CHAPTER 37: PISSED OFF!

1.7K 57 0
                                        

ATHENA’S POV

Katatapos lang ng klase namin at isa-isa nang naglalabasan ng training room ang mga kaklase namin habang kami nina Kaleb at Kaiden ay nanatili lamang sa kinauupuan naming couch sa may gilid ng pinto kung saan ay kasalukuyan nila akong pinagigitnaan.

“What did you tell her?” malamig na tanong ni Kaiden na nagpalingon sa akin sa direksyon niya.

Noong una ay puno pa ng kaguluhan ang mukha ko dahil sa biglaang tanong ni Kaiden na hindi ko malinaw na naintindihan. Ngunit nang mapagtanto ko kung anong tinutukoy niya ay napangisi na lamang ako.

“Don’t worry‚ wala akong sinabi kay Gwyn‚” nakangising tugon ko.

“Siguraduhin mo lang‚” mariing wika ni Kaiden na alam kong may kaakibat na isang babala para sa akin.

Napailing-iling na lamang ako sa naging reaksyon ni Kaiden. Mas lalo lang siyang napaghahalataan sa inaasal niya. Hindi naman siya magiging ganiyan ka-tense kung wala siyang tinatago.

“Ano bang pinag-uusapan ninyo?” salubong ang kilay na tanong ni Kaleb na kasalukuyan nang nakapangalumbaba habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Kaiden.

“None of your business‚” magkapanabay naming tugon ni Kaiden at pareho pa naming inirapan si Kaleb para ipakitang labas siya sa usapan namin.

“Sige lang. Ganiyan naman kayo. Gustong-gusto ninyong pinagmumukha akong tanga‚” madramang sabi ni Kaleb na akala mo naman ay inaapi namin siya.

“Kal‚ anong nakain mo?” sarkastikong tanong ko kay Kaleb habang pinipigilan ko ang sarili kong matawa sa kadramahan niya.

“None of your business‚” mataray na sagot ni Kaleb at pilit pa niyang ginaya ang tono ng boses namin kanina‚ dahilan upang tuluyan na akong humagalpak ng tawa.

“Nalipasan ka ba ng gutom‚ Kal? O baka naman hindi ka nakainom ng gamot?” natatawang tanong ko kay Kaleb.

Sa halip na sumagot ay inirapan lamang ako ni Kaleb. Ngunit sa halip na patuloy ko pa siyang asarin ay pinili ko na lamang na itigil na ang pang-aasar ko sa kaniya dahil wala rin namang patutunguhan ang usapan namin kung patuloy kong papatulan ang kabaliwan niya.

“Tama na nga ‘yang drama mo. Mabuti pa ay puntahan na natin si Gwyn at nang makakain na tayo. Malamang ay kanina pa naghihintay sa atin ‘yon‚” yaya ko sa kanila para matapos na ang walang kakuwenta-kuwenta naming asaran ni Kaleb.

Tututol pa sana si Kaleb sa sinabi ko ngunit wala na siyang nagawa kundi ang sumama sa ‘min nang basta ko na lamang siyang hilahin habang si Kaiden naman ay nauna nang lumabas ng silid.

Pagkalabas namin ng training room ay nagtuloy-tuloy na rin kami patungong main door para lumabas ng gusali. Pagkalabas ng gusali ay bigla na lamang akong napatigil sa paglalakad nang mapansin ko ang biglang paghinto ni Kaiden na para bang may kung ano siyang narinig o naramdamang kakaiba.

“What’s wrong?” salubong ang kilay kong tanong kay Kaiden habang hawak ko pa rin si Kaleb sa kaliwang braso niya.

“Thea is in danger‚” tipid na tugon ni Kaiden kasabay ng pagguhit ng nag-aalalang ekspresyon sa mukha niya.

Hindi ko naman maiwasan ang magsalubong ang kilay ko sa narinig ko sa halip na makaramdam ako ng pag-aalala. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaskyon ko lalo na’t hindi ko naman masabi kung totoo ang sinabi ni Kaiden dahil sa aming dalawa ay ako itong kayang makakita ng nilalang gaano man ito kalayo‚ hindi siya.

“Paano mo nalaman? Gabay na ba ang trip mo ngayon?” pabirong tanong ni Kaleb.

“I gave her a bracelet which serves as a tracker and our connection as well‚” seryosong sagot ni Kaiden.

The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon