CHAPTER 7: A TASTE OF HER RAGE

3.9K 113 22
                                    

ALTHEA’S POV

Nagising ako na mugto ang mga mata ko. Hindi ko na lamang ito pinansin at agad na akong pumunta ng banyo para maligo.

Matapos maligo ay tinatamad akong nagbihis at naghanda para pumasok. At nang makapagbihis at makapag-ayos na ako ng sarili ay agad na rin akong bumaba para magpaalam kina mommy.

Habang pababa ako ng hadgan ay nakita ko sina mommy at daddy na nag-uusap sa sala. Mukhang masyadong seryoso ang pinag-uusapan nila dahil hindi man lang nila napansin ang presensya ko.

“Hubby‚ panahon na siguro para malaman niya ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao niya‚” wika ni mommy kay daddy sa mahinang boses na ewan kung paano ko nagagawang marinig nang malinaw.

“Hindi na niya kailangan pang malaman ang tungkol sa bagay na ‘yon. Baka lumayo lang ang loob niya sa atin‚” may bahid ng pinaghalong lungkot at takot na sabi ni daddy.

Ito ang unang beses na nakita ko si daddy na balisa at puno ng pangamba. Sinong tinutukoy nila sa kanilang usapan? Saka anong tungkol sa totoong pagkatao niya? Hindi ko maintindihan.

“Pero may karapatan siyang malaman ang katotohanang—”

Hindi na naituloy pa ni mommy ang sana’y sasabihin niya nang biglang magsalita si daddy.

“Princess‚ kanina ka pa ba riyan?” gulat na gulat na tanong ni daddy na bakas sa mukha ang takot sa hindi ko malamang dahilan.

Hindi ko naman maiwasang mapaisip at magtaka sa naging reaksyon ni daddy pagkakita niya sa ‘kin. Bakit parang ayaw niyang marinig ko ang pinag-uusapan nila? May kinalaman ba ito sa ‘kin?

“Medyo‚” tipid kong sagot bago ako lumapit kina mommy at daddy para gawaran sila ng halik sa kanilang pisngi.

“Morning‚ mom. Morning‚ dad‚” matamlay kong bati kina mommy na may kasamang paghalik sa kanilang pisngi na nakasanayan ko nang gawin.

“Good morning‚ princess‚” nakangiting bati ni mommy pabalik habang si daddy naman ay tahimik lang na nakatingin sa ‘kin.

“Take your breakfast‚ princess‚” biglang pag-iiba ni mommy ng usapan.

“Sa school na lang po ako kakain‚ mom. Wala pa po akong gana‚” matamlay kong sagot.

“Okay‚ princess. Siguraduhin mo lang na mag-aagahan ka. Huwag kang magpapagutom‚” mahigpit na bilin ni mommy.

Ngumiti na lamang ako bilang sagot saka ako nagpaalam na aalis na.

Like what I promised to mom‚ I went straight to the cafeteria the moment I arrived at Eminent University to have my breakfast. Kahit wala akong ganang kumain ay pinilit ko pa ring kainin ang sandwich na inorder ko para tuparin ang pangako ko kay mommy dahil ayokong pinag-aalala sila. Alam ko rin namang may mga mata at tainga sila sa school kaya makararating sa kanila kapag hindi ako nag-agahan. At kapag nangyari ‘yon ay baka mapasugod pa sila sa university nang wala sa oras at ‘yon ang iniiwasan kong mangyari. Masyado na silang abala sa trabaho at ayoko nang dumagdag pa.

Tahimik lamang akong kumakain mag-isa sa cafeteria nang biglang may sumulpot sa harapan ko na dalawang bruha. I’m referring to Kath and Kate‚ the identical twins na maging sa kaitiman ng budhi ay talagang walang pinagkaiba. Anak sila ng namamahala sa paaralang ito kaya malalakas ang loob nilang umastang reyna ng campus. They belong to the Arts & Design class.

“Oh. Wawa naman this girl. She’s forever alone‚” pagpaparinig ni Kath.

Hindi ko na lamang pinansin ang pagpaparinig ni Kath at nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Kabilang sila sa mga lumalabag sa rules sa school pero patago sila kung mam-bully. Takot kasing mahuli. Pasalamat na lang sila at ayoko ng gulo. Kung hindi ay baka kung saan pa mapunta ‘to.

The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon