CHAPTER 32: THE BOOK OF PROPHECY

2.6K 72 5
                                        

ALTHEA'S POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na makalipas ang ilang buwan ay magkikita at magkakasama ulit kami ni Jane‚ ang nag-iisang kaibigan ko na itinuturing ko na ring kapatid na siyang tanging nagtiyagang kausapin ako sa kabila ng pambabalewala ko sa kaniya noon.

Kahit papaano pala ay may naibunga ring mabuti ang pagkapadpad ko sa mundong ito na puno ng hiwaga dahil naliwanagan na ako sa totoong nangyari kay Jane kung bakit bigla na lang siyang nawala na parang bula. Pero ang nakapagtataka lang ay kung bakit hinanap ng Darkinians kay Jane ang prinsesang sinasabi nila gayong wala namang kinalaman at nalalaman sa mundo nila si Jane noong mga panahong 'yon dahil nga wala siyang matandaan sa nakaraan niya. At kung ang alam ng Darkinians ay ako ang prinsesang hinahanap nila‚ bakit dumaan pa sila kay Jane bago nila kami sinugod sa mansion?

Haist! Ewan. Ang gulo ng mga pangyayari. Hindi nagtutugma-tugma. Ni hindi ko nga rin alam kung bakit naisip ng Darkinians na isa akong prinsesa at kung paano nila nalaman kung saan ako nakatira.

Sa totoo lang ay napakaraming tanong ang naglalaro sa utak ko at lahat ng ito ay hindi ko magawang sagutin kahit anong pilit ko. Kahit pa halos pigain ko na ang utak ko ay wala talaga akong mahagilap na sagot. Kaya mas mabuti pa sigurong isantabi ko na lang muna ang mga tanong sa isipan ko. Kampante naman akong masasagot din lahat ng ito pagdating ng takdang panahon. Siguro ay hihintayin ko na lang na dumating ang araw na iyon kaysa pilitin ko pang intindihin ang mga bagay-bagay.

Sa ngayon ay nanamnamin ko na lang muna ang pinakamasayang araw ng buhay ko-ang araw ng pagkikita naming muli ni Jane.

"Thea‚ para kang timang diyan na ngumingiti mag-isa‚" natatawang pagpuna sa akin ni Luna na nakaupo na naman sa upuang nasa tabi ko sa halip na sa upuan niya.

"Masaya lang ako. Kaya huwag kang eepal at huwag mong sisirain ang mood ko kung ayaw mong gawin na naman kitang puppet‚" nakangiting tugon ko kay Luna na binuntutan ko pa ng pabirong banta para hindi siya magtangkang sirain ang napakagandang araw na ito.

Aaminin kong medyo late na ang reaksyon ko lalo pa't kahapon pa naman kami nagkita ni Jane. Pero ewan ko ba. Parang ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat at ngayon ko lang mas napagtantong totoo ang mga nangyari kahapon at hindi ito basta panaginip lang. Saka hindi ko rin naman magawang magsaya kahapon dahil masyado kaming naging emosyonal ni Jane at idagdag pang mas nangibabaw ang tampo ko sa kaniya kahapon dahil hindi ko pa alam ang mga nangyari at ang mga pinagdaanan niya.

"Thea‚ narinig mo na ba 'yong bali-balita?" biglang pag-iiba ni Luna ng usapan na umagaw ng atensyon ko.

Salubong ang kilay kong tiningnan si Luna dahil sa tanong niya.

"Anong balita?" salubong ang kilay kong tanong.

"Bumalik na raw ang Trio at kasalukuyan silang nasa Council Chamber‚" tugon ni Luna na mas lalong nakaagaw sa atensyon ko.

Dahil sa sinabi ni Luna ay saka ko lamang naalala na nasuspende nga pala ang Trio dahil sa ginawa nila sa akin noon bukod sa pagselyo sa kanilang kapangyarihan. At kung tama ang bilang ko ay ngayong linggo na nga ang balik nila dahil isang linggo lang naman ang suspension nila.

"Bakit naman sila pinatawag agad ng konseho? May nagawa na naman ba silang kasalanan? O may nilabag na naman ba silang batas?" naguguluhan kong tanong habang halos magdikit na ang kilay ko sa labis na pagtataka sa kung bakit agad-agad na pinatawag ng konseho ang Trio gayong kababalik lang ng mga ito.

Sa pagkakaalala ko kasi ay ipapatawag lang ng konseho ang isang charmer kung may nagawa kang mali o kasalanan‚ kapag may nangyaring hindi maganda o may emergency at ang huli ay kapag may sasabihin silang napakahalagang bagay na hindi na dapat pang ipagpaliban at walang ibang pwedeng makaalam. Pero sa kaso ng Trio ay imposibleng may mali silang nagawa o may nalabag silang batas dahil nga sa kababalik lang nila galing sa kung saan dahil sa pagkakasuspende nila.

The ProphecyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon