SOMEONE’S POV
“Anong ginagawa ninyo rito? Hindi ba’t sinabi ko sa inyo na huwag kayong babalik hangga’t wala kayong dalang magandang balita!” bulyaw ko sa aking mga alagad ngunit sa kabila ng aking galit at sa kabila ng kagustuhan kong parusahan ang aking mga alagad ay pinilit ko pa ring pakalmahin ang aking sarili. Hindi ko maaaring pairalin ang aking galit dahil kapag nagkataon ay siguradong magkakagulo sa buong kastilyo.
“Wala na po sa mundo ng mga tao ang prinsesa‚ mahal na hari. Narito na po siya sa ating mundo‚” nakayukong sagot ng kanang-kamay ko na si Ulises na siyang inatasan ko upang hanapin ang prinsesa at siya ring nakatalagang magsanay ng mga kawal. Ngunit dahil masyado siyang naging abala sa paghahanap sa prinsesa nitong mga nakaraang araw ay ipinasa ko na kay Jayda ang pagsasanay sa mga kawal.
Hindi ko naman maiwasan ang mas lalong sumidhi ang aking galit dahil sa aking narinig. Hindi ko maiwasan ang isipin na pinaglalaruan lamang ako ni Ulises at hindi totoo ang kaniyang mga tinuran. Imposible kasing makarating sa aming mundo ang prinsesa gayong wala pa itong kapangyarihan at wala pa itong nalalaman tungkol sa mundong kaniyang pinagmulan. Walang ibang daan patungo rito. Tanging ang lagusan lang na matatagpuan sa gitna ng gubat ang nagsisilbing daan palabas at papasok ng aming mundo. At imposibleng malaman ng prinsesa ang tungkol dito dahil lumaki siya sa paniniwalang isa siyang mortal.
“At paano ka nakatitiyak na tunay ang iyong mga winika?” tanong ko sa malamig na boses habang pilit ko pa ring kinakalma ang aking sarili upang hindi ko masaktan ang aking kaharap.
Ginawa kong malamig ang paraan ng aking pananalita para kung sakali mang nagsisinungaling nga si Ulises ay matakot siya at umamin na ngayon pa lang bago pa ako mawala sa aking sarili at makagawa ako ng hindi maganda sa kaniya. Ang pinakaayoko sa lahat ay iyong mga taksil at sinungaling. Kaya hindi ko mapapalampas kung sakali mang mapatunayan kong nagsisinungaling siya.
“Nakita po ng isa sa mga kawal natin ang prinsesa na pumasok ng lagusan kasama ang prinsipe ng Sapience Kingdom‚” nakayuko pa ring sambit ni Ulises.
Sumilay ang makahulugang ngisi sa aking labi dahil sa tinuran ni Ulises.
‘Magkasama na pala kayo at hanggang ngayon ay nagpapakabayani ka pa rin pala sa kaniya. Huwag kayong mag-alala dahil malapit na tayong magkaharap-harap at sisiguraduhin ko na kapag dumating ang araw na ‘yon ay makakamtan ko na ang kapangyarihang matagal ko nang hinahangad‚’ sambit ko sa aking isipan habang hindi pa rin mawala-wala ang aking ngisi.
Ngayong nandito na ang prinsesa ay mas mapapadali na ang pagkuha ko sa kaniya. Maaari ko na siyang makuha kailan ko man naisin. Pero sa ngayon ay hahayaan ko muna siyang namnamin niya ang mga panahong magkasama pa sila ng kaniyang prinsipe.
Sa takdang panahon ay maisasakatuparan ko rin ang plano ko. Ang kailangan ko lamang ay maghintay at bantayan ang bawat kilos ng aking mga kaaway upang mapigilan ko sila kung sakali mang gumawa sila ng kahit anong hakbang na makakasagabal sa mga binabalak ko.
“Kung ganoon ay may ipag-uutos ako sa ‘yo‚” nakangising saad ko habang malayo pa rin ang aking tanaw.
Muli kong ibinaling sa aking kanang-kamay ang aking tingin at naging hudyat iyon upang agad siyang mag-angat ng tingin.
Kahit nakatakip sa mga mata ko ang isang talukbong at hindi ko makita ang aking kaharap ay alam kong nakakunot na ang kaniyang noo sa mga oras na ito dahil sa kaniyang pagtataka dahil sa biglaang paghupa ng aking galit. Bukod pa rito ay bibigyan ko pa siya ng panibagong misyon gayong bigo siya sa kaniyang unang misyon na tunay namang nakapagtataka dahil hindi ako ang tipo ng hari na nagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga alagad kong walang ibang ginawa kundi ang biguin ako.
BINABASA MO ANG
The Prophecy
FantasyIsang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan. Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang k...
