin. Kaya mas lalo lang tuloy lumalalim ang pagdududa ko na siya nga ang matagal ko nang hinahanap. Dahil kung isa lang siyang ordinaryong tao ay makakaya kong basahin ang isipan niya.
‘Sino ka bang talaga? Ikaw ba ang hinahanap ko?’ naitanong ko na lamang sa aking sarili habang pinagmamasdan ko ang babaeng katabi ko.
Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa magulo niyang buhok na tumatabing sa kaniyang mukha at dahil sa salamin niyang napakakapal at napakalapad.
‘Alam kong may inililihim ka at aalamin ko kung ano man iyon‚’ I thought to myself.
Hindi ako babalik sa mundo namin hangga’t hindi ko siya kasama. Hindi ko hahayaang mauwi sa wala ang matagal na panahon kong paghahanap sa kaniya.
Ngayong nahanap ko na siya‚ hindi ko na hahayaan pang muli siyang mawala. Gagawin ko ang lahat para pangalagaan siya kahit pa buhay ko ang maging kapalit.
Natapos ang aming klase na wala akong natutunan. Hindi ko kasi nilubayan ng tingin ang katabi ko. At dahil nakatitig nga ako sa kaniya ay hindi nakatakas sa aking paningin ang biglaan niyang pagtayo.
BINABASA MO ANG
The Prophecy
FantasiIsang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan. Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang k...