CHAPTER 26: NEW FOUND FRIENDS

2.6K 75 12
                                    

ALTHEA’S POV

Nagising ako na mabigat ang pakiramdam ko kung kaya nahirapan pa akong magdilat noong una. Hindi ko rin naman maitatangging nais pa ng katawan ko ang magpahinga at hindi pa ako gaanong malakas. Ngunit dahil sa pakiramdam na matanggal na akong nakatulog ay pinilit kong magmulat ng mata at tuluyang gisingin ang diwa ko. Hindi naman ako nabigo dahil agad na naglaho ang antok ko at unti-unti na rin akong nagkakaroon ng lakas na bumangon.

Pinili ko na munang hindi kumilos upang hindi mabigla ang katawan ko. Pinakiramdaman ko rin muna ng ilang minuto ang sarili ko upang tiyaking may sapat na nga akong lakas na bumangon.

Nang sa palagay ko’y bumalik na ang lakas ko ay doon lamang ako kumilos upang bumangon. Ngunit ang tangka kong pagbangon ay hindi ko na naituloy pa nang hindi ko maigalaw ang mga kamay ko dahil sa kung anong bagay na nakadagan dito na pumigil sa aking igalaw ko ang mga kamay ko.

Ibabaling ko na sana ang tingin ko sa kanang kamay ko upang alamin kung anong bagay ang nakadagan dito nang bigla akong may marinig na ingay sa bandang kaliwa ko sa mismong tabi ko.

“Mmmmm...” ungol ng isang boses sa aking kaliwa na nakaagaw ng aking atensyon‚ dahilan upang agad akong mapatingin sa pinagmulan ng boses na narinig ko.

Agad na namilog ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang mukha ni Kamila na katabi ko pala sa kama at mahimbing na natutulog. Nakayakap sa akin ang isa niyang kamay habang ang kanang kamay niya naman ay nakapatong sa unan sa mismong gilid ng mukha niya.

Agad din namang nabura ang gulat kong ekspresyon at napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Kamila. Hindi ko maipaliwanag kung bakit napakagaan ng loob ko sa kaniya at kung bakit makita ko pa lamang ang mukha niya ay napapangiti na ako. Pero marahil ay isa rin sa dahilan nito ay ang mukha niya mismo na napakaamong pagmasdan. Napakaamo nitong pagmasdan kumpara sa kuya niya na kahawig nga niya ngunit hindi naman maipinta ang mukha at palaging masungit.

Habang nakatuon pa rin kay Kamila ang atensyon ko ay may bigla na lamang akong may naramdamang kung anong bagay na gumalaw sa ibabaw ng tiyan ko‚ dahilan upang maagaw nito ang pansin ko at mabaling ang tingin ko sa tiyan ko.

Agad na nagsalubong ang kilay ko nang mapagtanto kong hindi lamang iisang kamay ang nakapatong sa tiyan ko at nakayap sa akin. Dalawang kamay ang kasalukuyang nakayakap sa akin at nagmumula ito sa magkabilang direksyon at magkaiba rin ang laki at wangis ng mga ito kaya agad kong napagtantong dalawang tao ang nakayakap sa akin at nasa magkabila kong diresyon ang mga ito.

Upang alamin kung sino ang may-ari ng isa pang kamay na nakayakap sa akin ay dahan-dahan akong lumingon sa bandang kanan ko. Sa paglingon ko sa kanan ko ay agad na namilog ang mga mata ko at halos lumuwa na ito dala ng gulat dahil sa bumungad sa akin. Nakaupo si Kaiden sa upuan sa upuang nasa tabi ng kama at nakaunan ang ulo niya sa kama paharap sa akin habang hawak niya ang kanang kamay ko. Ang malaya niya namang kamay ay nakayakap sa akin at nakahawak din sa kaliwa kong kamay na siya palang dahilan kung bakit hindi ko naigalaw kanina ang mga kamay ko.

Napatitig na lamang ako sa mukha ni Kaiden at hindi ko na nagawa pang mag-iwas ng tingin kahit pa lumipas na ang ilang minuto. Ngayon ko lamang napagmasdan nang matagal at malapitan ang mukha niya at masasabi kong isa itong napakagandang tanawin na hindi mo pagsasawaang pagmasdan.

Sa ilang minuto kong pagtitig sa mukha ni Kaiden ay hindi sinasadyang natuon ang tingin ko sa mga mata niya. Kapansin-pansin ang bahagyang pangingitim ng ilalim ng mga mata niya at bakas din sa mukha niya ang pagod at kawalan ng tulog. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaisip at mapatanong sa aking sarili kung anong ginawa niya magdamag na dahilan ng pagod at pagkapuyat niya.

Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang mukha ni Kaiden bago ko naramdaman ang pangangawit ng kamay. Dahil dito ay naisip kong gisingin na lamang si Kaiden para malaya na akong makagalaw. Ngunit hindi ko na ito itinuloy pa ang tangka kong paggising sa kaniya dahil bakas na bakas sa mukha niya ang kawalan ng tulog at sapat na pahinga. Kaya sa halip na gisingin siya ay dahan-dahan ko na lamang binawi ang kaliwang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Ngunit nabigo lamang ako dahil sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang wala siyang balak na bitiwan ako maging sa kaniyang pagtulog.

The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon