CHAPTER 77: FACE OFF

1.5K 53 0
                                        

ALTHEA’S POV

Maagang nagsimula ang araw naming lahat lalo na ako dahil kinailangan ko nang ipadala ang invitation cards sa lahat ng imbitado. At gaya ng napag-usapan ay lahat ng sinabi kong kailangang dumalo sa pagdiriwang ay kasama sa mga imbitado. Yeah‚ we have already proceeded to the next step. And with this step‚ we are hundred percent sure that the enemies will fall into our trap especially the fake debutant.

Speaking of the fake debutant‚ hindi lang basta invitation ang ipinadala ko sa kaniya. May kasama itong liham na nagsasabing kailangan niyang pumunta dahil para sa kaniya ang pagdiriwang. At syempre‚ may signature ito ng sender which is si ate. May mga kadramahan ding pinaglalagay si ate sa liham. Kesyo na-miss niya na raw ito at ang pagdiriwang daw na magaganap ay tanda ng kaniyang malugod na pagtanggap dito and etcetera.

Ngayon pa lang ay nasisigurado ko nang pumapalakpak na ang tainga ng impostor ko dahil sagot din namin ang gown na susuutin niya para wala talaga siyang rason na humindi. Tsk! Sayang lang ang gown niya dahil matatalbugan ko rin naman ‘yon. As if naman magpapatalo ako‚ e para nga sa akin ang pagdiriwang na magaganap. Ano siya‚ shunga? Pero kung tutuusin ay wala naman talagang magaganap na party. Sa halip kasi na party ay digmaan ang magaganap. Digmaan na titiyakin kong tatapos sa mga kalaban.

Dahil nga maagang nagsimula ang mga araw namin at naging abala rin kaming lahat ay tanging kami lang ni Ali ang sabay na pumasok ng akademya. Pero nagkasundo naman kaming lahat na sabay-sabay kaming kakain sa canteen pagsapit ng break time. Kaya naman ay kasalukuyan kaming naglalakad nina Ali‚ Luca at Nikolai patungong canteen habang nauna naman na sa amin doon sina Yael‚ Luna at Flor para hindi kami maunahan sa malaking mesa na siya ring inokupa namin kahapon. Sina Vera naman ay tahimik lang na nakasunod sa amin.

‘Bakit ba kayo sunod nang sunod?’ iritang tanong ko sa Trio gamit ang mind link naming pito habang diretso lang ang tingin ko sa daan.

‘Gusto lang namin masigurong hindi ka sasaktan ng impostor mo‚’ tugon ni Ember na ikinaikot ng mga mata ko.

‘Iyon nga ba ang dahilan o gusto lang ninyo siyang pagtripan?’ sarkastikong tanong ko dahil alam ko namang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nila ako nilulubayan ay dahil gigil na gigil silang pagtripan ang impostor ko.

‘Pwede rin‚’ pigil ang tawang sagot ni Vera na ikinapikit ko nang mariin nang ilang segundo.

‘Hindi mo naman kami masisisi. E sa nakakatuwa siyang pagtripan. Daig niya pa ang mangangain ng buhay‚’ natutuwa pang gatong ni Penelope sa sinabi ni Vera.

“Mga baliw talaga‚” naiiling na lang na sambit ko sa halip na makipagsagutan pa ako sa Trio.

“Hayaan mo na sila. Huwag mo na lang pansinin‚” bulong sa akin ni Ali na sinadya pang lumapit sa akin para hindi marinig ng Trio ang sinabi niya.

“Oo nga naman‚ Thea. Ikaw rin‚ baka masiraan ka ng bait‚” natatawang biro sa akin ni Luca na nasa kabilang gilid ni Ali.

“Naku! Nagsalita ang takas sa mental‚” pang-aasar ni Nikolai sa pinsan niya na naging dahilan para mabaling sa kaniya ang atensyon ni Luca. At dahil nasa kanan ko si Nikolai habang nasa kabilang dulo naman si Luca ay kinailangan pa ni Luca na maglakad patungo sa aming harapan para magkaharap sila ni Nikolai. At dahil sa ginawa niya ay awtomatikong napahinto kami sa aming paglalakad at ganoon din sina Vera na laging may isa hanggang dalawang metro ang layo sa amin.

“Insan‚ ano? Suntukan na lang tayo?” maangas na tanong ni Luca kay Nikolai habang nasa may bandang dibdib na niya ang mga nakakuyom niyang kamao na para bang handa siyang makipagsuntukan anumang oras.

The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon