CHAPTER 59: HER WRATH

1.5K 51 0
                                        

SOMEONE’S POV

Matapos kong malaman ang tungkol sa gaganaping pagdiriwang para sa ‘kin ay nagmadali akong magtungo sa kastilyo upang ihatid sa aking kapatid ang magandang balita. At sa pagdating ko ng kastilyo ay agad akong dumiretso sa trono para puntahan ang aking sadya.

“Kumusta‚ mahal kong kapatid?” agad kong salubong sa kinikilalang hari ng kastilyong aking itinuturing na tahanan.

“Anong ginagawa mo rito?” walang emosyong tanong ng aking kapatid na para bang hindi siya natuwa sa pagdalaw ko gayong matagal na akong hindi napapadalaw sa kastilyo dahil pinili kong mamuhay kasama ng mga ordinaryong charmer para maging mata at tainga ng kapatid ko.

“Hindi mo man lang ba ako sasalubungin ng isang mahigpit na yakap?” tanong ko at pilit ko pang pinalungkot ang mukha at boses ko para asarin ang kapatid kong masyadong seryoso sa buhay.

“Huwag mo akong dramahan kung ayaw mong tanggalan kita ng kapangyarihan‚” may pagbabantang wika ng kapatid ko.

Napailing-iling na lamang ako sa naging tugon ng kapatid ko. Tch! Hanggang ngayon pala ay wala pa ring ni katiting na pagmamahal para sa akin ang kapatid ko. Pero kahit na gano’n ang pakikitungo niya sa ‘kin at kahit na hindi naman kami magkadugo at hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay buong puso ko pa rin siyang itinuring na kapatid dahil sa inang nagpalaki at nag-aruga sa amin. Saka sila na lang ni ina ang mayroon ako kaya hindi ko nanaising mawala sa ‘kin ang sino man sa kanila.

“Tch! Minsan na nga lang akong dumalaw rito‚ ganiyan mo pa ako sasalubungin‚” kunwaring nagtatampong wika ko at pinalungkot ko pa ang mukha ko para panindigan ang pagdadrama ko.

“Tch!” Napipilitang tumayo ang kapatid ko at bumaba siya ng trono para lapitan ako. “Halika‚ mag-usap tayo‚” yaya niya sa ‘kin nang tumigil siya sa mismong harap ko.

Bago pa man ako makasagot ay nilampasan na ako ng kapatid ko at nagsimula na siyang maglakad palabas ng silid. Kaya naman ay wala na akong nagawa kundi sundan siya hanggang sa silid-aklatan.

Pagkarating namin ng silid-aklatan ay dumiretso siya sa sulok kung nasaan ang sala na may nakahanda nang alak at dalawang wine glass.

“Ano na ang balita sa pinagagawa ko sa ‘yo?” agad na pagbubukas ng usapan ng kapatid ko matapos niyang okupahin ang sopa na kasya ang tatlong katao saka siya nagsalin ng alak sa dalawang basong nakapatong sa mesa.

Inokupa ko na muna ang pang-isahang sopa na nasa kaliwa ng sopa na inuupuan ng aking kapatid bago ako sumagot.

“Tagumpay!” masiglang tugon ko saka maingat kong kinuha ang isa sa mga basong sinalinan ng kapatid ko ng alak. “Nakuha ko na ang loob nila. Paniwalang-paniwala silang ako nga ang prinsesa. Sa katunayan ay magdadaos pa sila ng isang pagdiriwang sa akademya para sa pagbabalik ko‚” nagmamalaking sagot ko at nakangisi kong ininom ang lamang alak ng basong hawak ko.

“Magaling kung gano’n‚” nakangising sambit ng kapatid ko at inisang lagok niya ang alak na isinalin niya sa basong para sa kaniya.

“Ikaw lang naman kasi itong walang tiwala sa ‘kin. Mas pinagkakatiwalaan mo pa iyong mga inutil mong kawal na hindi magawa nang maayos ang mga tungkulin nila‚” may bahid ng inis kong tugon nang bigla kong maalala ang kapalpakang pinaggagagawa ng mga pinakakatiwalaang kawal ng kapatid ko.

Lahat ng nangyayari sa kastilyo at lahat ng hakbang ng kapatid ko ay alam ko kahit pa minsan lang ako kung dumalaw. May mga mata at tainga kasi ako sa kastilyo kung kaya maging iyong mga kapalpakan ng mga kawal ng kapatid ko ay alam ko.

Sa halip na ipagtanggol ang sarili niya ay nagsalin lamang ng alak sa baso niya ang kapatid ko na para bang wala lang sa kaniya ang mga sinabi ko.

“Ano na ang balita sa prinsesa?” mayamaya’y tanong niya nang masalinan na niya ng alak ang basong ngayon ay hawak-hawak na niya sa kanang kamay.

The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon