THIRD PERSON’S POV
Ang lahat ng kaguluhan at hindi pagkakaintindihan sa Fantasia ay nagsimula sa pag-ibig at pag-ibig din ni Thea para sa lahat ang magtatapos nito.
Ang pag-ibig ay lubhang makapangyarihan. Sa oras na ika’y makaramdam nito ay wala ka ng takas. At kahit anong gawin mong pag-iwas ay mararamdaman at mararamdaman mo ito.
Dahil sa pag-ibig ay nakagagawa ang isang tao ng mga pambihirang bagay na ni minsan ay hindi niya inakalang magagawa niya sa buong buhay niya. At kapag ikaw ay umibig ay hindi mo maiiwasang masaktan dahil hindi mo malalaman ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at kasiyahan kung wala kang sakit at hirap na pagdadaanan. Ngunit dahil din sa pag-ibig kaya tayo nagiging matibay at kaya nakakaya nating harapin ang mga pagsubok sa ating buhay.
Minsan naman ay napapasama ang ilan dahil sa pag-ibig lalo na kung hindi sila mahal ng mahal nila. Halimbawa na lang nito ay si Lucy na nasaktan nang agawin ng kakambal niya ang lalaking mahal niya kaya siya nakapagbitiw ng sumpa. At nagawa lang ni Luciana na agawin ang katauhan ni Lucy at ang minamahal ng kakambal niya dahil sa pagkauhaw niya sa pagmamahal at atensyon.
Si Mathilde naman ang siyang nakapagpabalik sa kambal na diyosa dahil sa labis na galit dahil hindi siya magawang mahalin ng mahal niya na siya ring naging dahilan kung bakit nawalay sa kaniya ang mga kaibigan niya na sina Thara at Fabian. At maging ang mga naging alagad ni Mathilde na sina Leo‚ Jayda‚ Ulises at marami pang iba ay nagawa lang sumapi sa kasamaan dahil sa labis na pagmamahal nila sa kanilang mga kamag-anak na nasawi sa digmaan. Tanging hustisya lamang ang inasam nila para sa mga mahal nila at ganoon din si Agua. At ngayon‚ pag-ibig din ang gagamiting sandata ni Thea upang tuluyan nang wakasan ang kasamaan. Ang pag-ibig niya para sa lahat ang magiging lakas niya upang pagtagumpayan ang ritwal na magwawakas ng kaniyang buhay.
Madilim na sa labas at gaya ng plano ni Thea ay naihanda na niya lahat ng kakailanganin niya sa ritwal at anumang oras ay maaari na niyang simulan ang ritwal. Kaya naman ay nagkita-kita na silang mga bahagi ng ritwal at ang mga manonood sa labas ng sacred room. Sa sacred room kasi nila gagawin ang ritwal dahil iyon lamang ang bahagi ng palasyo kung saan maaari nilang isagawa ang ritwal.
“Handa ka na ba‚ Kiana?” tanong ni Lady Hera kay Thea nang tumigil sila sa tapat ng pinto ng sacred room.
“Handa na po‚” mahinang tugon ni Thea at tipid pa siyang ngumiti kay Lady Hera bago niya dahan-dahang itinulak pabukas ang pintong nasa kaniyang harapan.
Nang bumukas na ang pintong nasa kaniyang harapan ay agad na pumasok ng sacred room si Thea na sinundan naman agad ni Kaizer. Dali-dali na rin namang pumasok ng silid si Lady Hera at ang iba pa na pare-parehong mga walang alam kung anong klaseng ritwal ang gagawin ni Thea.
Ang sacred room ay isang malaking silid sa palasyo kung saan isinasagawa ang pag-aalay at pagdarasal sa mga kinikilala nilang diyos at diyosa ng kanilang mundo.
Ang hari at reyna ng Ardor Kingdom ay kasalukuyan pa ring nasa throne room at walang kamalay-malay na hindi na nila makikita pa ang kanilang prinsesa pagkatapos ng gabing ito. Si Kaiden naman ay inaabala nina Kaleb at Athena upang hindi ito makapunta sa pagdadausan ng ritwal.
Katulad ni Athena ay alam na rin ni Kaleb ang tungkol sa binabalak ni Thea. Kinailangan kasi ni Athena na sabihin ang lahat ng nalalaman niya kay Kaleb upang matulungan siya nitong tuparin ang pangako niya kay Thea na hindi niya hahayaang makita ito ni Kaiden na maglaho.
“Luca‚ Nikolai‚ kunin na ninyo lahat ng bihag at dalhin ninyo sila rito‚” utos ni Thea sa magpinsan nang mapansin niyang nakatayo ang mga ito malapit sa pinto habang tila nakaabang sa anumang ipag-uutos niya.
Agad namang sinunod ng magpinsan ang utos ni Thea. Dali-dali nilang nilisan ang silid at ilang saglit lamang matapos nilang umalis ay agad din naman silang nakabalik kasama ang lahat ng bihag nila na napasailalim sa kapangyarihan ni Luciana.
BINABASA MO ANG
The Prophecy
FantasyIsang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan. Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang k...